Ang pagkikita

86 0 0
                                    

Nakatitig ako sa aking pinsan na naglalaro sa aking harapan. Tinititigan ko ang kanyang nakakaakit na mata ng bigla kong naalala. Paano ako nabihag sa tingin ng isang lalaking una ko pa lang nakita? May iba kasi sa tingin niya kapag tumitig siya sa iyong mga mata. Parang inaakit ka nito at sinasabing "huwag mong tatanggalin ang tingin mo kung ayaw mong mabihag sa mga ito"

Una ko siyang nakita sa may bar. Birthday ko kasi noong araw na yun kaya nag-aya akong magbar kami kami lang ng mga kaibigan ko. Pinayagan naman ako ng aking mga magulang. Spoiled eh. Ano magagawa ko? Habang umiinom ako sa aking wineglass at may nasulyapan akong isang lalaki. Sobrang matipuno ito, maganda ang kanyang pananamit at simple lang siya. Hindi ito naninigarilyo pero umiinom. Nang bigla siyang napatingin sa gawi ko. Hindi ko alam kung bakit di ko tinanggal ang mga tingin ko sa kanya. Di ko alam kung bakit ko siya tinititigan ngayon. Kung bakit ayaw tanggalin ng mata ko ang pagtitig ko sa mata niya. Nawala ko na lang bigla ang tingin ko kasi kinausap ako ng aking kaibigan na si Crystal

"Kilala mo ba yun?" Tanong ko sa aking kaibigan na tawang tawa dahil sa joke ng isa naming kasama.

"Sino?" Sagot niya sakin. Nagtataka at tumingin tingin sa loob ng bar kung sino ang tinutukoy ko sa kanya.

"Yung lalaki—HA? Asan na? Nagtititigan lang kami kanina" Pero asan na nga ba siya? Bakit bigla bigla na lang siyang nawala sa paningin ko? Binihag lang niya ko sa tingin niya. Sa mata niyang nakakaakit. Bakit ko pa kasi tinignan? Ako lang tuloy umasa. Minsan ang akala mo kapag tinitigan ka nila akala mo ay may something nan a kahit isang araw o isang gabi pa lang kayong nagkita ay magkakagustuhan na kayo. Pero meron naman ganun diba? Di moa lam Gusto ka na niya pala noon pa.

"Oy! Candice?! Sino ba yun?" Tanong ulit sakin ng kaibigan ko sabay kamot sa ulo. Naguguluhan na ata dahil sa nasabi ko sa kanya na nakakabihag ng puso yung titig ng lalaki kanina saakin.

"Wala wala. Balik ka na sa table natin. Punta lang akong washroom. Magreretouch lang ako." Pumunta naman ito sa table naming. Palusot ko lang yun sa kanya. Pero talagang hinahanap ko lang yung lalaking iyon. Luminga linga ako sa dancefloor kung nandun siya pero wala. Hindi ko nga alam pangalan ee. Damn! Nasan na ba kasi siya? Goodness! Nang bigla ko siyang nakita na umiinom sa kanyang wineglass kanina na hawak hawak siya nung nakita ko siya. Hindi pala siya magisa. May pumunta sa kanyang table na babaeng nakadress na halos labas na kaluluwa. Yes! Oo. Sumikip ang dibdib ko kahit alam kong ngayon ko lang nakita ang lalakig iyan! Binihag niya ko sa kanyang nakakaakit na mata. Nakita kong hinalikan siya ng babae. Napatakip na lang ako ng aking mga mata sa aking nakita. Hinila ng babae yung lalaki patungo sa dancefloor. Pero habang naglalakad sila. Tumingin siya sa akin. Di ko alam ang itsura ko nang tumingin siya. Nung tumingin siya. Hindi ko matanggal tanggal mga mata ko sa mga mata niya. Sinasabi ng mata niya na "dapat ako lang ang tititigan mo ng ganto" Hindi natuloy ang pagpunta nila sa dancefloor dahil may sinabe yung lalaking yun na babaeng kasama niya kaya siya umalis at iniwan ang babae. Hindi ko alam. Pero sa akin pala siya papunta. Oo. Saakin!

"Miss? You're Candice Yesica Swanepoel right?" Nagtaka ako. Bakit kilala ako ng lalaking to e ngayon lang kami nagkita?

"Yes. Who are you?" Tanong ko pabalik sa kanya. Di ko talaga maalala kung saan kami nagkita at bakit niya ako kilala. Ngayon ko lang siya nakita dito sa bar pa.

"Ako si Jude Bryant Sinahon." Yea. Di ko siya kilala. Alam ko yun kasi ngayon ko lang siya nakita at ngayon ko lang siya nakausap. Paano ba ako nakilala nito? Mga mata niya lang ang nambihag saken. Tsaka di ako nakikiusap sa mga lalaking ngayon ko lang nakilala. Bakit nga ba ako kilala ng taong to? Sino ba talaga siya?

"Ate! Asan si Mommy?" Hala! Nandito pa pala yung pinsan ko sa harap ko. Hindi ko namalayan. Iba na naman kasi iniisip ko ee. Siya na naman! Si Bryant? Sino ba talaga tong lalaking to?

"Hindi ko alam e. Tignan mo sa Kitchen" Sagot ko sa aking pinsan habang tulala pa rin na nagiisip kung sino yung lalaking yun at bakit niya ako kilala.

Habang naglalakad ako pauwi. Galing grocery store. Parang familiar saken yung tingin ng isang lalaki na nasa labas ng bahay. Yes! Siya nga si Bryant. Paano niya nalaman na dito bahay namin? Yes. Gwapo pa din siya kahit white V' neck shirt lang siya tapos black na jeans. Nandun na naman yung tingin niyang nabibihag ka talaga kapag tinitigan mo. Bakit nga ba siya nandito?

"Bakit ka nandito?" Tanong ko habang binubuksan ang gate ng aming bahay.

"Ano kasi. Aalis na ko. Papunta na kaming Dubai. Next week. I'm so sorry" Sabi niya sa akin. Wow lang after niya kung bihagin ganto na lang? Di ko pa siya nakikilala at di ko pa alam kung bakit niya ako kilala. Tapos ngayon aalis na siya? Bat ganun? Pinaasa niya lang ako sa wala? Binihag niya ako tapos ako nagpabihag naman. Sana naman di na ako tumingin tingin at umasang magkakagusto siya saken. Sana hindi ko na lang siya nakilala.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 18, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bihag ng isang tinginWhere stories live. Discover now