Chapter 2 (Do I really have to do this?)

21 2 0
                                    

Sheena's POV

Its been almost a month already na nakakausap ko na si Nick. Well di naman talaga everyday or ganun na kame ka close but I'm so happy dahil ang taong minsan ko lang pinapangarap ay nakakausap ko na ngayon.

"Sheena! I'm giving you 1 hour to fix yourself! NOW" okaaay back to reality

"Do I really have to do this giselle?"

"Well what'd you expect? Pumayag ka na di ba? And let your yes be your yes. okay?? Now, fix yourself." Ang sungit talaga bat ba kasi ako pumayag dito. I never planned it in the first place.

"Hey best! Tulala ka diyan? magbihis ka na kaya. Malapit nang magsimula ang pageant oh"

"Ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito."

"anong ako? Kaw kaya yung pumayag"

"eeeeh alam mo namang di ako nakikinig nung nag memeeting kayo di ba?? Alam mo namang may naka plug na earphones sa ears ko. At higit sa lahat, sabi mo itaas ko yung kamay ko kung gusto ko parin si nicko!"

"kasalanan ko bang di ka nakinig?" waaaaaaaaaaaah Gawddddd di ko na to kaya. Ansamaaaaaaaaaaaaa ng bespreeeeen koooo ToT.... makapagbihis na nga lang.

Opening ngayon ng Foundation week ng school. Supposedly ang mga ginagawa ko ngayon ay chinicheer ang kaklase kong sasali sa pageant.. but anong nangyari sa taon na to? Aishhh eto na ba ang karma ko? Ang karma ko dahil sa di pagkinig sa tuwing may meeting ang class, o dahil sa pag stalk ko kay nick dahil na envade ko privacy niya?

"HOY SHEENA! BILISAN MO NA DAW DIYAN DAHIL MAGSISIMULA NA ANG SHOW IN 5 MINUTES. AT HOOOY! WAG MONG IPAHIYA SECTION NATIN HA! HAHAHA PEACE ^_^V"

"DI AKO BINGI KAYA WAG MO AKONG SIGAWAN JEAN"

"di daw bingi, kung makapagsalita naman ang lakas lakas" -_- nag retouch nalang ako ng make up at di na siya pinansin. Haaay buti nalang at umalis na siya, wala lang talaga ako sa mood ngayon kasi di ko pa nakikita si nicko. Wala pa akong mapagkukunan ng lakas.

"Best! Good luck ha!!! Ipanalo mo section natin ^_^!! Lika na, pinapatawag na ang mga contestant sa back stage" I just smiled at her at lumabas na. Nung nasa backstage na ko, di ko maiwasang di titigan sina Vivienne at Rinyl on the other side of the corner. Siya pala magrerepresent ng section nila. Ang supportive naman ng boyfie niya. J I can't help but smile at them. Nung napatingin si Vivienne sa side ko nginitian ko lang siya. And she just nod and smiled back at me, tapos umiwas na ng tingin. I'm really still wondering kung bakit niya nagawa yon kay nick. Oh well, it's not part of my business anyway.

"Goodevening ladies and gentlemen of St. Therese Academy..... blablabla" wooh! Nag start na ang show. Kinakabahan na ko to da highest level. Ayan nah! Nag silabasan na sa stage ang mga contestant. And I'm next already. *inhale-exhale-inhale-exhale* Kaya ko toh!

Just as I was about to enter the stage, nakita ko si Nick sitting beside Chleo sa front row. And beside Chleo ay si Roi na katabi rin ni bespren. Ayan! May inspiration at lakas na ko. ^_^ nang tinawag ng emcee ang name ko, I walked confidently plastered with a bright smile sa mukha ko.

I was about to turn around ng natapakan ko ang damit kong napakahaba. At.....-_- nadulas sa harap pa mismo ni Nick. Binalot ng bulungan at hiyawan ang stadium. Gusto kong umalis at magtago kaso di ko magawa kaya yumuko na lang ako. Aishh. Ang lampa lampa ko talaga ToT. Pero bat ganun? Feels like.... Gaaah I hate this feeling. naramdaman kong may bumalot na jacket sa katawan ko.

"tsk! Don't you know how to stand up?" That voice. He kneeled down infront of me at inalalayan akong tumayo. Yaaaah! Kinikilig ako. At andami pang tao ang nakakita samin. I'm so happy na talaga but......

"Okay na sana eh. Ba't yun pa yung line mo. Pwede namang 'okay ka lang?' di ba?... tsk.tsk.tsk" sabi ko sa kanya sabay hagis ng jacket na sinuot nya sakin at pumunta na sa back stage. Shocks!! Ano ba tong pinagsasabi ko. Nakakahiya naman ToT...

"sheena! Katangahan problems lang yan. Malalagpasan mo rin yan. Its part of growing up sheen. Part of growing up ^_^V Hahaha!" bungad sakin ni jean sa backstage

"oooy! Hindi ah! Sisihin mo yung gown ko. Aaaaah! Nakakahiya talaga.... Ayoko na!!!! I QUIT" sabi ko

"pano yan? Wala ka pa namang sub! Atsaka sayang naman yung talent na pinagpawisan mong pagpractisan, di ba?" shesshh.. tama nga naman siya. I guess I don't have any other choice -_-...

Tinapos ko nalang ang show then umuwi na. wala na rin namang exciting na nangyari after that incident. Si Vivienne ang nanalo, 2nd placer lang ako. Pero I'm still happy about it. Atleast part ako ng top5 noh. But there's one thing na pinagtataka ko kanina. Yung sagot niya sa question and answer portion. May something fishy talaga dun eh. Oh well, bahala na siya sa buhay niya.

Time check: 2:11am. Past 2 na ng madaling araw pero di parin ako makatulog. I can't help myself but to stare at his picture while thinking kung mahal pa ba niya si Vivienne. Lalo na nung nakita siya ni nick kanina. Ang ganda niya kaya sa gown niya, sooobra.

"May sparks ka pa kayang nakikita sa kanya nick? Kasi kung meron pa, just call me and I'll help you na makalimutan siya. Haaayyyy! Echoserang frog ka naman sheena. Gumising ka nga. Ano namang panama mo sa babaeng yun??? Ano nga bang panama ko sa kanya? Hmmmm.. Well, maganda naman ako kahit papano, matalino din naman kahit papano din at saka--"

*tok-tok-tok* -_-??

"Mom? Gising ka pa?"

"May tinapos lang ako regarding my work. At bumaba lang to get some water nang madaanan ko ang room mo at narinig kang nagsasalita, mag-isa?? Are you okay baby?" at tuluyan na nga siyang pumasok at umupo sa tabi ng higaan ko. Kaya no chance ako kundi bumangon at umupo narin.

"It's nothing mom. I was just wondering about some stuffs"

"What kind of stuff? Is it about that boy again? Kasi narinig kong nabanggit mo yung name niya kanina." Hay nako tong si mommy napakachismosa din talaga. May pa 'boy-boy' pang nalalaman eh pwede namang direct to the point at sabihing 'is it about nicko?'. Pero joke lang noh. Loves na loves ko tong mommy ko.

"Yep. Well alam mo ba mom na hiwalay na sila ng girlfriend niya. And hindi lang basta break-up kasi monthsary nila nung nalaman niya na pinaglaruan lang pala siya ni Vivienne. And I actually thought na may pag-asa na ako kaso pang kaibigan lang ata talaga ako. I don't think I would be able to surpass her ex. Kanina sa pageant, 2nd placer lang ako. Si Vivienne ang nanalo at may isa pang bakod bago ko makalevel si vienne. No matter how hard I tried na i-cheer up yung sarili ko sumasagi parin sa isip ko na wala akong pag-asa."

"Anak, andaming lalaki jan. Ba't si nick parin kung alam mo naman palang wala kang pag-asa." Graveee to si mommy, direct na direct to the point. Eh hiniling mo yan kanina sheena diba? Ngayon naman magrereklamo ka. Haay nako masakit rin pala pag direktahan.

"Mom, diba dapat icocomfort mo ko?"

"Ginigising lang kita baby. There's a lot of guys out there waiting for you, why waste your time on someone who never cared at all" Ang harsh talaga minsan neto. Di ko na alam sasabihin ko kase alam kong matatalo lang din naman ako. Sabi nga sa kasabihan na 'mothers knows best' diba?

"Sheena, never let you heart bring you to pain kung sa una pa lang, alam mo ng dun ang patutunguhan mo."

"Mom? Bakit ayaw niyo po kay nick?"

"I never said na di ko siya gusto baby"

"Yeah! Di mo nga sinabi but everytime na inoopen up ko sayo yung tungkol sa kanya, never kong nafeel sa mga words mo that you liked him." Ilang beses na kase akong nagkwekwento sa kanya about him and lagi niya lang chinechange topic. Buti nga at di niya chinange kanina but it feels like there's something wrong.

"baby, there's nothing wrong with him. Pero kung ganun nga yung nafeel mo then I'm sorry. I just don't want you to get hurt. Kung mahal mo siya then go, just learn to stop kung masakit na. Okay? Now, matulog ka na. Goodnight baby" ooh namissunderstand ko lang pala siya

"Goodnight mom" kiniss niya ako sa forehead then lumabas na. haaay buti nalang at walang pasok bukas kundi---

"Shockss! Kailangan ko pa palang bumili ng susuotin ko para sa party on Saturday night" di pwedeng di ako pupunta kasi tutugtog ang banda ni Nicko my labs. Atsaka syempre I need to look good.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Today Was a FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon