Hahanapin o hihintayin?
Ano nga ba dapat?
Kasi diba sabi nga ni Lola Nidora (actually gasgas na to) darating ang tamang pag-ibig sa tamang panahon.
Hindi dapat to hinahanap, kasi once na naghanap ka, baka magkamali ka. Halimbawa, nakahanap ka ng pogi, matalino, mayaman. Pero di ka pa nakuntento, ang tendency non, maghahanap ka uli. Syempre kung may nahanap ka na, di imposibleng makakahanap ka uli, diba?
Pero dapat din bang hintayin lang rin natin na dumating ang love? Paano kung yung inaantay mo, nag-aantay lang rin pala? Edi nag-antayan lang kayo, diba?
Para sa akin? Wala.
Kasi ang love, kusang dumarating. Parang cancer, walang warning, may konting symptoms pero nakakasurprise parin pag dumating.
Dapat just go with a flow lang tayo. Kung dumating na edi congrats! Wag mo nang pakawalan yan lalo pag alam mo at ramdam mong siya na si da'one.
Pero kung hindi pa? Edi enjoy yourself muna, with your friends and fam. Di naman kasi dapat minamadali yan.
Sina Abraham at Sarah nga, 99 yrs old na nagkaanak. Yung iba 50+ na edad bago magpakasal. Si Shasha (lol tama ba) Padilla nga, may asim pa pala!
Ano inaapply nito?
Wala naman, naniniwala kasi ako na lahat tayo may soulmate kaya lahat tayo may makakatuluyan.
Kaya smile, life is too short for us to frown. Nakakadagdag ng wrinkles, nakakatanda yon! Enjoy life.
BINABASA MO ANG
Hashtag Opinions
Randomthis is not a story its my perspective towards random issues 10/15/15