Chapter 2 : Champagne

4 0 0
                                    

Alas Otso ng umaga kinabukasan ay sinundo na namin sa Airport si Leah. Para kaming ngayon lang nag kitang muli. Nag yakapan kami ng mahigpit nang magkita kami sa airport.

Pag kasakay na pagkasakay namin sa taxi ay nag pakwento na agad ito. Iba talaga pag personal ikinukwento yung mga nanyari nung gabing iyon sa bar. Ilang beses ko ng ikinuwento iyon, kay Ella kahapon at Kay Leah nung isang gabi, pero kilig na kilig parin ako, ganun din ang mga ito.

Pag dating namin sa Condo ay ini ayos ni Leah ang kanyang gamit sa kuwarto ko. Doon ito matutulog kasama ko dahil dalawa lamang ang kwarto sa condo at maliit ang kama na nasa kwarto ni Ella. Nang matapos ay nag pahinga ito sandali sa sala habang si Ella naman ay nag hanap ng lugar na aming pupuntahan.

Amusement Park ang napag pasyahan naming pasyalan.

---------------

Sa ika apat na araw ng aming bakasyon ay naka tanggap ako ng imbetasyon para sa isang dinner mula sa isang Executive Chef ng 7-star Restaurant sa isang Hotel sa Korea. Hindi naman ako maaaring tumanggi kaya't nag punta ako.

Suot ang simpleng dress ay nag tungo ako sa Hotel. Ipinag drive ako ng driver na pinadala ng Car Rental Company. Pag dating sa Hotel ay agad akong nag tungo sa front desk at nag tanong kung nasaan ang naturang restaurant at inihatid ako doon ng isang staff.

Maganda si Chef Sofia, isa pala itong half Korean - Half Filipina. Natuwa naman ako. Mabilis nag ka gaanan ang aming mga loob. Ganun siguro talaga pag pinoy. Kahit bagong kilala ay feeling close agad.

Inimbitahan niya ako sa isang Party sa susunod na araw. Party iyon ng mga nasa Hospitality Industry na gaganapin sa Hotel na iyon. Ipapakilala niya raw ako sa iba pang mga Filipino Chefs sa Korea. Pumayag naman ako agad.

Magandang pag kakataon iyon para mapalawak pa lalo ang aking kaalaman at dumami pa ang aking mga kakilala sa industriya.

Masaya at puno ng tawanan ang aming naging dinner. Nang matapos ay nag paalam na ako at bumaba patungong Lobby, nag pasalamat sa mga tao sa Front Desk.

Pag labas ko ay inantay ko dumating ang sasakyan.

May narinig akong kaunting kumosyon sa likod ko. May kaunting tilian. Napalingon ako at nakita ko ang mga taong may pinag kakaguluhan samay entrance ng hotel. Kasunod niyon ang pag dating dalawang itim na sasakyan. Bumaba mula roon ang ilang mga lalaking naka itim. Parang mga bouncer. Dumating din ang ilang Security guard at lumapit ang mga ito sa Kumosyon. Hinawi ng mga ito ang mga tao. Isa isang nag silabasan mula sa umpukan ng mga tao ang mga miyembro ng Super7.

Sila pala ang pinag kakaguluhan.

Natulala ako. May hinanap ang mata ko at natagpuan naman iyon agad.

Nag tama ang aming mga paningin. Tumigil ito sandali sa aking harapan at ngumiti. Ngiting nakaka tunaw. Sandali lamang iyon dahil hinila na ito ng security escort at ipinasok sa loob ng sasakyan.

Ibinaba ni Bryan ang bintana ng sasakyan at muling ngumiti sa akin. Naramdaman kong nag init ang aking buong katawa. Namula ang aking mga pisngi.

Sinundan ko ng tanaw ang papalayong sasakyan ng mga ito.

Nag kita kaming muli. Napangiti ako.

Dumating narin ang sasakyan ko.

----------------

Pag dating ko sa Condo ay ikinuwento ko sa dalawa ang mga nangyari. Sinabi ko rin kay Leah na may aattend-an akong Party kinabukasan.

Naexcite naman ito at agad na nag tungo sa aming kuwarto upang mamili ng damit na isusuot ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Own StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon