Marry Me

44 3 1
                                    

"Okay lang 'yun, wala kang kasalanan. Hayaan mo na" sabi saakin ni Maine habang nakangiti. Nagsasawa na yung tenga ko siguro dahil lagi ko na lang naririnig ang katagang yan galing sa kanya. Oo, girlfriend ko sya at 2 years mahigit na kami. Pero 'di lahat ng relasyon na nagtatagal ay walang katapusan. Kasi samin kahit matagal relasyon namin, natapos din 'yun. Hindi naman dahil sa walang forever, pero dahil may rason. 

Ako ang naging dahilan ng break-up. Masaya 'yung hinahanap ka ng isang tao, 'yung may nag-aalala sayo. Pero nakakasawa din pala 'yun, 'yung tipong ikaw 'yung iniikutan ng mundo nila, 'yung lagi ka nilang hinahanap na para bang lagi akong nawawala, 'yung nagpapakatanga sila sayo, they let themselves to be hurt, to be broke by the person they love. Ewan ko ba, ang clingy lang kasi tignan. Tss.

In this situation, I'm the one who hurt her and broke her into pieces. Ilang beses syang nagmakaawa sakin na wag ko daw sya iwan, pero 'di ko sya pinapansin nagte-taingang kawali ako. Bakit ko pa kasi pakikinggan yung sinasabi niya kung ayaw ko na, diba? Nagsawa kasi ako sa relasyon namin, sa kanya. May mga tumatagal namang relasyon sakin pero in the end, lagi akong nagsasawa. In this relationship, akala ko she's the exception. Akala ko sa kanya na talaga ako, but I was wrong. Call me the jerk, the asshole for ruining her. For shattering her heart into a thousand pieces.

After our break-up, I feel free. And that's what I want. Nakalaya na 'ko mula sa pagkakatali sa kanya, finally after 2 years. I'm able to do anything I want, until I met this girl. She's outgoing and carefree compared to my ex na laging nasa safe zone nya, she doesn't want to get out of that zone, to go beyond the lines. I found happiness with my new girlfriend, we're happy. 'Yung mga 'di ko naramdaman sa ex ko, sa kanya ko naramdaman. I became possessive, hinahanap ko siya kapag wala siya, nagseselos ako everytime na mayroong lalapit sa kanyang lalaki na hindi ko kilala, she's always on my mind 24/7.

A few months later, she told me na naiinis na sya sakin. She hates me for being too clingy. Nasaktan ako. I went to their house to beg her, I even kneeled in front of her hoping that she'll listen to me and she won't let our relationship be wasted. Ginawa ko 'yun kahit nagmukha akong tanga, but it's worth it kasi nakipagbalikan siya sakin. Seryoso ako sa relasyon na 'to, seryoso ako sa kanya. I can't let her go,  'di ko kayang mawala sya sakin that's why I'm doing anything to keep her.

Nangyari ulit, she wants to break up with me again. Ginawa ko ulit yung nangyari dati.  Pero hindi na 'to kagaya ng dati na nakipagbalikan agad siya. I cried because of her, sabi nila kapag iniyakan ka ng isang lalaki ibig sabihin seryoso sayo 'yan. Tama sila kasi seryoso ako sa kanya. Days passed, hindi parin siya nakikipagbalikan saakin dahil she needs space to think about it.

May pumasok sa isip ko.. Maine, my ex. Ganito siguro nararamdaman nya nung 'di ko sya pinapansin habang nagmamakaawa sya sa'kin. Bigla kong narealize na kung ano pala 'yung mga ginagawa nya sa'kin dati ay 'yun ang mga ginagawa ko sa girlfriend ko ngayon. Narealize ko na nasaktan ko pala talaga sya..

I remembered all of our good memories. Unexpectedly, I compared her with my present. Nangibabaw siya, lamang sya kesa sa present ko. All of her sacrifices for me, her efforts, yung lagi nyang pagiintindi saakin. I realized all her worth, she's really damn worth it. But I chose to break her, she's a masterpiece but I treated her like a piece of shit. I'm really a jerk, an asshole, and stupid for letting a girl like her be wasted by me.
I suddenly have this feeling like I want to be with her again. I fall for her, for the second time.

After a week, nakipagbalikan na siya sakin. 'Yung present ko. Nag-focus ako sa kanya, 'di ko muna pinansin 'yung mga naisip ko nung mga nakaraang araw. Naguguluhan lang siguro ako, oo tama naguguluhan lang ako.  'Yung relasyon namin parang switch ng ilaw, on and off. Nakakapagod din pala, nakakapagod mag-effort sa isang tao. 'Yung ikaw lang 'yung gumagawa ng paraan para sa relasyon nyo habang sya nagpapakasaya kapag wala ka. Damn, nakakainis. I'm tired, I need to stop this.

Marry MeWhere stories live. Discover now