Chapter 10

83 4 0
                                    

Adrianne P.O.V.

-_-! '20,000 Shit mauubos ang pera ko.'

"May problema ba Blood?" napatingin ako sa kanya

"Dont call me Blood in public." seryosong sabi ko. Nasa mall kasi kami ngayon

"Opps sorry!" nag peace lang sya tsk!

I check my account and found 20,000 only 'damn it!'

Ibinili ko nga pala ng mga Rabbit. Kailangan kong kumita ng pera ayokong ipaalam kay Mom dahil papauwiin nya lang ako.

"Kain muna tayo Rin." tumango na lang ako at pumunta kami sa Mang Inasal. She ordered our meal while me waiting and thinking how to earn money in just a snap.

*twich*

Napalingon naman ako sa labas dahil pakiramdam ko ay may nakatingin at tama nga ako. Isang lalaki. Hindi ko sya kilala at wala akong panahon para kilalanin sya. Inalis ko ang tingin sa kanya at nag isip na lang ulit.

"Kain na tayo!" inilapag na si Alexa ang inorder nya at kumain na kami. Nandun parin ang lalaki pinanunuod lang kami. 'Patay gutom kaya sya?'

"Rin."

"I know he's been there since we enter." tumango na lang sya at hindi na pinansin ang lalaki

"Rin balita ko mag kakaroon ng drag race mamaya." nakuha nya naman ang atensyon ko. "At malaki raw ang price." napangisi naman ako sa narinig. 'Pag kakataon nga naman.'

"How much?"

"500,000" pwede na

"I'll join" maikli kong sagot at nanlaki naman ang mata nya

"What? Delikado yun Rin buwis buhay dahil down hill at walang rules."

Napakunot ang noo ko "Sinasabi mo bang hindi ko kaya?"

"Its not like that. Hindi natin alam yung place at hindi natin alam ang ugali ng mga tao dun." halata sa boses nya ang pag aalala.

"Malalaman natin kapag nandun na tayo." napabuntong hininga na lang sya

"Aish! Bahala na nga basta iche-cheer kita."

'Abnoy!'

Natapos na kaming kumain kaya lumabas na kami at wala na rin yung lalaki.

"Sino yun Rin?" nagkibit balikat na lang ako at nag lakad na papuntang parking lot.

-_-! Tsk! Ang gulo talaga walang pinipiling lugar. May fight lang naman sa parking lot.

"Hala babae!" napalingon naman ako sa kumpulan ng mga lalaki at may babae sa gitna nila. "Grrr!... ang ayoko sa lahat ay mga bastos na lalaki!" inis na sabi ni Alexa at nag lakad papunta sa gulo.

Ako naman ay nanatili sa kotse ko at sumandal. Bahala sya dyan masyado syang pakialamera.

"Hello miss beautiful gusto mo----"

*boogsh*

Hindi na pinatapos ni Alexa mag salita ang lalaki dahil isang pulidong suntok ang binungad nya dito at napatumba naman ang lalaki. 6 to go.

"Abat ang lakas ng loob!"

Sigaw nung kasama ng pinatumba nya. Nag sign naman ito sa mga kasamahan nya na sumugod kay Alexa at nag labas ng mga kutsilyo. 'Exciting'

Sinugod sya ng isa kaya mabilis nyang inilagan ang kutsilyo nito at hinawakan ang kamay at pinihit dahilan para malaglag ang hawak nitong kutsilyo at tinuhod ang sikmura nito. Naramdaman nya sigurong may susugod mula sa likod kaya tumalon sya sa hood ng isang kotse kaya ang nasaksak ng lalaki ay ang nasa harap. Isa na namang lalaki ang sumugod sa kanya kaya tumalon sya pababa at pinatid ang lalaki para matumba ito at sinipa nya ang sikmura nito. Sinipa nya naman ang nasa gilid nya at tumama ito sa isang kotse.

The Gangster's RevengeWhere stories live. Discover now