PROLOGUE

472 19 20
                                    

Fangirl? Ano nga ba ang definition ng fangirl?

Base sa experience ko, ang isang fangirl ay 'yung may kina-aadikang artista, model, or kahit sino basta kina-aadikan niya 'yun. Mostly ang mga ganitong uri ng tao ay 'yung laging active sa online especifically sa Twitter, Facebook, Instagram at marami pang ibang social networking sites kung saan sila gumagawa ng fanpages, nag-ttweet, at nagpopost ng tungkol sa mga idolo nila. Kadalasan din ay mga sikat ang mga inoodolo ng mga fangirls.

Crush? Ano nga ba ang ang definition ng crush?

Hindi ba't ito 'yung paghanga? Paghanga sa isang taong nakikita mo palagi, nakakasabay mo, pero madalang kang pansinin. Hindi naman lahat hanggang-tingin lang. Yung iba kasi ay nagkaka-crush din sa mga best friends nila, classmates nila, or worse.. sa enemies nila.

Ito 'yung bibilis 'yung tibok ng puso mo kapag malapit sila sa'yo, kapag kinakausap ka nila, kapag nakatabi mo sila o di kaya naman ay kapag nginitian ka nila. Kapag may crush ka, madalas nagiging stalker ka. Lagi mo siyang inaabangan. Kahit pag dating sa online ay naghihintay ka parin kung mag-oonline ba sila, kapag nakapag-online na ay aatakihin na ng katorpehan. Sayang ang buong araw na paghihintay. Madalas din ang pagpapapansin ng mga taong may-crush sa mga crush nila. Na tipong kahit magmukhang tanga, mapansin lang eh, go na go. Ang mga crush ay ang ating mga inspirasyon. Nakakapag-pasaya sa'tin mismong makita lang sila ngumiti. Madaanan lang, kilig na agad.

Okay lang naman magka-crush. Pero kung crush lang, crush lang. Delikado kasi kapag naglevel-up ang so-called-crush na 'to. Nagiging love.

Love? Ano nga ba ang love?

Tulad ng sinabi ko kanina, minsan ito ang nagiging bunga ng sobrang pagka-crush sa isang tao. Yung dating nagpapasaya sa atin ay ang dahilan na nagpag-luha natin. Yung simpleng pag-iwas niya sa'tin, masakit na. Dito narin lumalabas ang mga salitang selos. Selos kapag may kausap siyang iba, may kasama siyang iba, o may gusto rin siyang iba. Kapag mahal mo ang isang tao, madalas nagpapaka-tanga tayo dito. Yung kahit masakit na ay matitiis mo dahil nga.. mahal mo siya.

Ako si Catherine Villamor at ito ang kwento ng isang simpleng fangirl na may crush kay Justine Reigan Lee. Ang online-heartthrob slash schoolmate ko.

Simpleng fangirl.

Super crush.

what's next?

Is it love?

****

This is my first on-going story so guys, please support. Due to my undying love for MinHoney. lol. Anyway, this is a MinSul fanfiction. Enjoy reading! :)

Vote and Comment please.

I want to know what you think about this story. ^_^

(c)ShimmeringLocks.

P.S: I dedicate this chapter to HaveYouSeenThisGirl who inspired me on writing this. I got my inspirations from Voiceless.

Just Give Me A Reason [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon