"AYIIIIEEEEE. May date si Fayeeee! HAHAHAHA."
"Naks. MAY KA-SPARKS!"
"Forever na ba ituuuu?"
Sabay sabay na kantyaw nila sa kanya. Hayst, nakakainis man pero wala akong magagawa, wala e.
"Awwww, selos na si Doms kasi may iba na si Faye."
Shet talaga to si Lea e. Nananahimik na nga ako, pinansin pa ko. Pota talaga.
"Halah? Pano ako napunta sa usapan nyo? Ayos din ah." Sabi ko.
"Wooh, kunware ka pa, selos ka naman. Hahaha." Sabi ng isa pa naming kaibigan, si Daljeth.
"Tangnang yan. Sinong nagseselos?" Depensa ko naman.
"Gago. Sige na guys, andyan na daw sya e, naghihintay sa may bench." Sabi ng kanina pang inaasar na si Faye nga. May susundo daw sa kanya e, ewan ko kung sino, Yvan daw pangalan sabi ni Lea.
"Bye byes Faye, good luck! Hahahaha."
Mapang-asar na paalam nila kay Faye habang naglalakad ito palayo.
"Tara guys, sundan natin si Faye sa may People's park! Dun daw sila pupunta e!" Daljeth.
"Tara! Alam na dis! Hahahaha." Shaira.
"Tara. Basta mga bru wag kayong magpahalata para di tayo mahuli ni Faye. Kailangan maging successful ang misyong ito! Ang ating pangi-spy!" Sabi naman ni Lea sa tonong pang detective Kogoro Mori pa.
"Owkay. Gamitin lamang natin ang ating mga radyo *insert sound effect ng radyo ng guwardiya here* upang makapag-usap!" Ako yan habang ginagaya pa yung tono ni Lea kanina.
Sinusundan na nga namin si Faye at yung damuhong sundo nya. Madami kaming kagaguhan na pinagsasabi habang patago naming sinusundan sila Faye. Di naman malayo yung parke na yun mula sa aming pamantasan, malapit lang kaya di naman nakakapagod. And seriously, mukha kaming tanga, di ko nga alam pano ba kami nag come up sa misyong ito at kung para saan ba to. Dapat pala di na ko sumama pa dito. -____-
"Uy ayun sila!"
Impit na sigaw ni Shaira habang tinuturo ang direksyon nila Faye. Nakaupo sila sa sementong upuan, nag uusap, medyo nagngingitian, mukhang masaya.
"Tsk. Ang cheap ah, di man lang pinakain muna si Faye, kitang kagagaling lang sa school e." Sabi ni Lea. Oo nga naman, kung ako yung kasama ni Faye, priority ko yung pagkain, alam kong matakaw yun e.
"Oo nga e, parang di gentleman. Wag nyang idahilan na wala syang pera, ang dami daming murang pagkain na nagkalat dito oh. Kung ako nga masaya na ko kung pakakainin ako ng kwek-kwek e." Sabat naman ni Daljeth. Sabagay, pero ako bibilhan ko si Faye ng siomai, alam ko kasing yun talaga yung favorite nyang kainin.
"Grabe, di ba talaga nya naiisip na baka pagod at gutom si Faye? Kanina pa sila dyan ah? Anong klase yan?" Side comment din ni Shaira sa pangyayari. Haysss, eh kung ako na lang yung kasama ni Faye? Edi di sya mahihirapan, kasi aalisin ko yung pagod nya at hahayaan ko syang kumain at magrelax dahil alam kong yun ang kailangan nya at hindi boring na kausap.
Ang dami kong iniisip, ang daming what ifs, nang biglang...
"SHET! *tunog ng radyo here two times* MISSION ABORT! MISSION FAILED! NAKITA NA TAYO NG TARGET!" AKO yan.
Oo. Napatingin siya bigla sakin. Siguro naramdaman nya yung mga mata ko. Pero, naramdaman din kaya nya ang puso ko? Naramdaman nya rin ba yung isang bagay na matagal ko nang pilit na pinahihiwatig sa kanya? Nakita niya ako. Pero sana, nakita niya talaga yung totoong AKO.
Tumakbo kami. Kasabay ng pagtakbo ng aking mga paa ang takbo ng aking isipan. Tumatawa sila, ako, dahil sa pangyayari. Nagsasalita ako at nakikisali sa katatawanan at pag-alala sa nangyari kani-kanina lang. Pero wala doon ang isip at puso ko. Naiwan yata sa kung saan ako huling nakatayo. Naiwan sa isang spot sa parke kung saan parang nawasak yung puso ko. Pota, ayoko ng ganito, ang corny talaga shet.
"Hahaha. Uy pre ayos ka lang? Tara na uwi na tayo, mission aborted na e."
Oo nga naman. Mission aborted na. Mission Failed na. Wala talaga akong pag-asa. Alam ko na to nung una pa lang. Alam na alam kong hindi pwede, na magpe-fail lang to. Sorry naman, gago lang, umasa pa e. Umasa pa akong baka may chance. Umasa pa akong baka okay kung magiging kami man. Umasa pa akong tangna, na matatanggap nya ko, na magwowork-out yung self proclaimed mission ko: ang maging akin ang taong sobrang gusto ko. Pero shet, bakit ba ko umasa? Eh kaibigan nga lang ako e, hanggang tropa lang ako tangna.
"Uy Niks, malapit ka na ah, paranoia attacks! Haha!"
"Oo nga, umayos ka Nikki, baka lumagpas ka na naman sa bababaan mo."
"Mga gago. Sige na mga chi. Manong, babaan lang po!" Bumaba na ako ng pampasaherong jeep.
"Bye Nikki! Ingats ka!"
"Ingat ka bakla, baka ma-rape ka! Hahaha."
"Sge pareng Dominique!"
HAHAHA. Kailangan ba talagang isigaw yung buong pangalan ko pag nagpapaalam? At grabe, ayos talaga yung mga yun magpaalam e.
"Hay naku, Ms. Dominique Daep, nasaktan ka na naman ngayong araw. Sinabi nang kaibigan ka lang talaga e, kasi di pwede. Yan, mission abort na ah? Itigil na Nikki, baka lalong ma-hurt e. Hahahahaha." Wala sa sariling kausap ko sa sarili ko, baliw na nga yata ako.
BINABASA MO ANG
MISSION ABORT!
Подростковая литератураThis is just a one shot story. I just can't sleep so I wrote this one. lol.