Popular! Gwapo! Matangkad! Mestiso! Married! Pero hindi pa rin kumukupas ang kanyang kagwapuhan!
Yan si Jhayson Gonzalez, newly-wed with her lovely wife Izza Mae Morales -Gonzalez . At kasalukuyan silang lilipat sa bago nilang bahay sa Manila.
''Wow ang ganda naman dito, Bhabe!'' masayang sabi ni Izza sa asawa habang binabaybay ang bago nilang bahay.
'' Lalalalalala...''
Sa di kalayuan nakarinig si Izza ng babaeng kumakanta, sinundan niya ang tinig ng babae.
Hanggang mapunta siya sa balcony . Doon niya nakita ang isang babaeng nakauniporme ,mahaba ang buhok at maputi . Kinalabit ni Izza ang babaeng nakauniporme .
''Lalalalala...''
At sa kanyang paglingon -- dun na napansin ni Izza na wala pala itong dalawang mata!
''AAAAAAAAHHHHHH!!'' sigaw ni Izza . Dali-dali namang pinuntahan ni Jhayson ang asawa.
''Anong nang-'' napatingin si Jhayson dun sa babaeng nakauniporme.
''Hi Jhayson .... '' sweet na bati nung babaeng nakauniporme . Nabalot naman ng takot ang buong katawan ni Jhayson sa dahilang wala itong mga mata.
''Remember me? Your number 1 fan. . .'' pagpapatuloy nung babaeng nakauniporme. At OO naalala ni Jhayson ang babaeng nakauniporme , siya lang naman si ...
"J-Jheanel? D-d-diba p-patay k-ka n-na?'' nauutal na tanong ni Jhayson.
Naalala na ni Jhayson si Jheanel -- siya yung girl na patay na patay sa kanya noon pa .
Palagi siyang nagpapadala ng sweet notes para kay Jhayson ngunit hindi ito pinansin . Palagi siyang gumagawa ng lunch para kay Jhayson ngunit hindi ito nagugustuhan ni Jhayson.
At nung araw na magtapat si Jheanel kay Jhayson -- ito ang tanging sinagot ni Jhayson sa kanya ''Ampangit mo pala pag malapitan DULING !!!!
WAHAHAAHAAHA''. Dahil sa depresyon napagdisisyunan ni Jheanel na tusukin ng barbeque stick ang dalawa niyang mata na sanhi naman ng pagkamatay niya.
''Hihihihi , patay na ang katawan ko pero ang puso't kaluluwa ko'y buhay pa rin ng dahil sayo...''
With all his strength nagawang makapagsalita ni Jhayson kay Jheanel ..
''Ano bang kailangan mo Jheanel?''
''Ikaw . . .'' sweet na sabi ni Jheanel tsaka lumapit kay Jhayson habang kumakanta.
''Lalalalala...''
''Hindi na ako duling tignan mo, maganda na ba ako ngayon Jhayson?''
Hindi na nagawang makapagsalita ni Jhayson sa sobrang takot --
''Hmmm , siguro mas maganda kung pareho tayo diba katulad ng mga pangalan natin parehong nagsisimula sa letter J tapos H. Destined talaga tayo para sa isa't isa Lalalalala..''
''A-anong ibig mong s-sabihin Jheanel?''
''Hayyss , nakakalungkot isipin pero kailangan kong gawin 'to para makasama ka lang habang buhay hihihi ... '' kumuha si Jheanel ng dalawang barbeque stick sa kanyang bulsa.
''Iwan mo na ako! May asawa na ako Jheanel!'' sigaw ni Jhayson pero halatang kabadong kabado ito.
''Hihihihi , don't worry it won't hurt .'' sabi ni Jheanel kay Jhayson habang hinahaplos-haplos nito ang makinis na mukha ni Jhayson.
Gustong tumakbo ni Jhayson pero hindi niya magawa , para nasimento ang kanyang katawan dahil sa sobrang takot!
Pagkatapos...
Thank you for reading.. Pasensya na po kung medyo palpak first time ko po gumawa ng horror story..
BINABASA MO ANG
Your no.1 Fan (Short Story)
HorrorPatay na ang katawan ko pero ang puso't kaluluwa ko'y buhay pa rin ng dahil sayo...