Broken (One-shot)

1.1K 19 5
                                    

PS: Bago niyo basahin, pakibasa muna yung teaser. Just click the External Link ------> 

OPPPSS! Play niyo din yung nasa gilid para mas dama -------> 

--------------------------------------

Haynaku! Mga babaeng yun, first day na first day mga late. Mga di na talaga nagbago, tsk tsk. Makalabas nangalang ng may-magawa naman dito. 

Sakto namang paglabas ko bigla ding nagbukas yung room ng 4th year. Nakakaloka, kailangan sabay talaga? Lumabas doon ang isang mukha na hindi ko pa nakikilala sa buong buhay ko dito sa MLPA. Nagkatinginan kaming dalawa, ewan ko ba basta napatitig nalang ako sakanya. 

"Theaaaaaaaaaaa!"

"Thealuuuuuuuuu!"

"Theaninggggggg!" 

Ayun lang, may MGA panira ng moment. Mga kaibigan ko talaga oh, tinititigan ko pa si Kuyang bago ee, ayun nag-cr na tuloy. Oh well papel, wala na akong pake sa kanya. 

"Kayong tatlo! Late nanaman kayo?! Nakakaloka. Wag kasi puro puyat ang atupagin huh." 

"Eh may hangover  pa kami sa bakasyon ee." Mika. 

"Wait! Ano munang latest chika?! Tara pasok na kasi tayo!!" Joanna. Ang pinaka maingay saming tatlo, pero wag kayo! Love na love ko yan! 

"Ayyy may kwento ako! Dali-dali." Baruchay. Siya naman ang bestfriend ko. Naku may kwento daw siya, malamang detail by detail nanaman yung kwento niya, ang nakakaloka pa isang oras na siyang nagke-kwento wala pa kami sa climax kasi ultimo paghulong ng piso nung nasa kwento niya sasabihin pa niya. Pero sa lahat yan ang pinakamamahal naming tatlo. 

-----------

Lumipas ang mga oras at sa sobrang boring ng first day namin hindi ko namalayan lumipas na ang buong araw. Nakwento narin ni Baruch samin yung about kay kuyang bago well info lang naman. Galing daw siyang CSBN at Marc Rabina daw ang pangalan, nag tanong kasi ng nagtanong si Mika about Marc kaya ayun kwento naman ng kwento si Chai short for Baruchay. 

"Thea! Crush ko yung bago, yung Marc Rabina." Pagkapasok ko palang ng bahay yan kaagad ang salubong sakin ng ate kong si Monica.

Dalawa lang kami sa bahay dahil nasa States si Mommy. SI Daddy naman, wala lang busy sa pambababae. Simula ng maghiwalay sila ni mommy, di na siya dito tumira si mommy naman pumunta ng states para saming dalawang magkapatid. Well okay lang naman samin yun ni Ate, kami pa.  

"So? Paki ko?" Sorry. Ganyan talaga kami mag-lambingan ng ate ko, one year lang naman tanda niya sakin ee. 2nd year ako 3rd year siya at 4th year si Marc..Teka nga?! Bat pati year level ni Marc kasali? Wala yun.. erase erase. 

"Waahhh! Wala lang, crush ko lang. Ang lakas ng appeal ee." 

"Ano naman paki-alam ko kung ma-appeal siya, sige na na matutulog lang ako." 

"HOOOY! BUKAS NADAW YUNG LAST DAY NI TCHR EVA SA SCHOOL BAKA DUMALAW YUNG KG MO SA SCHOOL!" Sigaw niya pag-kasara ko ng pinto ng kwarto. Wait.. 

SI KG KO? 

SI KUYA KARL THEODORE GONZALES KO? 

KILIGS :"> 

------------

"WAHHHHH!!! DADATING DAW SI KUYA JOCK?! EMEGHED!" Okay ang aga-aga, boses talaga netong si Joanna ee. Kakapasok palang si Jock na agad bukang bibig, palibhasa super crush niya. Late nanga pumasok yung napakalakas na boses pa niya yung pang-bungad samin -.- 

Broken (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon