Chapter 4 The Great CR
ALEXANDRA’S POV
Ako: “SO KAYO NA NGA?!!!” Nandito kami sa cafeteria at naglulunch
Phoebs: “SHHH! Oo! Hihihihihi <3.<3” sabay takip ng bunganga ko. Hahahaha bunganga talaga!
A: “Paano? Kailan? Saan?”
P: “Well kagabi, sa room ko. Hehehehe” tawa ni phoebs na medyo nahihiya pa
A: “So ano nangyari? Paano?”
P: “Edi the usual, nagdradrama sya ulit tapos nagtatamputampuhan na 3 months na daw syang nanliligaw…..” Kwento lang ni Phoebe habang kumakain kami ng chips sa cafeteria. Tango lang ako ng tango.
Sa sobrang haba nga ang naintindihan ko na lang “Basta sinagot nya na ko girl! Yun nayun!”…
Hahahaha so sila na nga!!!! =)
“ALEX!” may sumigaw sa likod ko.
“Problema mo? Kung makasigaw ah! Hahahahaha!” sabi ko sakanya nung hingal hingal na nakalapit ditto.
“E pano si Mr. Reyes inutusan ako na tawagin ka! Hindi pa nga ako nakakakain dahil sabi nya di daw ako makakapagquiz pag wala ka pa dun in 5 min!” sabi ni Mandy, kaklase ko. Close kami nyan ni Mandy, close talaga to the point na parang second bestfriend ko na. Actually mas nakakapagkwento pa nga ako dyan kesa kay Phoebs.
“Ah. K” sabi ko kay Mandy tsaka ako tumingin kay Phoebs
”Phoebs later na lang ha!” Tumayo na ako at kinuha ang bag pati na din ang coke in can ko.
Okay lang naman kay phoebs na nagiisa e. Feel ko nga maya maya pupunta na din dyan si James. If not naman, marami din namang friends yan, the problem is hindi ko lang talaga sila kasundo, Yung friends nya yung parang mga mean girls -_-
MANDY’S POV
HIIIIIIIIIIIIII! I am Mandy! Amanda Ramirez! =) Nickname ko lang yung Mandy!
Alam nyo dapat madami akong ikwekwento sainyo! Like, kung ano ang life ko, kung pano kami naging magfriends ni alex, like kung pano mainis ang girls kay alex dahil kay BO!!! Hihihi bagay nga sila e.
Anyways…. Lumalakad na nga kami papuntang faculty at nasa likod ko lang si Alex, curious ba kayo kung anong itsura ngayon ni Alex ngayon habang naglalakad sa likod ko?
Well nakatingin lang sya sa left side, bale hindi sya nakatingin sa dinadaanan nya, kaya wag na kayo magtaka kung mamaya may makabunggo sya!!
Naka high-waisted shorts lang sya at white shirt na naka tucked in. Naka keds na grey, nakasabit na bag sa 1 shoulder nya at dun din sa side na yun ay may hawak sya na coke in can. Mahaba ang buhok na natural brown na may pagkacurly. Maputi, maliit ang ilong, perfect eyes, pinkish lips….
“Oy mandy kanina ka pa nakatitig? Bakit? Halata pa ba yung sugat ko sa mukha?” –Alex
“Hahahahaha, WALA! TARA NA NGA!” –Ako, hinila ko na sya papunta sa faculty kung nasan si Mr.Reyes.
Hahahaha. SHHH lang kayo ha. Bading kaya yan si Sir. May crush nga ata yan kay Bo e. AHAHAHAHAHAHAHA. Tuwing may laro kasi sila Bo lagi sya “Go BOOOOOOOOOO!!!!!!!” Hindi boo ah, Bo na mahaba =)
HAHA anyways, andito na kami sa faculty, may nakita naman akong teacher. Tinanong ko lang kung nasan si Sir at tinawag naman nya si Sir.
Lumabas si Sir na may mukhaasim. Hahaha charots! Talagng ganyan lang ang mukha ni sir.
“Mandy makakaalis ka na.” tumango lang ako kay sir at nagwave kay Alex. Ngumiti naman si Alex. Umalis na nga ako dahil kakain muna ko ng lunch no!