Kung Sasabihin Kong Mahal Kita

31 3 0
                                    

Kung sasabihin kong mahal kita, magsisinungaling ako
Pero hindi ibig sabihin nito
    Na hindi lumiliwanag ang mundo ko kapag
      nakikita ka mula sa lungga ko
    Na hindi bumibilis ang tibok ng puso sa tuwing
      naaaninag ang ganda mo
    Na hindi ko gustong punasan ang mga luhang
      bumababa sa pisngi mo
    Na hindi ko nanaising malunod sa mga titig mo
    Na hindi ko pipiliing makasama ka sa tuwing may
      oras tayo
    Na hindi ko gagawin ang lahat masilayan lang
      ang mga ngiti sa labi mo
    Na hindi ako nasasabik sa mga salitang 
      lumalabas sa bibig mo
    Na hindi ko naiisip kung ano ang ginagawa mo
      kapag magkahiwalay tayo
    Na hindi nababasa ang palad sa kaba kapag
      malapit ka sa tabi ko
    Na hindi sumasagi sa isip ko ‘Pano nga kaya kung
      tayo?’
    Na hindi nagiging bukambibig ang pangalan mo
    Na hindi ko nanaising nandoon ka kung nasaan
      ako.
    Na hindi ako naiinip sa pagdating ng tamang
      panahon na magkasama tayo
Dahil maniwala ka, nalilito din ako
Pagkat sa tingin ko nga ay mahal na kita, pero hindi pa yata sapat to
Gusto ko lang munang makasiguro dahil bago lang sakin ang mga damdaming ganito
Natatakot ako pano kung masaktan lang kita, iyon ang ayaw ko
Kaya sana di pa huli ang lahat dahil alam ko, malapit na ako

AlDub FeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon