stronger

182 22 1
                                    

---------------
-------------------------
------------------------------------
----------------------------------------------

5 months ang nakalipas,

CARLO'S POV

Mas naging matatag,
Mas naging close,

Mas masaya dahil,
Madami na kaming pinagsamahan,
Madami na akong kaibigan,
Tinanggap na nila ako agad,
Para sa akin tinuturing na nila akong pamilya.

Mabibingi ka sa ingay dahil wala pa si teacher jaime,

sobrang saya ko dahil ang bait sa amin ni teacher jaime sya yung teacher na kayang makisama sa mga trip naming mga anak nya.

anak??

Anak, anak ang turing nya samin masaya kami dahil nagkaroon kami ng pangalawang magulang dito sa klase, sya yung sandalan namin pag may problema, kahit five months palang kami magkasama ni tr.jaime marami na syang nakwento sa akin na masasayang pangyayari sa kanyang pagtatrabaho bilang isang guro.

Nagulat na lang kami nang nag ring ang cellphone ni xyra.

"Guys, alis muna ako pinapapunta ako ng principal natin sa faculty." Nakasalubong ko syang tumatakbo pababa habang iniinom nya ang kanyang softdrinks

XYRA'S POV

Pagkababa ko nakita ko agad si principal minerva na may kausap na lalaki, pasulyap ko lang silang tinitingnan dahil mukhang may importante silang pinag-uusapan matapos ang pag-uusap nila hinalikan nya ito sa labi.

"ms.montes?? "Ako nga po."
"wala muna si tr.jaime may sakit sya, mag-self study muna kayo, hinatyin nyo nalang muna ang pansamantalang ninyong teacher."pagkatapos naming mag-usap umakyat na ako agad papunta sa classroom.

"Mag self study daw muna tayo, sabi ni principal minerva" pansamantalang wala si tr.jaime.

"Ano ba naman yang principal na yan mamatay na sana yan" rinig kong bwisit na pagkasabi ni megan.

"Hoy! Ang sama mo naman! may pinapa self study lang, kung ikaw nalang kaya ang mamatay! Galit na sabi ni mikassa.

"Wow! Kung makapagsalita ka naman, kala mo kung sino! Galit nitong tingin na para bang gusto na nyang sabunutan si mikassa.

Nakakabingi! Nakakabingi talaga!, Sino ba naman ang hindi mag-iingay kapag wala ang teacher?? lahat naman siguro nang estudyante pag-nakarinig na wala ang teacher mag-iingay.

**************
********************
*************************

Kinabukasan,

Dumating na ang pansamantalang papalit kay teacher jaime.

Bilog ang mukha, kalbo, mataba, pandak.

"Ako nga pala si gener manlupa, sir gen for short, ako muna ang papalit kay tr.jaime." nagsalita si sir ng may malalim na boses.

Habang naglelecture si sir gen, daldalan nang daldalan si jamaigne at zea na para bang walang naglelecture sa harap.

"Ayaw na ayaw ko sa lahat ay yung nagsasalita kayo habang nagsasalita ako!" Pasigaw na sinabi ni sir na parang kakainin ang buong klase.

SOMEONE'S POV

"Pano to?? Dumadami na sila mas mahihirapan tayo,"kinakabahan nitong pagkasabi.

"Eto naman, Kaya natin to mas maganda mas marami. Para may thrill!"

"Kailangan din nating mag-ingat"

"Syempre!"

CARLO'S POV

Naglalakad ako nang, may napansin akong sumusunod sa akin.

"S--ino yan?" Natatakot kong pagkakasabi.

"Ivan??"

"Ako nga! pwede bang makisabay sayo?"

"Oo naman."

"Yun lang naman pala, kala ko kung ano na."



The 13th ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon