Chapter 7: AGAIN?!

27 0 0
                                    

Nandito kami ngayon ng mga cousins ko sa dalampasigan. Hapon na din naman kasi. Nag lalaro lang kami dito tapos mag kukulitan.

"Oy baby Lex!" -Sigaw ni Kuya Sean.

"Maka 'oy' ka naman Kuya Sean!" Sigaw ko din.

"Wala naman.Hahaha."

"Iba din ang trip mo ano Kuya?" -_____-

"Ewan :D" 

"Tss."

"Siryoso na, hindi ka ba talaga sasama samin?" 

"Bawal nga diba?" 

"Edi tumakas ka lang. Wala naman makakaalam, tayo tayo lang naman." -Mabel.

"Duh! Kasama niyo sina Manang Nelly tapos si Kuya Peter mamaya." 

"Lets bribe them!" -Kuya Billy.

"Oo nga!"

"Eh?" Grabe naman sila. Bribe talaga?

"Oo. Para wag sila mag sumbog kila Tita." -Kuya Kyle.

"Ang sama naman ng plano niyo." Sabi ko.

"Kala ko ba valedictorian ka?" -Kuya Kirby.

"Anong konek ng pagiging valedictorian ko?" 

"You dont get the logic Lex." -Ate Kath.

"Explain niyo kasing mabuti! >__<"

"Ganito kasi yun. Hindi ka masama ang gagawin natin.." -Ate Nica.

"Kasi it's for you naman yun.." -Ate Aya.

"For me?" 

"Ang slow mo couz!!!" -Mabel.

"Eh?" -_____-

"Kapatid naman. Kailan ka pa naging slow?" -Kuya Levi.

"Kasi Lexzie. Mag ba-bonding lang naman tayo eh.." -Kuya JP

"Oo nga. Kami naman ang kasama mo eh. "-Kuya Sean.

"Pwede bang magpaalam na lang tayo kila Mom?" Baka maguilty ako eh.

"Ang good girl mo talaga couz!" -Mabel.

"Lexzie. Hindi ka naman papayagan ni Tita kasi nga diba grounded ka?" -Ate Kath.

Yes people. Grounded po ako. Kahapon kasi past 9 na ako naka uwi, kasi nga diba nag hangout kami ni Troy. Kaya ayun! Napagalitan nanaman ako :( Eto ang naging punishment. Never in my whole life ako na grounded! Ngayon pa lang! And it sucks! Mabuti nga di na kinuha yung gadgets ko. Ay naku pag kinuha pa wala na. Mamamatay na ako sa boredom. Pinag bawalan lang ako umalis ng bahay. Hanggang seashore lang ako :( Para akong prisoner no? Grr.

Tumago na lang ako sa tanong ni Ate Kath.

"Kaya nga pumayag ka na." -Kuya Billy.

"Eh. Natatakot ako. Baka pag balik natin alam na nila Mommy." Baka maging 1 month na ang pagiging grounded ko. Hindi ko na kaya yun! 

"Ano ba naman yan Princess!  Kami na ngang bahala sayo!" -Kuya Levi.

"Siguradong kaya ang bahala ah?" Pag aaasure ko. Aba! Mahirap na no! Baka ilaglag nila ako!

"Oo nga.!" -Ate Aya.

"Ang kulit mo!" -Ate Nica.

"Okay :D" 

"Yan!" Sabay sabay nilang sabi.

"Basta sagot niyo ako pag balik natin ah?" 

"Oo nga sabi!" Sabay sabay ulit nilang sagot.

Lovely SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon