" Pare, di ko na makita yung babae eh, ang bilis tumakbo! Parang kabayo! ", sabi nung lalaki na hinihingal pa.
Kabayo ka dyan! Kapal ng mukha neto?! Tsk. Ba't ba kasi nila ako hinahabol kanina pa?? Ano 'to kidnap for ransom? Eh ni hindi nga kami mayaman no!
" Maghiwa-hiwalay na lang muna tayo para madali natin syang mahanap! ", sabi naman nung isa pa.
Naramdaman kong palayo na sila malapit sa truck na pinagtataguan ko. Grabe,pawisan na ako dito sa sobrang takot! Sino ba kasi yung mga kulugo na 'yon?!
Nagulat na lang ako nang may biglang magtakip sa bibig ko!
Waaaahhhh! Help! Bantay Bata 163!
" Hmmmfff! ", pagpupumiglas ko naman.
Sino na naman ba 'to??!
" Wag kang malikot pwede ba? Baka makita nila tayo eh! ", pabulong nyang sabi.
Teka ..... si?!
(0_0)
" Ako 'to. ", sabi nya nang makaharap ko na sya.
" B-ba't nandito ka? ", tanong ko.
" Itatakas kita dito, kukunin ka nya sa'kin ", seryosong sabi nya saka hinawakan ang kamay ko.
" Ha? ', naguguluhang sagot ko.
Ano ba kasing ibig nyang sabihin dun? Sino yung tinutukoy nya? Mamamatay na ba ako?!
Waaahhh! Ayoko pa!
" Wag nang matanong ok? Basta sumama ka na lang ", sabay hila sa'kin papalayo sa truck na 'yon.
Pasakay na sana kami sa motor nya kaso may humarang na agad sa'ming mga kolokoy!
" Hepepep! At sa'n naman kayo pupunta? May date ba kayo? ", pang-aasar ng leader ng mga kolokoy.
" HIndi ba halata? Itatakas ko sya dito! ", at mahigpit nyang hinawakan ang kamay ko.
" Aba't! Alam mo ba yang pinagsasasabi mo ha?! ", galit na sabi nung leader.
Ano ba kasi talagang nangyayari dito??
" Hindi ko sya ibibigay sa kapatid ko. Magkamatayan pa! ", seryosong sabi nya.
Hala na 'yan! Ba't ba ako nasa sitwasyong ganito?! (T_T)
" Magkamatayan pala ha?! ", sigaw ng lalaki na nasa likuran pala namin at binaril ang lalaking magliligtas sana sa'kin.
" Aki!!! ", sigaw ko habang naiyak na.
At tuluyan nang nagliwanag ang buong paligid .....
Tik.
Tok.
Tik.
Malapit na .....
Tok.
Tik.
Tok.
Konting-konti na lang .....
Tik.
Tok.
Tik.
Tok.
BOOM! Di ko na kaya!!!
" Ate Mica! Bilisan mo namang maligo oh! Isang taon ka na dyan sa CR, alam mo ba 'yon?! May balak ka pa bang lumabas dyan?! Baka gusto mong dyan ka na tumira? ", sigaw ko nang nakasimangot.
Kauma naman kasi. Kanina pa kaya ako ditong nakatitig sa orasan namin. Hinihintay kung kailan sya iluluwa ng CR!
" Eh nagsa-sabon pa lang ako no! Dpat kasi inunahan mo na ako kanina! ", sagot nya habang nasa loob pa din ng CR.
BINABASA MO ANG
All I Know Is His Nickname
Teen FictionNaranasan mo na bang managinip ng paulit-ulit lang ang nangyayari? Yun bang isang beses sa isang buwan mo SYA napapanaginipan?? WEIRD hindi ba??? At ang tanging alam mo lang sa kanya ay yung palayaw nya. (0_0)? Malalaman kaya ng ating bida ang kata...