Sabado ngayon! Ayun, 12 nako bumangon. Pagising-gising ako pero pinipilit kong matulog ulit. E syempre, eto lang ang libre kong araw.
Pagbaba ko nakita ko si mama na may kausap na babae na may buhat buhat na dalawang plastik ng damit.
“kelan ko po makukuha?”
“Bukas na Ineng. Dahil andami pala neto. Dapat di ka nagtatambak ng madaming labahin.”
“e kase ate, bagong lipat ako sa dorm sa tapat nyo. E wala kong nakitang laundry shop. Buti na lang po tlga nakausap ko kyo.”
After ng konti nilang paguusap umalis na yung babae.
“Ma ano po yun?”
Tinulungan ko siyang buhatin yung malaking plastik ng damit.
“Ay salamat nak. Tumanggap ako ng labahin. May babae kase kong nakausap sa dormitoryo jan sa harap. E nagtanong kung may kilala akong labandera. Naisip ko na ako na lang yung labandera para may pagkakitaan pa ko.”
“Ma naman, baka di niyo na kaya. Ano na po ba ang sabi ni Papa?”
“wala akong balita sa papa mo anak. Dalawang buwan na din siyang di nagpapadala.”
Dama ko yung lungkot sa boses ni Mama. Alam kong malungkot siya hindi dahil walang padala si papa. Nag-aalala na din kase sya. Ganun din naman kame.
Alam kong di nagpapadala si papa kase ako ang palaging kasama ni mama pag icclaim na namin yung pera. Kaya sinadya kong wag muna manghingi ng baon. Kundi pamasahe lang. Pero ang totoo, nilalakad ko na lang mula school hanggang bahay. Kaya ko naman siyang lakadin e. Mga 20mins lang siguro. Exercise na din. :P
“Ma, may problema po ba kayo ni Papa?”
Lumingon lang si mama saglit saka nagsalita, “Hmm. Iniisip ko nga kung may problema e. Baka may nangyare lang sa kumpanya na pinapasukan niya.”
“Sana nga po wala. Ay ma, kain lang po ako ha.”
Kung anuman yung nangyare kay Papa, alam kong malulusutan din namin.
Anyway, nasurprise naman ako ng kaldero namin ng makita kong kapiranggot na kanin na lang ang natira saken at isang hotdog. Yung cocktail pa. haaaay.
“Ay nak, pasensya ka na. Aksidenteng natapon ni Kyle yung pagkain niya e. Kaya nagalaw yung ulam na para sayo sana.”
Kasunod ko pala si mama sa kusina. Gusto ko sanang magalit pero sige lang. Naiintindihan ko naman. Ang batugan ko kase yan tuloy.
“Okay lang po. Magtitinapay na lang ako.”
Biglang humarang si mama sa dadaanan ko papuntang lagayan ng pagkain.
“Nak, wala na tyong stock ng pagkain. Di pa ko nakakabili. Alam mo naman diba?”
Nadismaya naman ako ng sobra. E ano pa bang choice ko?
Nginitian ko si mama bago ko sumagot. “I know what to do!”
Para namang napa-ting ang mukha ni mama sa pagkakasabi ko.
“Water therapy!!” Sabay naming sabi ni mama. Saka tumawa. Haaaaay. Ang hirap pala ng ganito sa totoo lang.
Kaso, agad namang napawi tawa ni mama kase pagbukas ko ng ref, sumalubong ang mga bote ng tubig sakin na malamig pa ang nguso ng puso. Ansaklap. Patay pala ref. -_-
BINABASA MO ANG
Without You
Teen Fiction“For you I will”, it sounds sweet to hear these 4 words. But what if this statement is not for a person? What if the word 'you' is not referring to any individual, being or character? But for a matter of concern- absolutely a thing? No, a precious...