Graduation

12 0 0
                                    

Bago mag graduation nag text si Otep sakin

Gabi na yun

"Alam kong malapit ka kay JC paki sabi nalang sa kanya Patawarin nya ko"

I was like
bakit di nya na lang itext? Akala ko kasi si carla tinutukoy nya

Tinanong ko tuloy kung sino si JC
reply nya
"JesusChrist yun tanga"

Aray ko nasabihan pa ko na tanga! Ang dami kayang meaning ng JC buang talaga yun

Nagtaka tuloy ako .....anong problema neto?
Nireplyan ko na lang ng "Sige"


Pero kinausap ko si carla kung ano nangyayari kay Otep pagkatapos nun naunawaan ko na kung bakit ganun sya. Sa awa ko nga sa kanya eh Akala ko iyon na yung feeling ng mainlove

Sabi kasi ng mga Eksperto kong kaibigan about jan pag daw yung tao nay un ay hindi mawala sa isip mo

At di ka makatulog kakaisip sa kanya eh ayun love na daw yun

Hindi ako pinatulog ni Otep ng ilang Araw bago mag Graduation kakaisip kung

Okay lang ba sya..

Gusto ko sabihin sa kanya na kahit ganun pakikitungo nya sakin kahit saktan nya pa ko ng ilang ulit eh okay lang sakin

Papatawarin ko na sya..

Pero etong mga kaibigan ko Kinantsawan ako na Sabihin na sa kanya yung nararamdaman ko bago pa kami mag kahiwalay dahil hindi na kami mag kikita pag katapos ng Graduation

Kaya pag katapos naming mag picture ng buong Classmate naming Tinawag ko sya

.. Sasabihin ko na dapat sa kanya

"Otep... " nauutal na sabi ko

" Bakit? " sagot nya..

Grabe yung kaba ko at sa sobrang taranta ang sabi ko

" picture tayo! !! "

arrghh. hindi iyon!

Ano bang gagawin ko Sasabihin ko ba o wag na lang.

eto na

"Otep kasi may matagal na kong gustong sabihin sayo"

maya maya tinawag sya ng Ex nya sinenyasahan nya lang ng "mamaya na"

Sabay humarap sya sakin at sabi nya "Ano yun?"

Sabi ko "Wala pala"

At umuwi na ko

Siguro awa lang and forgiveness yung nararamdaman ko sa kanya kasi ngayon masaya naman na ko.

Salamat sa kanya dahil na inspired ako mag aral di dahil ako yung kopyahan nya kundi dahil pinaparamdam nya sakin na may tiwala sya sa sagot ko o sa akin. Punong puno pa naman ang buong pagkatao ko ng insecurity at wala akong tiwala sa sarili pero dahin sa kanya nagtiwala kong muli. At dahil sa pang aasar nya sa looks ko. Binago ko yung lifestyle ko and I realized na lang na hindi ako mag babago para sa kanya kundi para na lang sa sarili ko.

May mga bagay sigurong pinagtagpo ng sandali pero hindi itinakda. Siguro yung sandali na yun para lang pasayahin tayo para mainspired at para makita at mabago yung mali satin Para maging maayos at mas lalo pa nating mapagbuti ang sarili natin. Isang lesson sya sa buhay ko..

When the time comes at pinag tagpo na ulit kami Siguro tadahana na yun

Bago matapos ang lahat

Niyaya ako nila Carla mag Lomi sa tabi ng School Kasama sila Otep

Hindi ako kumakain ng Lomi pero sumama pa rin ako

She ask me If I love him..

"I'd lie"

-----------------------------

END. Thank you for reading :)

/��9��y�

I'D LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon