"Yes! I love you!"
Niyakap ko siya. Mahigpit. Ayaw ko na siyang pakawalan. Mahal na mahal ko ang girlfriend ko.
Ibinaba ko siya sa pagkakabuhat at naiiyak na tinignan siya. I cupped her face and wipe her tears..
"I love you forever. Always remember that.."
Hinagkan ko siya sa sentido at niyakap ulit. This is the day that my life begins. Sa kanya na iikot ang mundo ko. Siya lang ang babaeng mamahalin ko habang buhay..
_______________________
PRESENT DAY..
Nakatingin lang ako sa bintana. Katabi ko si Woozi na panay ang usap kay Hoshi. Napabuntong hininga ako. Kakatapos lang ng performance namin sa MBC. Bukas may schedule kami ng fansigning. This is really a tiring day..
"Kups.."
Nilingon ko si Woozi. Tinignan ko lang siya.
"Coups..hindi kupal, Woozi." pagtatama ko. Natawa siya. Inakbayan niya lang ako.
"Iniisip mo na naman? Hay nako, Kuya. Alam mo? Hanga ako sayo. Kasi pagod ka na sa mga ginagawa natin at paggu-guide samin pero sa kanya..hindi ka napapagod."
Tumingin nalang ako ulit sa labas ng bintana. Iniisip ko na naman..Almost one year na..pero di ko alam kung nasaan na ang babaeng mahal ko..Ang babaeng rason kung bakit ako nandito at hinahangaan.
"Di ako mapapagod. Kasi kahit iniwan niya ko sa ere, mahal ko pa din siya. Hinahanap hanap ko pa din siya, Woozi. Sa facebook..instagram.. Pero wala. Wala ni isang nagtugma.." Napayuko ako.
"Mahahanap mo din siya, Hyung. Tiwala lang. Pero..ano gagawin mo pag nahanap mo na siya?" Muli ay tinignan ko si Woozi na nakangiti lang sakin.
"Di ko alam. Baka iuwi ko siya agad sa dorm at angkinin siya."
Bigla ay sinuntok ako ni Woozi. Napasigaw ako sa sakit. Seryoso na siya ngayon.
"Bawal iyan, Hyung! Alam mo naman na di tayo pwedeng magdala ng babae sa dorm at lalong lalo na ang malaman ito ng media! Pagpipiyenstahan tayo! Baka ma-bash ka!"
Napatawa nalang ako at niyakap siya. Si Woozi talaga. Lagi siyang worried sakin. Lumayo ako at hinawakan siya sa balikat.
"Joke lang yun sympre. Pero sa totoo lang, hindi ko alam gagawin ko." Ngumiti ako sa kanya para bigyan siya ng assurance na okay lang ako pero deep inside..hindi.