Mahal kita, mahal mo siya. Paano na?
Aasa na lang ba akong mamahalin mo rin ako? O dapat na akong sumuko kasi masaya ka na sakanya? Kayo na nga eh.
Madalas ko kayong makitang mag-kasama. Ang hirap pala, ang hirap sabihing okay lang ako at masaya ako para sainyo pero sa totoo lang, ang sakit sakit na. Kailan kaya darating yung araw na, mamahalin mo rin ako? Yung ako naman yung liligawan mo dahil ako yung gusto mo? Yung hindi ako tinutulak ng mga kaibigan ko sayo para lang mapansin mo ko? Gusto ko kasi, ikaw mismo lalapit sakin para lang maka-usap mo ko kasi miss mo na ko, kakamustahin mo ko kung okay lang ako at yung mag-eeffort kang gawin ang lahat mapasaya mo lang ako.
Kailan kaya darating yung araw na yon? O ang tanong, DADATING PA KAYA?
Hindi ko alam kung bakit nahulog ako sayo, hindi ka naman ganon ka-gwapo, kung tutuusin may mas gwapo pa sayo pero hindi ko alam kung bakit at paano ako nahulog sayo. Hindi ka rin naman ganon ka-bait kasi ang lakas mong mang-asar ng babae. Malutong ka rin mag-mura, sa sobrang lutong minsan nakaka-inis na pero bakit kahit ganon hindi ako naiinis sayo? Bastos ka, oo pero bakit kahit ganyan ka mahal pa rin kita? Bakit kahit ang dami kong dahilan para umayaw sayo, ikaw pa rin laman ng puso ko? Ang dami kong tanong pero lahat hindi ko masagot. Bakit?
Basta ang natatandaan ko na lang ay ang pag-tawag mo sakin ng Babe nung Grade 6 tayo, asar na asar ako sayo non kasi inaasar na tayong dalawa ng mga kaklase at teachers natin tuloy ka pa rin sa pag-tawag sakin ng Babe at pagi-I Love you mo sakin ng sinisigaw ito sa buong klase. Lagi mo kong tinatabihan at inaakbayan pag nag-kklase tayo. Kaya kinakantyawan nila tayo, pero hindi ka tumigil. Tuloy tuloy ka pa rin. Inis, hiya, asar at galit sayo ang nararamdaman ko nung mga panahong yun. Pero nagulat na lang ako isang araw pag-gising ko, Crush na kita.
Pinigilan ko nung una dahil alam kong mali at niloloko mo lang ako sa mga sinasabi mo. Pero tumuloy ako, hindi ko pinigilan feelings ko para sayo. Bata pa ako non eh, akala ko totoo ang lahat, akala ko ako talaga yung gusto mo. Pero, akala ko lang pala yon. Nung mga panahong inaasar asar mo ko ng Babe non, may iba ka na palang gusto non. Umasa na naman ako. Nakakatawa, ano? Napaniwala mo kong ako ang gusto mo. Hahahaha. Naloko mo na ako, masaya ka na ba?
Finally, Grade 7 na tayo. Akala ko nakalimutan ko na feelings ko sayo, hindi pa pala. Kasi lalo lang lumala, lalo lang kitang nagustuhan, lalo lang lumalim nararamdaman ko para sayo. Akala ko nakalimutan mo na ko, na ako yung inaasar mo nung Grade 6 tayo, pero mali ako. Kasi walang pinag-bago ganon pa din, inaasar mo pa rin ako ang pinagka-iba nga lang hanggang first quarter mo lang ako inasar, after non di mo na ko pinapansin. Parang di tayo nagkakilala ah? Papansin mo lang ako pag may kailangan ka or may hihiramin ka, after non wala na. Mga kaibigan ko pinapansin mo, ako hindi. Sakit ah pero di ko pinansin yon, kasi crush kita. Makita lang kitang dumaan sa hallway at sa tapat ng classroom namin, masaya na ako.
Nag-seselos ako sayo at sa mga kaibigan ko kapag nakikita ko kayong nag-uusap at nag-tatawanan, kasi sa akin hindi ka ganyan. Nag-seselos ako kasi sila pinapansin mo, ako hindi. Nag-seselos ako kasi sila kinakausap mo, ako hindi. Nag-seselos ako kasi close mo sila, ako hindi. Nakaka-tawa nga eh, kasi may bago ka na namang crush ngayong taon, iba na naman. Tapos ang nakaka-tawa pa, close ko yung bago mong crush. Hahahaha. Ang saya diba? Ang saya saya.
Hanggang sa naka-rating tayong Grade 8, mas malaking pag-subok sakin ngayon taon kasi ngayong taon, classmate na ulit kita, nung Grade 7 kasi hindi eh. Mas naging close tayo ngayong taon. Nakaka-tawa nga eh, naaawkward kasi ako sayo lalo na pag nag-kwekwento ka sakin ng mga kung ano-ano tungkol sa crush mo. Hahaha. Natutuwa ako dahil naging close na kita finally at the same time nasasaktan ako kasi, may bago ka na namang gusto at nililigawan mo na pala. Naiinis ako sa sarili ko, kasi wala akong magawa sa sakit na nararamdaman ko, hindi ko maiwasan isipin. Bakit ganon? Bakit kasi hindi na lang ako? Pero hindi ko yon pinansin, naging close nga tayo pero hindi pa tapos ang taon, may iba ka nang ka-close ang masaklap pa non, kaibigan ko pa.
Close kayo, alam ko pero kasi hindi ko maiwasan mag-selos lalo na at sobrang close niyo. Umiwas ako, umiiwas ako sainyo pag nakikita ko kayo magkasama ng kaibigan ko, umiiwas ako sainyo pag naririnig ko kayo mag-kausap tungkol sa nililigawan mo. Umiwas ako, pero mahal na mahal talaga ako ng universe eh. Kasi sa tuwing umiiwas ako, parang bigla kayong lumalapit at parang kahit umiwas ako naririnig ko talaga kayo. Ano bang ginawa kong masama para gawin niyo sakin to? Alam ko hindi ako naging mabuting estudyante pero bakit? Bakit ginagawa niyo sakin to?
Akala ko tapos na yung sakit na nararamdaman ko after ko umiwas sayo kasi kahit papano naka-move on ako sayo at nakalimutan ko nararamdaman ko sayo pero t***ina, nung sinabi sakin ng bestfriend ko na kayo na pala nung nililigawan mo. Parang gumuho yung mundo ko. Akala ko nakalimutan na kita, akala ko lang pala. Akala ko na naman. Kasi kahit naman anong gawin mo, may feelings pa rin ako sayo, kaya lang syempre ako tong si tanga na umaasa pa ring mamahalin mo. Ang sakit, ang sakit sakit pero tiniis ko. Tiniis ko yung pag-pasok ko, kayo yung una kong makikitang magkasama. Tiniis ko yung pag-kkwento mo sa amin sa kung ano nang nangyayari sa inyo nung nililigawan mo. Tiniis ko lahat ng sakit na nararamdaman ko para sayo. Lagi namang ganon diba, lagi namang ako yung nag-titiis.
Pag-tapos kong malamang kayo na ng nililigawan mo, umiwas ako sayo. Alam kong wala namang mangyayari kapag umiwas ako dahil hindi mo naman ako hahabulin, pero ginawa ko. Kasi alam ko ang limitasyon ko, alam ko kung kelan ako titigil. At the moment na nalaman kong may girlfriend ka na at sinagot ka na nung nililigawan mo, alam kong kailangan ko nang tumigil. Kasi, wala akong mapapala kapag pinagpatuloy ko to. Mas lalo lang lalalim yung sugat na ibinigay mo sa puso ko. Hindi ako galit sayo, wala akong hinanakit sayo. Kasi unang una sa lahat, hindi mo naman ako inutusan na gustuhin ka, ako lang talaga tong tanga na nahulog sayo. Sakit nga eh, kasi nahulog ako sayo pero iba yung sinalo mo. Iba yung sinalo mo kasi siya yung priority mo, kasi siya yung mahal mo, kasi siya yung gusto mo. Ano mo nga ba ako? Kaibigan. Putanginang kaibigan. Teka. Kaibigan nga ba ako sa paningin mo? O para sa iyo isa akong estrangherong nagpupumilit pumasok sa buhay mo?
Hindi ako galit sayo dahil kahit kailan hindi mo ko natutunan mahalin, galit ako sa sarili ko kasi nasasaktan na ako at lahat andito pa rin ako, umaasang mamahalin mo. Hindi ako galit sayo kasi nawala ka sa buhay ko, galit ako sa sarili ko kasi kahit kailan hindi ka naman naging akin at kahit kailan hindi ka magiging akin. Hindi ako galit sayo kasi binura mo ko sa buhay mo, galit ako sa sarili ko kasi ako mismo hindi ka kayang burahin sa buhay ko.
Mahirap pero kakayanin ko. Mahirap pero gagawin ko. Para sakin at para sayo na rin. Alam kong masaya ka na sa piling niya. Kaya nga pinapakawalan na kita sa puso ko, kasi alam kong hindi ka sasaya pag sakin ka napunta. Sana tumagal kayo, sana hindi ka niya saktan. Basta tandaan mong andito lang ako palagi para suportahan ka. Kahit ang sakit sakit na. Wala eh, tanga na kung tanga pero gusto kasi kita.
Sana maging masaya ka sa kanya. Masaya ako para sainyo kahit ang sakit sakit na. Mahal kita, tandaan mo yan.
-Kathryn B.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
UNEDITED. Sorry sa typos.
![](https://img.wattpad.com/cover/52110924-288-k42222.jpg)
BINABASA MO ANG
Imagination [ON HOLD]
FanfictionMahal kita, mahal mo siya. Paano na? Aasa na lang ba akong mamahalin mo rin ako? O dapat na akong sumuko kasi masaya ka na sakanya? Kayo na nga eh. Madalas ko kayong makitang mag-kasama. Ang hirap pala, ang hirap sabihing okay lang ako at masaya ak...