Prologue

8 0 0
                                    

Kakatapak ko palang sa hallway, agad ng umalingaw-ngaw ang malutong na tunog ng sampal.

Lahat ng estudyante napatigil at napalingon kung saan nanggagaling ang tunog ng sampal, pati ako napalingon din.

Napapikit ako ng mariin ng makilala ang babaeng sinampal. "Sya na naman. Ilang beses nya bang balak magpapasampal?"

Nagsimula ng gumawa ng eksena ang babaeng nanampal at kung ano-ano ang masasakit na salita ang sinasabi nito

"Putang ina mong malandi ka! Hindi ka na ba mapakali at sobrang kati na ba nyang ano mo at pati boyfriend kong matino nilalandi mo?! Mas may delikadesa pa ang mga pokpok sa'yo dahil sila nagpapabayad! Ikaw, isang kalabit lang bibigay agad! Ang landi-landi mo!"

Hindi ko alam kung paano nya araw-araw nakakayanan ang mga ganyang salita. Ni aso hindi kayang tanggapin ang mga paratang sa kanya.

Hindi pa nasiyahan ang babaeng nagpaparatang sa kanya. Bukod sa mga masasakit na salita, sinampal-sampal sya ulit ito at sinabutan.

Walang syang ginawa para pigilin ito sa pananakit sa kanya. Tinatanggap lang nya lahat ng pananakit nito.

She didn't even flinch in every slap she received. She just stood there, ignoring the pain she's receiving. She didn't even care how much it hurts.

You cannot even see a glint of emotion in her. She's numb, that's how badly she's been DAMAGED that you cannot make her feel anything.

DAMAGEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon