2nd story kona to kaso one shot lang sya sana magustuhan nyo thank you!!!!_______________
Faith's Pov
Hello ako nga pala si Laureen Faith Mendoza 16 years old
"Hoy!! Faith!!! Bumaba kana daw sabi nila mama!!"nagulat ako kasi kinakalabog ni ate yung pinto ko kaya binuksan ko nalang yun
Ahhm sya nga pala ang ate ko si Maureen Faye Mendoza
Mahal na mahal ko yan si ate pero lagi lang syang naiinis sakin
"Hoy hindi porket may sakit ka kailangan kapa namin gisingin dyan!"sigaw ulit sakin ni ate pero pinabayaan ko nalang baka mas lalo pa syang mainis sakin kung nagtataka kayo na may sakit ako oo totoo yun medyo malala na nga eh kaya lagi nila akong dinadala sa hospital pag inaataki ako ng sakit ko
"Opo ate bababa napo"umirap naman si ate at bumulong
"Pshh paawa effect kapa dyan bumaba kana nga nakakairita ka talaga!!"napabuntung hininga nalang ako sa sinabi ni ate
Bumaba na ako at nakita ko sila mama doon na kumakain
"O anak kumain kana dito o"sabi ni mama saakin
"Sige po"sabi ko at umupo sa tabi ni ate
"Pshh"pinabayaan ko nalang si ate kung papansinin ko pa yun baka magalit pa yun saakin
"Ayos ka lang ba faith? Wala bang masakit sayo?"tanong ni papa
"Psh lagi nalang siya ang inaatupag nyo"bumulong ulit si ate pero mukang ako lang ang nakarinig nun
"Ok lang po ako wag po kayong magalala
"Mabuti naman"sabi nila mama
"Mama kaila----"may sasabihin sana ako ng sumabat si ate
"Mama pwede nyo po ba akong bilhan ng bagong raketa?? Nasira na po kasi yung akin eh malapit narin po yung birthday ko kahit yun nalang po yung regalo nyo sakin"sabi ni ate oo nga pala malapit napala yung birthday ni ate ilang days nalang birthday nya na
"Ahhm anak gusto din namin kang bilhan kaso walang wala kami eh isa pa mahal ang pagpapa gamot ni faith sa hospital kaya nagiipon pakami sorry anak"sabi nila mama isa yan sa mga dahilan kung bakit ayaw ako ni ate
"Yan naman yung palaging reason nyo eh!!! Bakit si faith hindi nya pa hinihingi binibigay nyo na!!! Bakit ako kailangan pang lumuhod para lang makuha ko yung gusto ko!!! Porket may sakit lang sya!!! Sana pala may sakit din ako para bigyan nyo din ako ng pansin!!! Nagsasawa na ako sana namatay nalang sya!!!!"nabigla ako ng sinampal siya ni mama
Hinawakan naman siya ni papa
Nakita ko si ate umiiyak lalapit sana ako sakanya kaso bigla niya akong tinulak tapos lumabas sya ng bahay
Tinulungan ako nila mama makatayo
Umakyat nalang ako sa kwarto ko at tinignan ang piggybank ko marami rami naman pala ang naipon ko eh!!! Sana pag binigay ko siguro sakanya yung gusto nya hindi na sya magalit saakin__________________
Faye's Pov
Arrrrggggg nakakainis nasampal pa ako nila mama dahil lang sa faith nayan!!!!!
Ang totoo nyan gusto ko din makipagbati sakanya kaso pag nakikita ko sya kumukulo yung dugo ko sakanya Bakit kasi may sakit pa sya!!! Edi sana lagi pa akong pinapansin nila mama!!! Nang dumating sya wala na nasira yung buhay ko dahil sakanya
Umuwi na ako sa bahay at pumasok sa kwarto ko tinignan ko yung laman ng piggybank ko mukang kulang pa yung pera ko para makabili ako ng sariling raketa ko malapit na din kasi yung tournament namin sa badminton kaya ayun.
BINABASA MO ANG
•See You Soon• (One Shot)
Short StorySee............. . . . . . . . . . . . You............... . . . . . . . . . . . . . Soon.............