"Break na tayo..." yan ang sabi sakin ni David sa kabilang linya. Para bang nangbingi ang pandinig ko sa sinabi niya.
Ang sakit! Ang bigat sa pakiramdam! Bakit niya to ginagawa sakin? May ginawa ba kong mali? Ang gulo gulo na ng isip ko!
Nabitawan ko ang cellphone ko at nahulog ito. Napaluhod ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Umiyak ako ng umiyak, hindi ko maiwasang hindi umiyak sa sobrang sakit na nasa puso ko. Pagkatapos ng lahat lahat na pinagdaanan namin, makikipagbreak siya sakin ng hindi ko alam.
2 years na kaming mag boyfriend, wala naman kaming masyadong labuan. Pero biglang nagbago ang aura namin.
Pinulot ko ang cellphone ko at tinawagan ko ulit siya. Agad naman niya itong sinagot, pero dumiretso agad ako sa pagsasalita.
"D-david baka pwede pa naman natin 'tong pag-usapan. Hindi ko alam kung bakit mo 'to ginagawa david please?" Umiiyak nanaman ako, panay tulo ng tulo ang luha ko. "David please? Bakit ka nakikipag-break sakin?"
Hindi siya sumasagot sa tanong ko kaya nagpatuloy pa rin ako sa pagsasalita. "Bakit David? Please, sabihin mo naman sakin para maintindihan ko. Make me understand! Diretsohin mo na ko!"
"Ang landi mo rin eh no? Akala mo siguro hindi ko alam na nakikipag usap ka pa rin sa Zed na yan?" Sabi niya "Oo, nabasa ko ang chat niyong dalawa ni Zed. At nakikipaglandian ka pa sakanya ha?"
Hindi ko nakaya ang sinabi niya kaya ginantihan ko siya.
"Malandi? Ako malandi? Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? Ha David? Ano?! Oo, aaminin ko na nakiki-usap parin ako kay Zed. Because he is my friend! Hindi ako nakikipaglandian sakanya dahil may respeto ko sa sarili ko. Dahil loyal ako sa'yo! You're misunderstanding David! May girlfriend siya and you know it! Kaibigan ko lang siya. Kaya please?" Nangiyak-iyak kong pahayag.
Hindi siya nagsasalita kaya nagsalita ulit ako.
"Kung sa'yo pala Ok lang na makipag-usap sa kung kanino lang, pero ako. Bawal? Bakit ba David? Please naman? Wag mo 'tong gagawin sakin please?"
Pero binaba na ni David ang telepono niya, kaya umiiyak na naman ako.
Nasa kwarto ko ng makipag-break siya sakin through call. Hindi ko maintindihan. Panay ang iyak ko sa kwarto ng mag-isa, rinig na rinig ang pag-iyak ko sa baba ng bahay at sa kabilang bahay namin. Tinawagan ko si Tita Anne. Sinagot niya ang tawag ko.
"Hello?" Tanong niya sa kabilang linya.
Hindi ako makapagsalita dahil sa pinipigil kong hindi umiyak. Pero narinig na niya na umiiyak ako.
"Anong nangyari sayo?! Bakit ka umiiyak?!" Alalang alala na tanong ni Tita. "May nangyari ba?""T-titaaaa!!!" Mahina kaong sabi na nanginginig sa iyak.
"Anong problema Trix?! Anong nangyari?" Tanong niya.
"S-si David kasiii--!!" Hindi ko mapigilang hindi mapa-iyak.
"Si David ano?! Ano nangyari?"
"Break na daw kami! Tita, si David po nakikipag-break na sakin! Ano ng gagawin ko? Tita?!"
Patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
"Trix~, hayaan mo muna siya. Siguro may nagkalabuan sainyo kaya ayun."
TBC.
[A/N] This story is half way from reality. Haha. Thanks for reading! Vote if you liked the chapter. Ty.
BINABASA MO ANG
The Sweetest Revenge
Teen FictionPa'no ba maka-Move On? Bakit mahirap itong gawin? Dahil ba, mahal mo pa siya? Dahil natatakot ka na baka masayang lahat ng memories na pinagsamahan niyo?