Naniniwala ka ba sa tadhana? Yung sinasabi nila na kung kayo ang para sa isa’t isa, kahit na gaano pa katagal ang hintayin mo, kahit gaano pa karami ang nangyari, kahit ano pa ang humadlang, magiging kayo pa rin. Kahit na hindi niya alam na mahal mo pala siya.
”KRIIIIIINGGG!!”
”AAAAH!” Aray naman! Nahulog pa ako sa kama. Teka, anong oras na ba?
Tinignan ko yung alarm clock at pinatay yung alarm. Hala! 7:45 am na! Malelate na ako.
Nagmadali akong magbihis, ni hindi na nga ako kumain kahit na gutom na gutom na ako. Umalis ako ng bahay at buti na lang nakadating agad ako sa school bago pa magsimula ang klase.
”Oh bes, bakit ngayon ka lang? Buti hindi ka na-late” sabi ni bestfriend.
”E pano ba naman, inabot ako ng madaling araw sa kaka-aral para sa Math exam natin ngayon. Buti talaga hindi ako na-late! Kundi malilintikan na naman ako sa epal na teacher na yan!” nagtawanan na lang kami dahil parating na rin daw yung teacher namin.
Hay, ipinagdadasal ko na lang sana na pumasa ako sa Math exam! First subject din kasi namin yun. Marami-rami din naman ang nasagot ko kaya kampante na ako.
”Hello, hello there pader!” Ayan na naman si Sed. Kabarkada namin yan galing sa ibang section na laging pumupunta sa classroom namin tuwing recess at lunch.
”Hoy! Trespassing ka na naman!” pabirong sabi ni bestfriend.
”Di naman bawal e!” hay nako, nagsisigawan na naman sila. Pero biglang tumigil si Sed sa pagsigaw..
tumingin siya sa mga mata ko at nagsalita,
”Uy Denisse, ba’t di ka pa kumakain?”
Uyy, concern siya :”> Oo, kinikilig ako sa tuwing nagkakatinginan kami. Buti na nga lang di nahahalata at di rin naman ako namumula pero bakit ngayon, ganito?…
”Ba’t abot tenga ang ngiti mo, Denisse?”
Naku po, nasobrahan ata ang kilig.
”Ah..eh.. may naalala lang ako :)” palusot ko na lang.
”Ahh. E ba’t di ka pa kumakain?” tanong ulit ni Sed.
”Nakalimutan ko kasing magdala ng pagkain tapos naiwan ko rin yung wallet ko sa bahay kaya ayun.”
”Tumatanda ka na Denisse! Halika nga, samahan mo ako.”
Hinila ni Sed yung kamay ko pababa sa building namin.
”Uy teka! Saan mo ba ako dadalhin?” tanong ko sa kanya.
”Sa canteen.”
”E wala nga akong pera!”
”Lilibre kita, problema ba yun?” nagulat naman ako sa sinabi niya. Ngayon lang kasi niya ako nilibre ng kusa. Dati kasi, sapilitan ang paglilibre niya sa amin. Wow ha, ano naman kaya ang nakain nitong isang ‘to?!
”Sed, wag na. Nakakahiya naman sayo.” hindi pa rin siya tumigil sa paglalakad habang hila-hila pa rin ako.
OMG. Ngayon ko lang na-realize, magkahawak pa rin kami ng kamay. Holding hands kami :”“”“>
Nakarating na kami sa canteen pero hindi pa niya binibitawan ang kamay ko. Yiiie, omg. Kinikilig pa rin ako at dahil nga sa ayaw kong ipahalata, ako na lang ang bumitaw.
”O sige Denisse, pili ka na”
”Eh wag na nga. Di rin naman ako nagugutom”