10|18|15

28 0 4
                                    

Fuck.

Ganito pala. Ganito pala talaga kasakit ang ipagtabuyan ka ng kaisa-isang taong minahal mo. Ibinigay mo ang lahat. Sobra-sobra mong minahal, to the point na hindi mo na makilala ang sarili mo.

Ngunit andito siya ngayon. Si pagsubok. Ilang beses na ba yang dumating sa buhay namin?

Isa? Dalawa? Isang daan? Isang libo? Hindi ko na mabilang.

Pero bakit ngayon pa mahal? Bakit ngayon ka pa sumuko? Alam mo namang hindi ko kaya diba? Alam mo namang hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko.

Ang sakit. Bakit ka sumuko?

Wala pa naman tayong history ng break-ups di ba? Hindi ko pa iyan nararanasan e. Shitness! Gago!

Wala ka na ba talagang pakialam saken? Itatapon mo na lang ba lahat ng mga pinagsamahan naten? Sabi mo di ba? Mahal mo ako. Sabi mo yun e! Promise mo pa nga yun...

Bakit? Ghad. Sabi na e, I'm just a useless piece of crap. Kung kelan lang ba magkasama tayo saka lang masaya, saka lang hindi susuko kasi nahahawakan at nayayakap? Pero kapag magkalayong-agwat na ba at sinusubok na ng distansya, bye-bye na?

Taena. Ang galing talaga. I always believe that distance make a relationship grow stronger. Akala ko lang pala iyon. Ngayon ko lamang narealized... why do you always take me for granted mahal?

Anong bang problema ko? Para akong timang. Ano ba ang mali ko? Bakit hindi mo rin ako kayang intindihin? Bakit ikaw na lang parati ang dapat maintindihan? Sino ba ang babae sa atin. Sino ba ako para sayo?

Humihingi lang naman ako ng buo mong atensyon. Gusto ko lang namang maramdaman na mahalaga pa rin ako sayo kahit gaano ka pa kabusy na tao. Heto lang pala ang napala ko.

Kaso, bakit pakiramdam ko namanhid ako? Bakit parang wala akong maramdaman? Nagkakatotoo na ba ang hiling ko? Makakayanan ko na bang mag-move forward mag-isa?

Andami kong tanong sa isip ko. Lalung-lalo na sa sarili ko mismo. Ang gulo ko.

Dapat ba inalam ko muna kung talagang minahal mo ako? Nagkamali ba akong ikaw ang minahal ko? Nasa huli nga talaga siguro ang pagsisisi.

Pero bakit hindi man lng ako makaramdam ng pagsisisi na minahal kita? Bagkus awa. Awa sa sarili ko. Dahil ako lang maman ang habol ng habol sayo.

Durog ako. Ramdam ko.
Parang binabalutan ng magkahalong yelo at apoy ang buo kong pagkatao. Eto yung panahong nilalabas ko yung sobra sobrang sakit sa pamamagitan ng pag-iyak ko.

Damn.

Asan ka na ba luha? Bakit kung kelan gusto kitang lumabas saka naman ayaw mong magpakita. Please, kahit isang patak lang. Mailabas ko lang ang sakit na namumuo sa kailaliman ng puso ko.


Tama na. Ano! Manhid ka ba talaga o sadyang umaasa ka pa na magiging okay pa rin ang lahat? Na magiging okay pa rin kayo?

Tama na please... pakisaksak na diyan sa tuktok mo na ayaw niya na! Na tapos na kayo at kelangan mo ng tumigil.

Please, magpakatatag ka. Pride na lang ag meron ka, huwag mo nang hayaan pang tapakan ka niya at ang buo mong pagakatao.

Tatagan mo ang loob mo, aking sarili. Ikaw na lang ang meron ako...

Midnight MeditationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon