"Hi miss, are you lost?" Tanong ko sa babaeng nagpapalinga-linga sa paligid.
Hindi ito kumibo. Patuloy lang sa pagtingin sa paligid.
"Uh... Gabi na ah? Baka kung mapaano ka, ihahatid na lang kita. Where are you up to?" Hindi to pagiging breezy mga repa, nagma-magandang loob lang talaga ako. Ganyan kasi talaga pag gwapo dapat may mabuting puso. Naks. Haha.
Wala pa rin.
"Miss!" Tinapik ko sya sa balikat.
Ah. Ayaw mo ha!
"Uh uh ah ah. Uh uh ah ah." Tumalon ako sa harap nya at nag make face at talon-talon na parang unggoy.
"Sa wakas! Tumingin ka rin." Todo ngiting bulalas ko.
Naglakad sya and I considered it as a cue kaya sumunod ako sa kanya.
"Uhm..." panimula ko na hindi ko rin naman madugtungan.
She looked at me but continued on walking. Naks umi-english na naman si repa. Hahahahaha. Kung sana nagagamit ko tong galing ko sa pagna-narrate sa pag-aaral ko, pers honor na ako. Matatalo ko na yung sambahuin na si Alex.
Natigil ang pag-iisip ko nang may malambot na kamay na humawak sa braso ko.
Anak ng tokwa!
Kinilabutan ako. Nagtaasan ang balahibo ko sa ilong. Deh joke lang.
I touched her left cheek with my right hand. It's so soft.
Unti-unti kong nilapit ang muka ko sa muka nya.
I am about to kiss her.
Eto na.....
"Go baby Mike kiss me! Go! Go!" Narinig ko ang isang boses mula kung saan.
Kung saan?
It is not from her. I'm freaking sure of it!
"Waaaaaah!" Napabalikwas ako nang makita ko ang nanghahabang nguso ng may-ari ng apartment na tinutuluyan ko. "Tanginames Mama Ey! Ano bang ginagawa mo rito?"
"Ay ang OA ng lola mo o!" Sabi nito sabay hampas ng malamya sa braso ko. "Kung makapunas ka naman ng labi, akala mo nahalikan kita. Hahahahaha. E kasi naman ikaw, sigaw ka ng sigaw na parang unggoy. Tapos dito ka pa natulog sa sala. Gigisingin sana kita kaso hinawakan mo ang pisngi ko at hahalikan mo ako. Aggressive ka din ha! Hahahahahaha." Tawa ng tawa si Mama Ey habang nagku-kwento.
"Tsaka anong 'anong ginagawa ko rito?' E bahay ko to." Tuloy nito nang medyo mahulasan.
Napakamot naman ako ng batok.
"Sabihin mo nga, ano ba 'yang ginagawa mo at sobrang gabi na e kaharap mo pa yang canvas mo?" Sabi nya atsaka sapilitang sinilip ang ginagawa ko.
"Ay da who?!" Maarteng sabi ni Mama Ey patungkol sa babaeng nasa canvas.
"She's.... her. The girl in my dreams." Sagot ko.
Yes I am painting that girl. This is not the first time I dreamt of her. Ilang linggo na rin na sya ang laman ng panaginip ko. Maswerte na at payapa ang tulog ko kapag may isang araw na hindi sya nagpakita sa panaginip ko.
Every night is a new picture. New setting. New story. New event.
Minsan nasa yacht, mala-titanic. Minsan naman sa basketball court. At kung ano ano pa. Iba't iba.
Yet same 'us'
Same feelings.
And same poker face of her.
She never smiled. But she is really beautiful.
Nakabisado ko na ang muka niya. Ngunit hindi ko sya tuluyang maipinta dahil hindi maatim ng kamay kong ipinta ang kanyang labi. Laging mali. Kaya as a result inuulit ko na naman ang gawa ko.
"Hay nako, Mike ha! Nagseselos na talaga akech diyan kay miss stranger na wiz naman ngumingiti!" Maarteng sabi nito at umakto pang nasasaktan pero naka-ngiti ito.
Tumawa na lang ako. Loko talagang 'to si Mama Ey.
"Hahahaha. O sya, sige na. Umakyat ka na doon sa taas. May pasok ka pa bukas. Baka tuktukin ako ni Mareng Gel kapag hinayaan kita magpuyat. Gorabels ka na. Go go go!" Pagtataboy nito sakin.
Umakyat ako bitbit ang mga gamit ko sa pagpipinta tsaka yung canvas na basura na dahil hindi ko malagyan ng labi.
Haaay. Kelan ba kita makikitang ngumiti Monaliza? Para naman maipinta na kita ng maayos.
matapos ayusin ang mga gamit ko, knockout na agad ako.
---------
Waaaaw! May prologue HAHAHAHAAH.
BINABASA MO ANG
Paint of Love
RomanceWhat will you do if you meet Monalisa? Will you also fall for her just like how the one who painted her fell for her? What if her angelic face is a reciprocal of her character? Will you listen to her story? What if she's incapable of loving? Will yo...