Chapter 4

2 0 0
                                    

Nilapag ko ang damit nya sa isang sulok at inayos ito "Pasensya ka na sa Nanay, masungit lang yun sa umpisa pero ang totoo mabait yun"

Humarap ako sa kanya, pero laking gulat ko ng makita kong nasa baba na ng paa nya ang damit nya. Hindi pa ko nakakabawi, ay agad nyang hinawakan ang kamay ko at ipinahaplos ang kanyang dibdib na hantad na hantad na.

Agad kong binawi ang kamay ko, at palagay ko ay nag-iinit ang buong mukha ko, pigil ang boses kong wag sumigaw "ANO BANG GINAGAWA MO?!"

"Nagbabayad. Ito naman talaga ang gusto nyong kapalit di ba? Bukas na ko magbabayad sa Tatay mo. Sa'yo muna"

Napasabunot ako sa buhok dahil sa inis "Gusto mo ba talagang mapatay ka ng Nanay ko?!" Yumuko ako at pilit idinamit ang damit nya. Nakahinga ako ng maluwag ng natakpan na ang kanyang katawan.

Nakatingin sya sa'kin na para bang nagtataka sa ginawa ko "Bakla ka ba?"

"ANO?!" Napalakas kong sabi at kinabahan ako na baka narinig ako ng Nanay kaya napalingon ako sa pinto.

Nawala lang ang kaba ko ng walang Nanay na sumugod sa kwarto ko. Napatingin sa kanya. "Anong sinabi mo?"

"Tinaggihan mo kasi ako at ikaw ang unang lalaki na nagdamit sa'kin pagkatapos kong ialok ang katawan ko sa'yo, kaya naisip kong baka bakla ka"

"Ano?!" Muli akong napasabunot sa ulo ko "Mababaliw na yata ako nang dahil sa'yo!" Tinignan ko syang muli at mukhang seryoso sya na yun talaga ang nasa isip nya.

"Hindi ako bakla. Pinalaki lang akong disente ng mga magulang ko. Tsaka, isa pa hindi ka namin tinulungan dahil lang sa gusto namin ng kapalit"

"Imposibleng walang kapalit. Lahat ng bagay dito sa mundo, may kapalit"

Lalo akong nainis sa sinabi nya, pinalaki akong pasensyoso ng mga magulang ko pero pakiramdam ko malapit na kong maubusan ng pasensya dahil sa kanya.

"Ano bang imposible dun? Eh yun nga ang ginawa namin. Tinulungan ka namin at walang kapalit yun" Naupo ako sa dulo ng kama, pakiramdam ko ang dami ko agad naubos na lakas sa maikling pakikipagtalo sa kanya.

"Alam kong marami ka nang napagdaanan kaya siguro ganyan ang pananaw mo, pero paniwalaan mo man at hindi may mga taong gumagawa ng kabutihan na walang hinihinging kapalit" napabuntong-hinga ako dahil mukhang hindi sya naniniwala sa sinabi ko "Mabuti pa at maglinis ka ng katawan at magpahinga ka na. Ayun ang banyo at PLEASE lang wag ka nang maghuhubad sa harap ko." agad naman syang sumunod at nagpunta sa banyo.

Tumayo ako at nagsimulang maglatag ng higaan ko. Buti na lang at may kutson kaming nakatabi, kundi tiyak na mahihirapan akong makatulog.

Inusog ko ng konti ang kama para magkasya ang kutson. Nang masiguro kong ayos na ang hihigaan ko, hinanda ko na ang pantulog ko.

Napalingon ako ng magbukas ang pinto sa banyo pero agad akong napabawi ng tingin ko.

Napamura ako sa isip ko kahit hindi naman talaga ako nagmumura.

"Ano bang naisipan nya at nagtapis lang sya ng tuwalya?"

Hindi ko napigilang sawayin sya "Ano ka ba naman? Lalabas ka na ganyan ang itsura mo, hindi mo ba naisip na lalaki ang kasama mo? Please naman, maging considerate ka." Pagkasabi ko nun ay nagmamadali akong lumabas ng kwarto ko.

Pagkasarado ko ng pinto ay napasandal ako dito at napapikit ng mariin. Pilit kong inaalis ang nakita ko.

Kanina lang ipinapahipo nya ang dibdib nya, ngayon naman ay lumabas sya na nakatapis lang!

Plano nya ba kong patayin sa sobrang init? este sa sobrang pagpipigil?

"Anak ng tokwa't baboy naman oh!" Sino bang lalaki ang hindi maakit sa kanya?

Kung nababasa lang ni Nanay ang naiisip ko, siguradong napatay na ko nun sa pingot.

Nabalik lang ako sa realidad ng maramdaman kong umikot ang doorknob. Pero bago tuluyang bumukas ito ay pinigilan ko

"T..teka! Bihis ka na ba?"

"Oo. Pwede ka ng pumasok"

Sa maka-ilang ulit, napabuga akong muli ng hangin. Hindi na ako magtataka, kung isa sa mga araw na 'to bigla na lang ako magkaron ng sakit sa ulo dahil sa konsumisyon sa babaeng 'to.

Ni tapunan sya ng tingin, hindi ko ginawa. Mamaya, magkasala pa ulit ako. Nakaka-ilan na ko ngayong gabi pa lang, ayoko ng dagdagan pa.

Ilang sandaling katahimikan ang namayani, ipipikit ko na sana ang mga mata ko pero bigla ko na lang narinig ang pigil nyang hikbi, ang hagulgol na pilit nyang kinokontrol para lang hindi ko sya marinig.

Gaano man nya pinasakit ang ulo ko, sya pa rin yun.

Yung babaeng pilit ini-ignora ang kasamaan sa kanya ng mundo, yung babaeng pilit na tumatayo kahit ilang beses syang hatakin pababa at sya pa rin yung babaeng sobra na ang pagkabasag ng pagkatao nya.

DAMAGEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon