Chapter 1

41 2 2
                                    

<- Dave               &             Karl->

×××××××

“Yung Hello Kitty o Yung Miney Mouse?" sabi nung tindera.

“Wala po ba kayong Ben 10? Yung Gray Matter yung design? Idol po kasi yun ni Mama" sabi ko.

Ay. Nagsimula na pala yung Point of view ko. Di ako nainform. Sorry!

Nasa Noel bazaar ako. Bumibili. Kasi, masaya. De. Kailangan ko kasing bumili ng gamit.

Ang kaso lang, mahihirapan akong umuwi.

Sinarado na yung elliptical road. Badtrip.

“HOY! Ang sabi ko, Four Arms lang po ang available." bulyaw ni ateng nagbebeast - mode na.

“Ay sige po! Kamukha naman yan ng papa ko. Magkano po ba?" Tanong ko kasi may question mark.

Binigay na ni ateng ang bag na pinakaaasam-asam ko. At lumayas na ako.

Sumakay ako ng heli ko. Katabi ko si Nikki Minaj. Kumare ko siya. At pinsan ko si Ariana Grande.

Sa sobrang inip ko. May ginawa ako. Nag iiphone ako. Iphone pure gold. Kaso color green.

But well, chinecheck ko na followers ko si twittagram. 36 million palang?

(Mahirap gumawa ng 36 million accounts hane? Try mo)

Mahabang byahe ang nangyari.
Sarado na kasi ang elliptical road kase bubutasin raw.

Nang makadating na ako sa bahay, tahimik lang ako.

Just tip-toeing in my house cause my mom and dad will anger me. No those?

Best in English ako nung College ako. Kahit Grade 10 palang ako.

Accelerated kasi ako sa homeschool ko.

For short, Grade 6 na ako nung tinuruan ako ng mama ko. Okay?

Back to the story, pumasok na ako sa aking kwarto. Nilapag ko na yung pinamili ko.

Nagbihis na ako at humiga na rin. Time check: 2:55 ng madaling araw. Hay 3 o' clock na.

I deserve some sleep. I need some energy for the day after tomorrow.

Why? Kasi tapos na ang sembreak. Nakakabadtrip.

Eh wala nga akong nagawa eh. Nakatunganga lang ako ng isang linggo imbis na sa gumala.

Hay. Mayaman daw kami sabi ng mga kaibigan ko. Pero para sa pananaw ko sa antas namin at sa pagkakakilanlan, desente lang kami.

Nagsisimula na ata ang talambuhay ko. Mahugot kasi akong tao. Pero take note. Di pa ako naiinlab.

Mayaman raw eka pero. Di ngunit may flat screen, mayaman na. Di ngunit may ref mayaman na.

Yung iba, kahit wala silang ganun, mas nagpupursige silang kumayod para sa ikabubuti ng buhay nila.


Isang virtue na itinuro sa akin ng mama ko yan.


Na di kailangan ng luho basta ang mahalaga, buhay ka. Kung di mo kailangan, ipagpalipas mo muna.

Habang iniisip ko yan, di ko namalayan na nakatulog na pala ako at sa sobrang himbing, di na ako nakapaglatag.


×××××××


*Rachel's P.O.V*

It's a good morning! My name is Rachel. (Rackel is the pronounciation)

Stalker Lang.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon