Plastik daw ako
Kung ang pagtatago ng emosyon at pagkukubli ng totoong nararamdaman ko ay maituturing na pagiging plastik, sige, plastik na nga ako.
Manhid daw ako
Kung ang pagtitiis at ang hindi ko pagpapahalata na naaapektuhan at nasasaktan ako ay pagiging manhid, sige, manhid na nga ako.
But the truth is, I am just a 'not-so-simple-girl' with so many dreams for my own and for the people who are very dear to me.
Nagmamahal din ako
Umaasa din ako
Nasasaktan din ako
Naaapektuhan din ako
Napupuno din ako
at Nagpapanggap din ako
Mahirap daw basahin ang mga mata ko. That's because they don't know me enough. They think that I am a strong and a tough girl struggling to get what I want.
But I am so much more than that.
Isa akong normal na babae na nasasaktan at may napakaraming problema. Pero hindi ko ito pinapakita.
Dahil para sa kanila, ako ang matatag na babaeng sinusupladahan ang lahat.
At hindi ko babaguhin ang pananaw nilang iyon.
Yes, I am a pretender.
And this is The Pretender's Diary
BINABASA MO ANG
The Pretender's Diary
Teen Fiction"I never showed anyone what I really feel. I don't want anyone to know that I am affected by what they are doing or thinking. I never let anyone see that I am hurting." If these things make me a pretender, fine. I am a pretender. A great pretender. ...