Naranasan mo na bang parang tumigil ang mundo ng makita mo ang lalaking pinaka mamahal mo? Yung parang hindi ka makahinga sa sobrang kaba? Yung medyo naiiyak ka sa sobrang saya? Yung naka tulala ka lang at naka ngiti habang nakatingin sa kanya.
Yan ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko si Bryan Park. Ang nag iisang lalaking itinitibok ng puso ko. Hindi ko ma i alis sa TV Screen ang aking paningin habang kumakanta si Bryan.
Napakandang tinig. Ang kanyang mga matang tila nangungusap, matangos na ilong, mapupulang mga labi at pantay pantay na mga ngipin. Napaka gwapo talaga. Parang isang anghel sa Lupa.
Ito ang gawain ko mag hapon tuwing rest day ko. Manuod ng mga videos ni Bryan o ng Super7.
Ako si Ysabelle Mendez o Ice sa aking mga kaibigan. Isa akong Executive Chef sa isang 7-Star Hotel dito sa Pilipinas. At inaamin ko mahilig ako sa KPOP, nuon pa mang nasa kolehiyo ako hanggang ngaun na may trabaho na ako at kilala na sa industriya. Hindi ko na ata ma i aalis yun lalo na't dahil sa KPOP kaya ko natagpuan ang lalaking pinaka mamahal ko.
Si Bryan Park, ang leader ng sikat na Korean Boygroup na Super7. 9 years ko na silang hinahangaan, 9 years narin akong umiibig kay Bryan.
-----
Kasalukuyan akong naka upo sa aking opisina at nag babasa ng magazine ng kumatok si Ella, ang aking Sekretarya.
"Come in!"
"Ice, may na receive akong e-mail, invitation yun para sayo to be one of the guest speakers for World Korean Food Expo. Gaganapin siya sa South Korea sa August 15-17." mahabang pahayag nito pag kapasok ng pinto.
"2 weeks from now?" nagulat ako. Masyado naman atang late ang pag send nila ng invitation.
"Oo Ice, nang hingi din sila ng paumanhin para doon. Anu aattend ka ba? Free yung schedule mo noon."
Bahagya akong nag isip. Madali lang naman mag bigay lecture kaya't wala akong problema kahit maiksi lamang ang magiging panahon ko sa pag hahanda. Magandang pag kakataon narin to para maka pag bakasyon.
"Sige Ella, confirm mo na sa kanila na aattend tayo, at paki move narin lahat ng schedules ko for 1 week after nung Expo. Mag babakasyon tayo." nakangiting sabi ko sakanya. Kitang kita ko ang kasiyahan sa kanyang mga mata.
Hindi ko lang basta sekretarya si Ella, isa narin siya sa mga kaibigan ko. Siya na ang naging sekretarya ko simula nang maging Executive Chef ako 2 years ago. Kaya siguro kampante na kami sa isa't isa.
Tinawagan ko narin ang aking Best Friend na si Leah. Sinabi ko dito na mag babakasyon ako ng isang linggo sa South Korea. Susubukan daw niyang sumunod.
----
Matapos ang ilang oras na biyahe ay lumapag narin sa wakas ang eroplanong sinasakyan namin sa Incheon International Airport.
Matapos makababa at makuha ang aming mga bagahe, hinanap naman ni Ella ang Driver na pinadala ng Car Rental Company.
Inasikaso nang lahat ni Ella ang mga kailangan namin sa Korea. Simula sa tutuluyan hanggang sa magiging driver namin.
Isang Condo Unit sa Seoul ang aming magiging tuluyan sa buong durasyon ng aming stay dito sa Korea.
Gabi na nang matapos naming iayos ang aming mga gamit kaya napag pasyahan naming kumain sa labas at mag pahinga na pagkatapos dahil maaga pa mag sisimula ang Food Expo Bukas.
------
Naging busy ng unang dalawang araw ng Expo. Maaga kaming pumupunta sa Venue at gabi nang nakaka uwi. Kaya naman wala kaming panahon upang maka pag gala.
BINABASA MO ANG
My Own Star
RandomYsabelle fell in love with Bryan the first time she saw him on TV. Bryan is a KPop Idol and is well known around the world. Maaari nga kayang main love ang isang Hallyu star sa isang fan?