Aftermath.

39 0 1
                                    

SO THE STORY STARTS HERE...

Jhen’s POV

 “Jen! Gumising ka na! Punta tayo sa mall. Bilis, tulungan mo ko bumili ng magandang damit para sa date ko bukas.”

Si Lilet, ang best friend ko since day 1 ng high school. Umagang umaga nanggigising to para lang magpasama sa mall. -.- Actually every week siyang nagpapasama para lang bumili ng kung ano ano, pero wala naman akong choice kundi samahan siya kasi love na love ko yan. Sa lahat ng events sa buhay ko, siya yung lagi kong kasama. Para na ngang anak yung turing nila mama sa kanya e.

Siya din ang nakaramay ko sa most tragic event ng buhay ko, the day I had my heart broken. Siya yung nakakasundo ko sa lahat ng bagay, siya yung tumutulong sakin sa mga problems ko. Kaya simula nung iniwan ako ng ex ko, tinuon ko nalang yung sarili ko sa mga bagay na tingin ko ay mas WORTH-IT.

Pero... parang ang strange niya ngayon, ewan ko ba pero parang may gustong sabihin na di masabi... Ano kaya yun?

Anyway, Ako naman si Jen, 4th year college na ko at nagtetake ako ng course na Military. Oo, military.  Di ko nga rin alam kung bakit ganto ang napili kong course eh, samantalang punong puno naman ako ng kaartehan sa katawan. -.-

Literally, I’m pretty. Tawagin niyo na kong conceited, pero totoo yon. Yun kasi ang ginawa kong hobby pag tapos naming magbreak ni Raymond, ang magpaganda ng bongga. Broken heart is what changes people, sabi nga nila. Kaya after that poignant heartache, I swore to myself that I won’t fall in love so deep again. But I admit it, I’m still waiting for him to come back...

Habang naglalakad kami sa mall, ayaw magsalita ni Lilet, tingin ko may tinatago to sakin e.. Ano kaya yun?

“Uy lilet, kanina ka pa parang tahimik diyan ah? Sabi mo pupunta tayo para mag-enjoy? Meron ka bang hindi sinasabi sakin? May problema ka ba? Share mo naman." 

Lilet’s POV

*New message received from John*

Himala, nagtext si John. Ang tagal na netong di nagpaparamdam ah. Mabilis kong binuksan yung message niya kahit antok na antok pa ko, baka kasi important e.

Bigla nalang akong napatayo sa kama ko nung nabasa ko yung text niya.. 

“May gf na si Raymond!  ”

What? Pano nangyari yun? Kala ko ba... Sabi niya, babalik siya para sa bestfriend ko... At bakit niya pa kailangang i-gm yon? Nareceive kaya ni Jen yun? Nako, wag naman sana, ano nalang mararamdaman niya pag nalaman niyang may iba nang gf yung lalaking akala niya ay babalik pa para sakanya?

At dahil sa sobrang shock ko, di ko nalang namalayan na dinala na pala ako ng sarili kong mga paa sa bahay nila Jen. Di ko alam kung pano sasabihin sakanya.

Mukha namang di pa niya nababalitaan, kaya ilihim ko nalang kaya sakanya? Aayain ko nalang siya mag-Mall para mag-enjoy.

Habang naglalakad kami sa Mall..

“Meron ka bang problema? Meron ka bang hindi sinasabi sakin? Share mo na.”

Bigla nalang niyang natanong sakin, di ko alam ang isasagot sakanya.Di ko alam kung anong gagawin, naguguluhan ako..

“Jen, nabalitaan mo na ba?”

“ Ha? Ang alin?”

“Ano kasi eh.. May ano.. May gf na daw si Raymond.”

Magnum (A story of love gone wrong <//3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon