Chapter 5

48 4 1
                                    

Chapter 5

Umupo ako saglit at hinimas ang ulo ko. Ang sakit hindi naman ako uminom kagabi at hindi ako nagganun kaya bakit ganito?

Kinuha ko ang cellphone ko at chineck kung anong oras na.

8:12 am Sunday.

SIguro wala na dyan sina Jd at nagsimba na yun. Sabagay ayoko rin muna magpakita sa kanya sariwa pa sa alaala ko yung mga nangyari kagabi.

Pagtapos kong gawin yung morning rituals ko dahan dahan kong binuksan yung pinto ko incase na nandyan pa sila mahirap na. Naaninag kong patay ang ilaw sa baba. Ayos umalis na sila kahit na wala ako. Well who am I? I'm just her stupid daughter who always made her mother .. made her .. tss wala akong maispi. :3

Kumuha naman ako ng 2 pancit canton at niluto agad yun tska kumuha ng plastic fork at paper plate. Baka mahalata niya na lumabas ako kumain tiyak galit sakin yun kaya kukuha na rin ako ng pagkain hanggang tanghalian.

Nilagay ko yung 2 snickers at lava cake sa bulsa ng pantulog ko. Inipit ko sa kanang kili-kili ko yung pic-a at sa kaliwang kili-kili yung 1 L na tubig sa kaliwang kamay yung dalawang soy milk at kanan naman yung paper plate na may pancit canton. Para akong patay gutom sa dami ng dala ko. Di bali na.

****

Nakarinig naman ako ng yabag ng paa kaya dali-dali kong nilog yung pintuan mahirap na baka pumasok pa sila.

Tanghalian na di man lang nila ako niyayaya na sumabay sa kanila kumain tsss idc.

Binuksan ko naman yung sliding window sa kwarto ko at ni-connect ang cellphone ko sa speaker at nagpatugtog ng malakas.

Isang araw na di handa naglaro ang tadhana,

Nang ika'y makita mata natin ay nagtugma,

Puso ko may kulang napuno nalang bigla,

Bakit kaya pag-ibig na kaya?

Naaalala ko tuloy si Akihiro hihi. Nababawasan tuloy yung problema ko pag naiisip ko siya, Nakakagaan ng problema.

Hindi ko mapigilan ang aking nadarama,

Pag ika'y kasama ang pangit ay gumaganda,

Sabi nga nila kung tunay na ang pagsinta,

Mala pelikula happy ending pa.

"Ikaw nga ba si Mr. Right ikaw nga ba love of my life, ikaw ng aba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko. Ikaw ng aba si Mr. Right ikaw nga ba love of my life, ikaw ngaba magbabalik ngiti saking mga mata si Mr. Right kaba?" Nakakagaan ng loob, nababawasan yung bigat ng nararamdaman ko ng dahil sa mga kanta.

Tama nga sila na Music can change your mood.

Kinain ko naman yung snickers habang nakatingin sa kawalan.

Paano na kaya to? Alangan dito nalang ako sa kwarto ko poreber?

Umay yun malamang sa malamang.

Lumapit naman ako sa cellphone ko at pinalitan yung kanta gusto ko yung masaya.

Worth it.

Napapasayaw tuloy ako. Para na akong baliw sa mga pinaggagawa ko.

Sumilip naman ako sa bintana at nakita ko si Janella mukhang papunta siya dito.

Inalis ko agad ang cellphone ko sa speaker at tinawagan siya.

"Janella!"

( Aba masigla na ang boses okay kana? )

NanayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon