"Siguro naman kasi, nagkalabuan kayo?" Sabi ni Tita sa kabilang linya. "Ang tanong, nagkalabuan nga ba?"
[A/N]
Batang-bata pa kung tingnan si Tita Anne. Ilang taon lang ang agwat niya sakin at para ko na siyang nakatatandang kapatid. Wala siyang anak kaya, kami ng 2 kong kapatid na babae ang ginagawa niyang anak. Sino-spoil niya kami at ng kanyang asawang si Tito Mario.[End of A/N]
"A-ang sabi po niya, malandi daw po ako" tumulo ang luha ko at pinipigil na wag mag-ingay dahil tulog na ang mga kapatid ko dahil wala naman sila mama at papa. Nasa ibang lugar nagtatrabaho.
"Bakit naman niya yun sasabihin? H-hhindi ko maintindihan?" Sabi ni Tita.
"Nakita po niya yung chat namin ni Zed, kinukumusta ko lang naman po siya eh, pero bakit ganon?" Dirediretso lang ang luha ko.
"Tapos yun? Sinabihan ka ng malandi? Nakipag-break sayo? Anong kwentang tao siya? Ha?! Napakawalang hiya naman pala nitong lalaking to eh!" galit na sabi ni Tita. "You need to settle this with him. NOW! Bago pa matapos ang gabing 'to, ayusin niyo tong dalawa!" At ibinaba ang tawag.
Patuloy akong umiyak, pero dahil wala akong masandalan, wala si Mama at si Papa naisipan kong pumunta sa kwarto ng kapatid ko.
Pumasok ako sa kwarto niya, natutulog na siya. In-on ko yung ilaw at tumingin siya sa'kin.
Nakita niya kong umiiyak. Napa upo siya sa pagka-higa niya at lumapit sakin na parang nagtatanong ang mukha.
Hindi ko mapigilang hindi umiyak, kaya niyakap niya ko. Hinihimas niya ang likod ko at pinupunasan ang luha ko.
Mas bata siya sakin ng 2 taon pero mas matured siyang mag-isip kaysa sakin. Yung isa ko namang kapatid, walang pake-alam, matalino siya at puro lang aral ang inaatupag.
Tinanong niya ko kung bakit ako umiiyak. "Ate, bakit? Ano nangyari?" Mahina niyang tanong.
"Trace! Si David kasi, nakikipag-break na sakin" sagot ko habang umiiyak nanaman.
"Hayy naku Ate! Yun lang naman pala eh. Eh di hayaan mo na! Buti nga yan at single ka na ulit, tara na matulog na tayo" sabi niya sakin.
Trace's P.O.V.
Natutulog na ko ng biglang may pumasok sa kwarto ko at in-on pa ang ilaw ah? Tumingin ako sa pintuan kung sino ang pumasok. At nakita kong umiiyak ang ate ko. Minsan ko lang siya nakikitang umiiyak. Pero ngayon? Iba ang iyak niya, hindi kung ano ano lang. Lumapit ako sakanya at yinakap siya. Naaawa ako sakanya. Kaya tinanong ko siya kung ano ang nangyari, ang sabi niya nakikipag-break na daw si David sakanya. Nangbingi ako. Di ko alam ang gagawin ko. Di ko alam ang gagawin ko kung pano ko siya papatahanin. Kaya sinabi ko sakanya na "Hayy naku Ate! Yun lang naman pala eh. Eh di hayaan mo na! Buti nga yan at single ka na ulit, tara na matulog na tayo". Naluluha na ako sa nangyayari sa Ate ko. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak kaya dumiretso na ako sa kama ko at inayos ang hihigaan.
End of P.O.V.
Natutulog na kami ng may bumubusina sa labas ng bahay namin.
Tulog na si Trace kaya sinilip ko sa bintana niya kung sino ang bumubusina. Blurred na ang paningin ko dahil nanlaki ang mga eyebugs ko kakaiyak. Nakita ko si David sa harap ng Gate namin. Agad naman akong bumaba para kausapin siya.
Binuksan ko ang gate at nakita ko si David, niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak na naman ako. Pero tinanggal niya ang mga kamay ko. "Gusto ko lang sabihin sayo na wala na tayo. Gusto kong magpasalamat sa lahat lahat. For the 2 years being loved and loving you. I'm sorry. I can't find the words to tell you this, pero im sincerely sorry.." sabi niya sabay umalis na gamit ang kotse niya.
Napaluhod ako sa sobrang galit.
"P-pagbabayaran mo to!" Mahina kong sabi sa sarili ko.
TBC.
[A/N] Can't find the words to say. Hahaha. Vote kayo kung nagustuhan niyo.
BINABASA MO ANG
The Sweetest Revenge
Teen FictionPa'no ba maka-Move On? Bakit mahirap itong gawin? Dahil ba, mahal mo pa siya? Dahil natatakot ka na baka masayang lahat ng memories na pinagsamahan niyo?