Pakage
MadamJang
Ito ang pinakamasaya kong araw! Why? Its because my parents' balikbayan box has arrived at nakuha ko na rin, yehey! Marami nanam akong tsokolate! Mga magulang ko ay mga OFW. Nagtratrabaho sila sa America bilang care giver. Although nag skaskype kame everynight hindi parin maiiwasan ang pagkamiss sa isa't isa. Gayunpaman hindi ako nagagalit sakanila, kasi alam kong nagtratrabaho sila sa malayo para saakin dahil mahal nila ako.Speaking of mahal, na love at first sight ata ako! Hahaha more likely nagkacrush ako. Ang gwapo kasi nung lalaki.
"Manong para po. Ito po bayad." Bumaba ako sa tricy at nag patulong ako kay David. Si David sya pala yung mabait kong kapitbahay.
"Ma andito na po yung mga box, nauwi ko na." Pagkatapos ipasok ang mga box tinawagan ko ang aking mama
"Anak, sa unang box andyan ang make up kit ng mga pinsan, auntie at yung sayo. Sa ikalawang at ikatlong box naman yung mga damit sa ikaapat naman mga tsokolate." Apat? Eh tatlo lang andito!
"Ma naiwan ko ata ang isang box! Babalikan ko po!"
"Ayy ikaw bata osige balikan mo na baka mawala pa!"
Ding-dong
"Oh anak buksan mo muna ang pinto."
"Sige sige po bye bye po. Ilabyou po at sana makauwi na po kayo." Hindi pa man nakasagot ang mama pinatay ko na ang tawag.
Ding-dong
"Sandali lang, paparating na." Sino nanaman kaya ito? Binuksan ko ang pinto. Pero 'di ako makapaniwala na andito yung gwapong lalaki na nakita ko kanina sa LBC at dala dala niya ang kahon na aking naiwan.
"Maricel Reyes?" Ay ganda ng boses nakakagoose bumps
"Yes? Can I help you?" Kahit alam ko na ang pakay niya tinanong ko parin
"Naiwan mo kanina. Sa masamang palad eh nadoon ako kaya naisipan ko na lang dalhin sa address na ito." Huwaw!
"Alam mo hindi ko alam kung ano ba dapat ang gagawin ko. Magpapasalamat dahil dinala mo dito ang box na naiwan ko o magagalit dahil napilitan ka lang!" Kinuha ko agad ang box kaya lang hindi ako nasabihan na ang bigat pala nun kaya na out of balance ako pero buti naman ay nasalo ako ni boy gwapo
"Salamat. Mag kape ka muna gusto mo?" Pagbigyan na natin gwapo eh
Author's note:
Nanonood po ako ng tv ng makita ko ang isang advertisment na tumulak sa akin gawin isang one shot story :) wala po kasi akong magawa