Ch. 6 - Pt. 3 - SM Supermarket

248K 4.3K 467
                                    

IDTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 6 - Pt. 3

"Limang kilong manok.. asukal.. Isang sakong bigas?" - Ako habang binabasa ko yung papel na iniwan nya na puro sulat ng bibilhin (hindi naman siguro prepared si Mama ano?!) =__=

Charice POV.

Kumuha ako ng malaking cart. Agad akong tumungo sa bilihan ng mga manok-- este ng mga karne chenes. Kinuha ko ang limang kilong manok. Pumili din naman ako. Di ko na pinahati. Masarap kaya yung buo di ba? Tapos fried! Roasted!!! *0*

Anlene - para kay Mama < check > Tulingan na isda, Tender Juicy Hotdog (branded!), Asukal (Bonus na lang, ganun din ang lasa!), Asin, Toyo (datu puti forever!), Cooking oil (bonus na lang din!) < check > Tomato sauce (Del Monte Kitchenomics for Economics~~), Hanz ketchup (mahal yan! XD) Nido fortifide, coffee mate, kopiko < check >

Nakakapagod pala to. Pauli uli -- TCH (Tsk)!!! Sino ba yung kumalabit sa'kin?!

"Yo." - Gosu habang pinapahid niya yung pawis niya. 

Ba't andito to?! Binigyan ko lang sya ng Ano-kailangan-mo-look kaya lang bigla na lang niyang kinuha yung malaking cart at lumapit sa'kin.

"Ano sunod sa lista-han?" - Gosu sabay tingin sa listahan ko.

"Ba't nandito ka?" - tanong ko.

"Tuwa ka naman? ^ ^" - Gosu.

"Asaness" - Ako. 

Bago ko pa namalayan, natapos na namin yung pag kuha lahat-lahat nung mga pinabibili ni Mama. Nakakapagtaka lang at ang dami atang pinapabili ni Mama eh dati, tig iisang kilo lamang! Anyway, lahat check na! Gelatissimo, mapapasaakin ka rin! Malapit na! Hoho! 

Pumunta na kami sa Cashier. At ang nakakaloka lang sa babaeng ito ay: * 3* - Ganyan itsura nya. Para syang goldenfish na nauntog (nabundol) sa aquarium. Ewwness di ba?! 

To think na medyo dark red yung lipstick niya. 

*piiip* - tunog nung machine

<____< - Ako.

"Miss, na-scan mo na yan kanina- sabi ko. Easy ka lang Cha =__=+

Bigla siyang napatigil tapos ngumiti ng napaka lapad kay Gosu. 

"Sorry! Ulitin na lang natin?" - nakangiting sabi pa nya @#$% 

Anong uulitin ang sinasabi nya?! +__+ Nakakatatlo na kaming ulit ah! FCKSHT NAMAN TO!!! 

"Sa iba na lang tayo, anae" - Gosu sabay balik nung mga gamit sa cart tapos sa may kabilang counterr naman kami pumunta.

Tiningnan ko muna yung cashier. Well.. di sya naka * 3*Ganito naman yung itsura niya: *O*

*piip*

*piip*

*piip*

So far, patapos na kami. Buti naman at may concentration to di tulad nung isa! Baka magkaroon ng Alzeimer's disease yung babae kanina sa pagtanda dahil mahina ang coordination ng katawan nya :p

"Salamat po sa pag shopping sa SM!" - sabi nya matapos yun.

"Ay, nga po pala... Pwede pong favor?" - tanong nya pa.

Ano kayang sasabihin pa nito?! Gusto ko na ng ice cream eh!

"Pwede pa-picture?" - sabi nya sabay ngiti.

Sabi na e! May tinatago to kaya ambilis! Gusto lang palang magpapicture kasama tong haring g_agu na to! 

Kinuha nung cashier yung phone niya sa may cabinet ng lalagyan yata nung kung ano (pera at resibo). Lumapit sya kay Gosu. Lumayo naman ako. K, I'm the photographerr--- 

"Ay.. kasama ka po!" - yung babae.

Hanuuuuu daw? Kasama ako?! Kumuha siya ng papel at tinupi (tiniklop) tapos sinulatan niya ng: 'GOCHA <33'

( . . . )

BABOY NA NAMAN?! 

Nakita ko natatawa si Gosu.

"Victim ba tayo ng Gocha?" - tanong ko.

"Gocha?" - Gosu na nakangiti sa'kin.

"Yung patay na baboy na nababalita?" - tanong ko(?)

"Bocha yun ^__^" - sabi niya.

Bocha pala yun? 

"E ano yung Gocha?" - tanong ko.

"Ewan? ^__^" - Gosu. 

Biglang nag "eeeeeeeeee! Kinikilig ako!" yung babae. Ano ba yun? Parang may kung anong kinikiligan to. May nakita sigurong gwapo? Daig pa ang fans ng Kathniel!

"Pwede na po mag papicture? Pleaseeee, I'm a fan lang po talaga! >/////<" - yung babae.

"K" - Gosu.

Tumawag yung babae ng isa pang babae na kaibigan niya yata. 

Lumapit naman si Gosu sa'kin. Bale eto pwesto namin sa picture: Nasa unahan si babae habang hawak niya yung papel na may nakasulat na GOCHA <33 tapos nasa likod kami ni Gosu pero kita kami dahil naka-window(?) alignment naman. Tapos nung nag 2.. 3! yung babaeng taga-kuha biglang nilagay ni Gosu yung kamay niya sa balikat ko. Kaya ayun, parang close kami sa pic -__-

"Pa-bluetooth" - sabi ni Gosu matapos yun.

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon