Chapter: 110.

152 2 0
                                    



Minsan sa buhay natin may mga taong nakatadhanang umalis. Dumating sila sa buhay natin para magbigay ng saya at kulay sa ating mundo o kaya'y di naman ay magsilbing isang turo upang sa susunod na magmamahal tayo alam na natin ang gagawin ... Sabi nila kapag may taong umalis may darating na bago para pumalit. Pero paano kung ang taong akala mo ay iniwan ka ay muling babalik?




As I look at him for the very last time ngayon ko lang narealize na sobrang gwapo pala talaga ni Timothy kaya di na ko magtataka nung nabubuhay pa lang siya e madami na akong kaagawa. I cant even take away my eyes on him kasi umaasa pa din ako na mabubuhay siya, namagiging okay lang din ang lahat. How I wish na nandito pa din sya. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko di ko napansin na kahit anong hagulgol yung gawin ko wala ng lumalabas na luha sa mga mata ko. Ganito pala talaga kasakit,kasakit na mawalan ng taong sobrang importante sa buhay mo. Yung kung kailan okay na saka naman biglang masisira lahat. Yung akala mo Happily ever after na pero yung totoo sa fairy tales lang talaga nangyayari ang lahat ng yun. Yung umasa ka sa forever, kasi akala mo dun kayo papunta pero hndi e iniwan pa din nya ako. Mahal ko si Timothy pero alam kong mas mahal niya ko, sa lahat ng panahong ginugol niya para hanapin ako sa lahat ng sakripisyo niya para maprotektahan ako dun ko napatunayan na mahal na mahal ako ng Isang Timothy Odelle Pendelton pero sa isang iglap lahat ng sakripisyo at oras na binigay niya, naglaho, naglaho na parang isang bula sa panahon na kung san okay na ang lahat.

Jared's POV

Its time to finally say goodbye pero si samantha hirap pa ding tanggapin na wala na si Top. Ilang ulit na siyang pinapaupo sa upuan nya dahil hanggang ngayon ay hndi pa rin maumpisahan ang huling misa para kay Top.

Hindi rin nagtagal umupo din siya sa tabi ko, niyakap ko sya kasi yun lang ang magagawa ko para sa kanya. It was really hard for us to let go especially for sam.

Samantha's POV

Nahihilo ako, parang umiikot yung mundo ko, ang labo ng nakikita ko, sinubukan kong tignan si Red pero wala na sya sa tabi ko, tumingin ako sa paligid pero wala na silang lahat. May nakita akong pintuan pumasok ako baka sa kaling andun sila, natatakot ako hindi ko na alam yung gagawin ko. Umupo ako dun sa upuan tumingin tingin ako sa paligid pero puro puti lahat ang nakikita ko, natakot ako hindi dahil wala si Top dahil alam ko anjan lang siya ginagabayan ako, natakot ako kasi pati yung pintuan na pinasukan ko biglang nawala. Natatakot ako, takot na takot ako, hindi ako makahinga, nahihirapan akong huminga. Nakaupo pa din ako sinusubukan kong tumayo pero hindi ko kaya.

May malamig akong naramdaman sa right side ng tenga ko. Nanginig yung buong katawan ko ng marinig ko yung bulong na  "Samantha behave" I Felt like I was in a scary movie and all of the sudden everything went black.

End of POV


Hingal na hingal ako noong nagising ako, ang akala totoo na ang lahat, ang akala ko wala na talaga si Top. Nakakatakot isipin na mawawala siya. It felt like it wasn't a dream. They are so real.

"Kuya si Top anjan na ba?" Tanong ko kay kuya Lee ng makita ko siya sa ibaba

"Sam" tawag niya sakin, pero parang may mali

"Kuya dumating na ba si Top?" Ulit kong tanong sa kanya. Hindi niya ko sinagot instead niyakap niya lang ako ng sobrang higpit. Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman kong ito. Panaginip nanaman ba ito?

"Kuya ano ba! Anjan na ba si Top?" Pilit kong umaalis sa pagkakayakap niya pero sa sobrang higpit hindi ako makawala.

"Princess, si T-top" lumuluhang sabi nito. Hindi siya makatingin ng diretso, parang may mali

"Napano si Top? Asan si Top kuya. Umimik ka nga kuya, ano ba! Pinagttripan mo ba ako?" Biglang dumating si Audrey kaagad agad ko siyang nilapitan at hinawakan ang mga kamay niya

"Audrey nakita mo ba si Top?" Hindi niya ko pinansin instead niyakap niya rin ako

"Ano bang trip niyo?" Dad buti nalang dumating ka" bakit parang gulat na gulat siya ng makita niya ko "woooh bat parang gulat na gulat ka? Nakita mo ba si Top dad?" hindi niya ko sinagot, he went to the kitchen pagbalik niya may dala na siya ng glass of water, binigay niya sakin.

"What happened to your eyes baby?"

"Ang sama kasi ng panaginip ko, si Top daw kasi.. nvermind dad. Dad si Top dumating na ba?" Biglang dumating si red

"Anak, siguro dapat si Jared nalang ang magsabi sayo nyan"

"Anong meron ba dad? Ano ba to? Bakit di niyo ko masagot?" Naluluhang sabi ko, naguguluhan na talaga ako, hindi ko na maintindihan lahat ng to. "Jared, anong nangyayari?"

"Hindi ko alam kung paano ko to sasabihin sayo"

"Sabihin mo na, si Top asan?"

"Tungkol kay Top, hindi na siya makakarating. Hindi ka niya mapupuntahan ngayon kasi"

"Kasi ano?"

"Mabuti pa puntahan mo nlang to" He gave me a paper, my address na nakalagay

"Red ano ba talagang nangyayari?"

"Mas mabuti ng ikaw na mismo ang makakita sam" Si kuya

"Samantha, anak kahit anong mangyari andito lang ako" daddy hugged and kissed me

"Samantha panuorin mo muna to bago ka umalis" may binigay na CD sakin si Audrey

I went to my room and pinanuod ko. Ito yung play namin nung mga bata kami. Hindi ko mapigilang hindi mapaluha. Ito yung Top na minahal ko. Ang tabataba pa ni Top dito. Sa bandang huli may part na nakuhanan yung sinampal ko siya. Di ko inexpect na meron pala siyang copy nito. Ang cute cute tignan ni Top. Bakit kaya hindi ko siya napansin nung bata palang kami.

Pagkatapos ko pinanuod tinawagan ko na si michie na nasa sala para samahan akong puntahan yung address na binigay ni Jared.

To #HubbyTimmy<3:

Hubby where are you? Why you didnt come to pick me up today? Im worried. I love you:*

Message Sent.

"Sam san ba tayo pupunta?"

"Hindi ko rin alam michie, alam mo kung nasaan si Top?"

"a, e hindi ko alam e"

"Michie bakit parang iba yung pakiramdam ko, may alam ka ba na hindi ko alam?"

"W-wala akong alam promise, asan si lee?" nagulat ako nung bigla niya kong tanungin tungkol kay kuya

"Nasa bahay siya kanina, hindi ko na alam kung asan siya ngayon, abnormal nga yang si kuya e, umiiyak kanina, tinanong ko lang namn kung asan si Top"

"Hayaan mo na yun sammy minsan talaga kailangan nating umiyak"

"Bago yan michie a, pero nakakapagtaka kasi dapat aalis kami ni Top ngayon e, kaso hindi niya ko pinuntahan tapos si kuya umiyak, si audrey may pinapanuod na video sakin, si daddy ang weird tapos ito ngayon yung address. Ang weird talaga michie"

"Hindi ka lang sanay sammy"

"Alam mo nakatulog ako kanina, sobrang parang totoo ng panaginip ko, namatay daw si Top, michie. Sobrang hindi ko daw alam yung gagawin ko. Sobrang natakot ako, takot na takot" napansin kong umiiyak si michie "pati ba nman ikaw umiiyak, michie ano bang nangyayayi?"

"W-wala naman sammy, naiiyak lang ako"

"What the helll!" Napasiagaw ako sa lugar na binigay ni Jared, seryoso ba to?

"Bakit samantha?"

"Anong gagawin natin dito sa Heritage Park Chapel?"



Author's note:
Hello sa mga readers nito;) its been a while na po after 3years nakapagupdate na din. Sobrang busy lang po talaga sa school and and hirap po magimagine hahahahahahahahha Thank youuu! I love youuuuu👍🏻😍😂

TBYD & NTBG (Gangster's Paradise) Dedicated to Ms Alesana MarieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon