[2] Date #1

154 9 3
                                    

19 and Dying. | Chapter 2 : Date #1.

***

[CLARA NICOLE]

"Ohmygosh Myungsoo, I missed you!" niyakap ko ang unan ko na tinahian ko ng picture ni L-bebe ko. Ohmygosh! He's so gwafuuu... and... and... Fluffy?

Inimagine ko na lang na sinabihan nya ako ng, "I love you too, Clara-beybs." Wehihihi. :">

"I LOVE YOU MYUNGSOO-BEYBS!" Napatingin ako sa cellphone ko na paulit-ulit na tumutunog. Diyos ko nakakabingi!

Kinuha ko 'yun at sinagot ang tawag. "Hi gege!" Boses ni Kathy. Linshak ano ba 'to? Gege? Baka sya gege. Litsi.

"Hi gaga." sagot ko sa kanya. Alam kong naiinis na 'yun ngayon. Magaling ako eh. *insert pogi sign here*

"Litsi ka," sabi sa inyo eh. :> "Magbihis ka na nga. 'Yung date mo, mamayang 3pm na 'yun." Tumingin ako sa relo ko. Shiz, 1pm na. Ohwell fafa-L, madali lang naman 'yun. Baka nga mauna pa ako sa ka-date[-kuno] ko e.

"Sige sige. Susunduin mo ba 'ko?" nag-byutipul ays ako kahit hindi nya ako nakikita.

"Gege," Ayy, napakasama talaga. "Nineteen ka na hindi mo pa alam kung pa'no bumyahe. Sa *insert pangalan here* restaurant kayo. BABYE!"

Nakarinig na ako ng toot-toot na tunog. Tignan mo 'yun, bigla bigla na lang binababa. Magsasalita pa ako e. Hindi ko alam kung bakit ko naging bespren 'yung babaeng 'yun. Sira-sira utak e.

Kaysa intindihin ko 'yung babaitang lokaret na 'yun, naligo na lang ako at nagbihis na. Konting make up kahit ayaw ko, dahil may eyebags ako. Ang balita ko kasi nagpapaka-spy na naman 'yung babaeng 'yun at babantayan ang 'date' namin mamaya.

Natapos ako ng two-thirty. Ang aga naman kasi, bakit alas tres ng hapon 'yung date? Ang init init kaya! Sho-shonga shonga din mag-set up ng date 'yung babaeng 'yun eh.

"Hi Ma'am," bati sa akin nung guard sa resto. Nag-bow na lang ako.

Tumingin ako sa paligid. Naka-blue na shirt, at jeans. Napaka-simple naman. Ohwell fafa-L, ako din namn simple. :> Jeans lang din eh. Wala akong fashion sense, oh eh so whut naman sa inyo?

May nakita akong naka-blue na shirt, pero dalawa sila at parehong naka-jeans. Since mas malapit 'yung nakayuko, dun ako umupo sa table nya.

"Hi." bati ko pagka-upo ko. Tumingala sya at tumingin sa'kin. Woah, si Kuya mukhang cold. Ang cliche naman ng style nya. Pero uyy, hawig nya ang fafa L ko.

"Ako 'yung ka-date mo, si Clara Nicole." inilahad ko ang kamay ko para makipag-handshake, pero tinignan lang nya ako. Anong meron? Malinis naman kamay ko ah?

"Ahm, Mister?" tanong ko sa kanya at itinuro ang kamay kong nakalahad. Tinignan lang nya ang kamay ko at sa akin ulit.

"Mis--"

"Wala akong ide-date ngayong araw, at hindi ako nakikipag-date sa mga katulad mong Clara." tumingin uli sya sa iPhone nya.

"Ahm... A-uhh..." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Total pahiya ako dun 'no! Bakit ba kasi napaka-tamad kong tao? Minamahal ko lang naman si fafa L ko e.

"Sorry." 'Yun na lang ang nasabi ko at tumayo na. Tumingin ako sa relo ko. Shiz, 3:15 na.

Tumingin uli ako sa paligid. 'Yun! nakita ko rin sya sa wakas. Di na siguro ako pahiya neto diba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

[ONGOING] 19 and Dying.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon