One Shot

29 7 4
                                    

"Pssssttt!"






Napalingon ako sa likod ko. Naalala ko bigla, may kasama nga pala ako XD Laking-gulat ko ng makita ang matalik kong kaibigan na si Abb. Bestfriend ko yan! Kaya nagulat ako ng bigla niya akong tinawag.

Busy kasi ako sa kakatext.

Kinausap niya lang ako kung may Assignments kami. Meron din naman, iilan lang.

Hapon na ngayon at kasalukuyang naglalakad ako pauwi.

*beep*

May text.

"Hi."

Sino na naman kaya 'to? Ang dami-dami ko ng Unregistered Number dito sa cellphone ko ah?

"Sino po sila?"

"Si Carlo. Magka-schoolmate lang tayo. Nai-kwento ka lang saken ng kaibigan ko. Kaya naman, gusto ko sanang makipag-kaibigan. Kahit na hindi pa tayo nagkita, I want to be your friend."

Sabi niya saken, I mean, Text pala.

Ni-reply-an ko naman siya. At hindi ko namalayan na nakauwi na pala ako dahil katext ko siya.

Halos gabi na rin ako nakatulog dahil sa mga assignments at dahil na rin kay Carlo.
Masaya naman pala siya kakwentuhan sa text, masyado kasing pala-kwento.

Nang lumipas ang mga oras, lagi na kaming magka-text ni Carlo. Kahit nasaan ako, hindi kami nauudlot sa pagte-text namin.

But still, di pa rin kami nagkikita at nag-uusap.

Kahit alam ko naman na hindi nya ako matatanggap bilang isang kaibigan..







Hanngang sa..






"Claret?  Pwede ba tayong magkita dito sa Bleachers? Nandito ako ngayon. Aantayin kita ha?"

Omo. O.O Anong gagawin ko? Makiki-pagkita ba ako o hindi?
Pero eto na yung gusto kong mangyari, ang makita namin ang isa't-isa, ang makilala bilang isang Personal na kaibigan, hindi sa text lang.

Agad kong ti-next si Abb para humingi ng tulong sa kanya.

"Abb, okay lang ba kung makikipag-meet ako sa isang taong nakakatext ko na ng matagal?"

"Okay naman. Pero friend, ingat ka. Baka mapahamak ka dyan sa tao na yan ha? Isa pa, alam mo naman ang sitwasyon natin di'ba? Pero kung yan talaga ang gusto mo, gawin mo na. Malay mo, matatanggap ka rin ng tao na yan. :)"

Napahinga ako ng malalim.

This is it! Pupuntahan ko na lang siya. Eto na yun, at dapat hindi ko na sasayangin pa.







Sa bleachers..



Nandito na ako ngayon sa Grand Stand. Kasalukuyang nakatayo sa mga bleachers at papalapit sa ka-isa-isang taong nandito ngayon.

Maputi..


Itim ang buhok..


Matangkad kahit nakatalikod na naka-upo..


At sa tingin ko, tatanggapin ako.

Nasa likod na niya ako, tahimik lang siya.

At ramdam ko ang kaba namin sa bawat isa.

Kinalabit ko siya. At agad siyang lumingon.

Emegeddd.. Ihawin niyo ko pleaseee??
Etong gwapong nilalang na 'to ang nakikipag-text saken? Waw. *u*

"Hi. Ikaw ba si Claret?"

Tanong niya saken, sabay tayo sa kinauupuan niya. Inabot niya saken ang kamay niya para makipag-shake hands. Agad ko naman itong inabot.

Tumango lang ako.

Ti-nry kong makipag-usap sa kanya through our style.






But then..




Hindi niya ako maintindihan.





Since, sign language lang pakipag-usap namin sa mga normal.

Naguguluhan at nagulat siya sa mga nakita at nasaksihan niya tungkol saken.

Ang hirap. Ang hirap tumingin kapag nasasaktan ka na..

Naramdaman kong umalis siya sa harap ko at iniwan akong nasasaktan.

Umupo ako sa bleachers at nag-umpisang pagsisihan ang lahat.

Sabi ko na nga ba e, hindi niya ako matatanggap kung ano ako. Bakit pa nga ba ako nakipag-kita kung alam kong ganto lang naman ang mangyayari? Sana hindi na lang ako pumunta.

Nararamdaman ko na ang mga luha kong unti-unti nang pumapatak.








Masakit..







May naramdaman akong kumalabit saken sa likod ko.

Unti-unti akong lumingon..

At laking gulat ko ng makita ko si..









Carlo.






Agad akong napatayo dahil sa gulat.

"Sorry kung iniwan kita saglit ha?" sabi niya saken.

At mas lalo akong nagulat at umiyak nang inabot niya sa akin ang..












Bolpen at Papel.










Author's Note:

       Sorry readers. First time kong gumawa ng short story e. HAHAHAHAHA Salamat po pala sa bumasa, nag-vote at nag-comment na rin.
Godbless you all! :*

Mua. :")


Bolpen at PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon