Blind..

30 2 2
                                    


©PotatoPanda_

All right reserved

~*~

Charm

Jas, na saan ka na?

Kanina pa ako ikot ng ikot sa park namin, pero hindi ko talaga siya makita. Bumili kasi ako ng cotton candy para sa aming dalawa, at bigla na lang siyang nawala. Tatlong oras ko na siyang hinahanap pero hindi ko pa rin siya makita, Please God, help me to find Jasper. .

Sumilip ako sa fountain, at napansin ko na familiar yung lalaki, dali dali akong tumakbo ng mabilis  papunta sa fountain, nakita ko siyang nakatungo doon at parang may tinitignan.

"Jasper!!" Sigaw ko.

"Charm!" Narinig kong sigaw niya pero nakatungo lang siya doon sa lugar.

Tumakbo ako ng mabilis at bigla na lang siyang niyakap, "Okay ka lang ba?! Bakit bigla ka na lang nawala?!" Napa iyak na lang ako dahil baka pagnawala siya, baka hindi ko na siya makita pa.

"Sorry. ." ang tangi niyang sagot, kinapa niya ang muhka ko at pinunasan ang luha ko.

Kung nagtataka kayo, Si Jasper ay isang. . . bulag, pero kahit ganun ang sakit niya. Alam ko sa sarili ko at sa mata ng diyos na mahal na mahal ko siya, higit pa sa buhay ko.

Hinawakan ko ang kamay niya at pumunta kami sa ilalim ng puno at doon umupo, tinignan ko lang ang kamay niya at naramdaman ko naman ang paghawak niya ng mahigpit.

"Jas?"

"Sorry, I'm sorry, I'm sorry, kung hindi lang ako bulag edi sana, sana. ." nakita kong may pumatak na luha sa kamay ko. Ako naman ang nagpunas ng luha niya at pinatahan siya "Shhhh tahan na, okay lang ako, Jas." Hindi man niya makita pero deep inside parang gusto kong maiyak.

"Kung nakakakita lang ako dapat ako ang nagpoprotekta sayo at nag aalaga sayo, pero ikaw ang nagpoprotekta at nag aalaga sa akin, I'm sorry. ."

"Shhh, okay lang ako Jasper. Pangako ko, ako ang magiging mata mo." Sabi ko sa kanya and I kissed his forehead.

"I love you Charm."
"I love you too Jas."

Nilagay niya ang ulo niya sa balikat ko, at pinanood ang mga batang masayang naglalaro.

~*~

Thanks For Reading :)  !!




BlindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon