A/N:ito na po yung chapter i hope na sana magustuhan nyo ang chapter nato ^_________^
*"*"*"*"*"*"*"
Chapter 1Hazel PoV
Hi ako si Hazel Kate Lee,half korean/filipina,17 years old,3rd year college sa Jude University,they often call me HQ or Hugot Queen
kasi lahat na lang nilagyan ko ng hugot lines kaya yung mga kaibigan ko naiirita na din minsan sakin.
Di bale di ko na naman problema yun kaya nga sabi nila you don't have to change yourself for the sake of others.
Opppss sorry humuhugot na naman ako yaan nyo na masanay na kayo
Gaya ng mga taong manhid actually di naman talaga sila manhid sadyang SANAY na silang masaktan ng paulit-ulit.
~triiiiiiinnnnnggggggg~ ~triiiiiinnnggggg~
Sino naman tong tumatawag?weekend ngayon tsaka its my rest day.
Gaya ng mga nasasaktan at umiiyak sa pag-ibig lahat sila kailangan ng REST DAY o pahinga.
~Accept~(talagang humugot muna bago iaccept eh noh xD)
"Hello?"tamad kong pagkakasabi
"Hazel!!samahan mo naman akong magmall ang boring boring kasi dito sa bahay i can't take it anymore"psshh si Jaine lang pala kala ko naman kung sino unregistered number kasi ang nakalagay siguro nagpalit na naman toh ng sim.
"Bago ako pumayag iniba mo na naman sim number mo noh?"tanong ko sa kanya.
"Ah oo bakit?parang di ka na nasanay"sabi nya lang
"Grabe ka ilang sim card na ba ang nagamit mo?"tanong ko ulit kahit ang totoo halos nagamit na nya ata lahat ng sim card.
"Ahhhhh di ko na mabilang hehe" -__-
"Yan ang hirap sa mga taong manloloko di makuntento sa isa pagnagsawa na kukuha ulit ng bago at pagnapagsawaan na ulit hahanap at hahanap ulit sya ng kapalit"one of my hugot ewan ko ba kahit NBSB ako ang dami kong alam minsan nga naisip ko pinaglihi ba ko ni mama sa hugot lines.
"Huy for yah info hindi ako manloloko noh humuhugot ka na naman dyan parang mali ata yung natawagan ko at ikaw pa ang naisipan kong yayain sa mall"sadyang maling-mali dahil nakakatamad lumabas sa bahay duhh ang lakas ng ulan noh masyado akong maganda para mabasa ng ulan.
"Maling-mali talaga kaya geh babye na"ibababa ko na sana yung tawag kaso-
"Waaahhhh!!!okay okay samahan mo nako sa mall hindi kasi available si Cristal at Ingrid waahhh ikaw lang ang tanging kong pag-asa"napataas naman ako ng kilay at may naisip ako hehe minsan lang toh kaya lubusin na
"Geh pero libre mo ko ng pagkain"sabi ko sa kanya habang nakangisi
"Pssshh oo na kahit hindi mo sabihin alam ko namang dun pa rin papunta yun"wahehehe she know's me that much
"Okay geh bihis lang ako kita na lang tayo sa mall"sabi ko
"Gih gih babye!!"biglang naging cheerful yung tono ng boses nya ah, pagkatapos nun binaba ko na yung tawag at naghanda na para sa pagpunta ko sa mall.
~Mall~
(20 minutes later.......)
"Nasaan na ba yung babaysot na yun?sya ang nagyaya tapos sya pa ang huli tsk"
Nandito ako sa Dunki'n Donut bumili lang ako ng burger na may kasamang kape
Dadating pa ba yun?ang hirap kaya na maghintay -__-
"Libre mo ko ah"sabi ng isang babae dun ata sa boyfriend nya
"Okay"sagot nung lalaki
Psssh Parang pag-ibig lang yan Hindi nabibili ang pagmamahal pero LIBRE lang ang magmahal.
Depende na lang kung tama ba yung taong nilibre mo.
"Hazel!!!"napasilip naman ako bigla sa glass door ng may tumawag sakin
And there i spotted the animal anong petsa na ngayon lang sya dumating aber
Tinaasan ko lang sya ng kilay dahil pinaghintay nya lang naman ako ng 30 minutos!!can you believe that?!!
"Okay fine,sorry okay natraffic eh okay na?"*sigh* as if namang kaya kong magtampo ng matagal ililibre pa nya ko noh
"Pssh fine..o sya ilibre mo ko ng Donut now na naubos na tong burger ko kakahintay sayo"sabi ko sa kanya
"Okay just wait for me here"pero bago pa sya makaalis hinila ko sya paupo AYOKO NG MAGHINTAY NOH!
"Just sit there at ako na ang oorder try mong maghintay masaya sya"sabi ko sa kanya in a sarcastic way
Inirapan nya lang ako at binigay na sakin yung pera at syempre ako ito tuwang-tuwa dahil libre ako today
Pumili nako medyo madami din kasing nabili at habang nakapila ako may sumingit na lalaki sa pwesto ko kaya uminit bigla ang ulo ko
Tsk!sa pagibig nga maraming mang-aagaw pati ba naman sa pila >:/
"Hoy mister lakas mong makasingit sa pila ah"sabi ko na pagalit
"Okay lang yan miss pinasingit mo naman ako at nakakatuwa dahil atleast nalaman kong may puwang pa pala ako sa puso mo"Hanuraw??? Ang lakas makahugot ng isang toh
Tinulak ko sya paalis ng pila "Pwes pinaaalis na kita sa pila gaya ng pagpapaalis ko sayo sa puso ko"saglit parang mali ata yung nasabi ko para namang sinabi ko na pinasingit ko talaga sya sa puso ko (-___-')
*smirk*
Tinaasan ko lang sya ng kilay at tumingin na ulit sa harap na parang walang nangyari problema ba ng lalaking yun
Mang-aagaw pa sya ng role dito sa story ko kapal ng muhka.
"Babalik ako kapag ready na ulit akong ipagsiksikan ang sarili ko dyan sa puso mo"sabi nya sakin napatingala naman ako dahil ang tangkad nya
"Hindi mo na kailangan ipagsisikan ang sarili mo sa taong ayaw naman sayo"sabi ko sa kanya nakita ko lang sa facebook yun e akalain mo magiging useful din pala yung line na yun
"Nice"sabi nya lang sabay ngiti at nakapamulsang umalis sa harap ko at hindi ko napansin na malapit nako kaagad sa counter ang bilis ah
"Nalibang ka kasi na kausap ako"nandun pa pala yun kala ko lumayas na tsaka mind reader ba sya?
Lumingon sya sakin at sinabi ang mga katagang nagpakulo ng dugo ko
"Wag ka masyadong malibang sa taong libangan ka lang pala"pagkatapos nun umalis na nga sya ng tuluyan luko yan ah lakas maka hugot nakakainis yung sinabi nya
Ano yun ginawa nya lang akong libangan nya para mapabilis ang oras?!!
Pero kung iisipin di lang naman sya ang nalibang ako din kaya napabilis ang oras ko
aiisshhhh ewan ko dun sa lalaking yun =___=
*""*"*"*"*"*"
A/N:Sorry kung kokonti lang ito na po muna sa ngayon solomot please vote and comment if you like this chapter thank you!!!! ^___________^Sorry na lang po sa wrong grammar at wrong typos xD.....
BINABASA MO ANG
Ms.Hugot Queen(short story)
Short StoryHazel:"bakit ba ang bagal ng kupal na yun?di ba nya alam na ang hirap maghintay sa taong wala namang kasiguraduhan at hindi rin ba nya alam na minsan nakakainip at nakakapagod ng maghintay at palagi na lang ako naiiwan ah......di bale sanay na naman...