Chapter 3 - Number

92 3 0
                                    

Kath's POV

Kakatapos lang ng birthday concert buti nga buhay pa ako eh. Akala ko mahihimatay na ako kanina sa kilig lalo na nung lumabas pa si Vice Ganda. Grabe!! Nandito na pala ako sa backstage buti na lang nakalusot ako dun sa mga guards na nagbabantay.

" Oh, Kath nandiyan ka na pala kanina pa kita hinihintay eh "

Bukod sa akin nandito din ung ibang admin ng DANIELROCKS, DANIELISTAZ at DJFANATICS.

" Ate, tabi nga po kayo ni Dj. " sabi nung isang admin na ka-age ko lang.

" Ah, wag na akin na yang camera, kuhaan ko na lang kayo. " sabi ko doon sa babae, nakakahiya kaya.

Tatayo na sana ako para kunin ung Camera sa kanila ng biglang hilahin ni Daniel ang kamay ko.

" Tayo nga daw eh, makulit ka. "

Sabi nya kaya umupo na lang ako sa tabi nya. Nagulat naman ako ng bigla nya akong akbayan. Pero hindi ko na lang pinahalata yun.

Maya - maya ay nagpaalam na din ung mga admin. Kaya kaming dalawa na lng ang natira dito.

" Ah Daniel, Congratulations pala sa success ng concert mo ah. "

" Ah, salamat. Kath?? "

" Anu yun?? "

" Pwedeng pahiram ng cellphone mo? "

Ibinigay ko naman atsaka nya inabot sa akin ang cellphone nya.

" Yan, tapos na. "

Pagtingin ko sa cellphone ko. Nagulat ako sinave nya pala ang number nya dun at ang contact name ay " Batman <3 " Napangiti na lang ako.

Kaya sinave ko na rin ung number ko at pinangalanang " Kathryn "

" Bakit, ganyan ung pangalan mo dyan?? "

Kinuha nya ung cellphone nya sa akin at pinalitan ng " Batgirl <3 "

Sa sobrang kilig yumuko na lang ako. Kasi nakakahiya naman kung tumili ako dito di ba.

Bigla namang nagtxt ung driver namin na nandun na sya sa labas. Kaya nagpaalam nako kay Daniel.

" Daniel, una na ako ah. Nandyan na kasi ung driver ko sa labas eh. "

" Ah,sige. Hatid na kita gabi na rin oh, baka mapaano ka. "

Kaya pumayag na ako. Nung nadun na kami sa harap ng sasakyan.

" Ah, sige Daniel, una na ako ah. "

" Sige, itext mo ako pag nakauwi ka na ah. Cge bye. Ingat kau. "

" Salamat, ingat ka din. "

At tuluyan na akong pumasok sa sasakyan.

↖(^▽^)↗ - Ganyan ang reaksyon ko sa loob.

" Ma'am, saya mo ah. " sabi nung driver namin.

" Sobra, sobra kuya!! "

Dj's POV

Yes!! Magkaibigan na kami, hindi ko alam kung bakit ako natutuwa pero ang gaan talaga ng loob ko sa kanya na parang may nakaraan kami.

* Beep * * Beep *

From: Batgirl <3

Nakauwi na ako. Salamat po sa oras nyo. :)

Buti naman kung ganun. Ligtas siyang naka uwi.

To: Batgirl <3

Buti naman kung ganun. Busy ka ba??

Gusto ko sana syang tawagan eh. Kaso lang baka nakakaistorbo ako.

* Kringgggg * * Kringgggg *

Calling Batgirl <3

Accept||Decline

( Phone Conversation )

K - Sori Daniel, Sori talaga napindot ko lang. Sori talaga sa istorbo.

D - Hahhahahah.... Siguro tinitingnan mo number ko.

K - Ahh.... H-hindi ah.

D - Wehhh... Hindi nga.

K - Oh Sige na tama ka na. Tiningnan ko nga.

D - Hahaha.... sabi na nga ba eh.

K - Di pa rin kasi ako makapaniwala eh. Na ang Teen Heartthrob ng Pilipinas. Kausap ko sa telepono ngayon.

D - Pwes, maniwala ka na kasi totoo na.

K - Ah cge, baba ko na baka bc ka eh.

D - Hindi ah tatawagan nga sana kita eh.

K - ah ganun...

D - ako na lang tatawag sayo sayang load mo eh.

K - hindi ayos lang...

D - ah ok...

K - Daniel ahhh.....

D - Batgirl wag na mahiya, sige na sabihin mo na.

K - eh kasi..... May nagagalit na sa akin sa twitter dahil sa picture.

D - wag ka mag alala ako bahala sayo.

K - sige, sabi mo yan ah.

D - sige na tulog ka na gabi na eh.

K - ok gudnyt.

tapos binaba ko na ung call... Baka kasi inaantok na yun hindi lang nagsasalita.

Your my number OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon