Hostel

16 0 0
                                    

TJ's POV

"Bro, tapos mo na ba yung mga plates?"

tanong sakin ni Patrick na kaibigan ko at kaklase ko sa architecture.

"Yeah. Ikaw ba?"

"Di pa e. Yung thesis mo? Okay ka na?"

Oo nga pala. Di ko pa nasisimulan yun. Sa susunod na araw na yun.

"Di pa bro e. Papahinga mula siguro ako. I'm so tired doing this d*** plates tss"

"Hahaha halata nga e. Sige pahinga ka muna bro. Kung kailangan mo ng tulong nandun lang kami sa room"

"O, umalis ka na at matutulog na ako"

Sabay tulak sa kanya palabas ng kwarto ko. Nasa Hostel kasi kami (Hostel is like a Dorm) sa 4th floor ako at sa 5th floor naman siya.

"Siguraduhin mong matutulog ka at wala kanang gagawing--"

"G*go! Wag mo ko itulad sayo. Layas! Hahaha"

Tinulak ko siya palabas. Alam ko na nasa utak ng mokong na yun e. Hahaha kahit kailan talaga

Naiiling nalang ako at nahiga sa kama ko.

After 30 mins.

Di pa din ako makatulog.

Kinuha ko nalang ang phone ko at nag ol sa FB ko.

Scroll

Scroll

Scroll

"Wala namang bago anong oras na ba?"

Tanong ko sa sarili ko. Tinatamad akong tumingin sa orasan ganun nalang ang gulat ko ng makita kong 9 pm na pala.

Halos 3 oras na pala akong kung ano ano lang ang ginagawa.

Tinry kong ipikit ang mata ko para makatulog ako.

Maya maya lang ay dinalaw na ako ng antok.

Vaness' POV

"Ano kayang masarap ulamin?"

Tanong ko sa sarili ko habang nag-iisip kung ano uulamin ko sa hapunan.

9:30 pm na kasi at di pa ako kumakain. Medyo tumutunog na din ang tiyan ko sa gutom.

Habang nasa malalim akong pag-iisip kung ano uulamin ay nakita ko si Mia.

Si Mia ay co-scholar ko galing siya sa Zamboanga.

Ang layo no?

Yung scholarship kasi na kinuha namin ay kumukuha ng mga students na gustong mag-aral ng thai.

Pag-aaralin ka nila ng College. But yung scholarship na yun is available for Education students lang at double major ka pa nun.

Major in English and Thai Language Teaching (TLT)

O? Di ba ang bongga? Hahaha

But in return to them

Aba syempre dapat may kapalit yun haha korni sorry na haha

Ang agreement namin ay magtuturo kami ng 5 years sa school namin nung highschool kami.

"Vane, kumain ka na ba?"

Tanong sakin ni Mia

Na di ko napansing nakalapit na pala sa akin

"Di pa e, ikaw?

"Di pa din e, san ka pala pupunta?"

Dahil sa tanong niya na yun. Naalala ko na bibili na pala ako ng ulam sa labas.

"Bibili na ng ulam, sama ka?"

yaya ko sa kanya

Aba mahirap atang maglakad mag-isa dito no hahaha maligaw pa ako sayang scholarship ko haha

Nang makalabas na kami ng hostel ay naghanap na agad kami ng ulam.

Nang makabili na ng ulam ay nagpaalam na ako kay Mia at dumiretso na agad ako sa room.

Magka room lang kasi kami ni Mia e.

Kailangan ko palang mag sorry sa kanya.

Di ko kasi siya masasabayan kumain ngayon e. Masyadong preoccupied ang utak ko at parang kailangan kong mag-isip isip muna.

Mamaya ko nalang siya kakausapin pag katapos ko kumain. Mukhang nahalata din naman niya na may iniisip ako kaya siguro di na din ako inistorbo.

-----------

Sorry lame ulit haha di pa sila magkakilala e. Thank you for reading this guys ;)

Please Vote

Comment

And be my Fan

That SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon