Mr.Good Guy

154 6 0
                                    

Chapter.04

"Anong ginagawa mo dito?! Pano mo nalaman tong lugar na toh!?!" Inis na inis yung mukha nya.

"D-diba sinabi mong nasa Sanctuary ka. K-kaya pinuntahan kit"

"Tinanong moko! Pero wala akong sinabing magpunta ka!?!"

"D-diba sabi ko sabay tayo mag-lunch" naiiyak nako. Nagalit ko nanaman si Nick ╭(╯ε╰)╮

"Pumayag ba ko?!! Umalis ka na nga!!!"

"A-ah... sige. Aalis nako. I-ingat ka ha" pilit akong ngumiti. Bat ba kasi antanga ko? :'( Lagi ko na lang syang ginagalit.

"N-nga pala Nick, b-babalik ako ng school. I-ikaw ba?" pahabol ko. Ayokong isipin nya na nagtatampo ako kasi lalo lang syang magagalit.

"WALA AKONG PAKE!" tumalikod na sya. Bumalik sa Sanctuary. Ako naman, haay eto naiyak papunta sa sakayan T.T

Mahal kita Nick. Mahal na mahal. Lahat gagawin ko para sayo. Hindi ako susuko. Pero kung sasabibin mong 'GET LOST' pinapangako kong papakawalan kita para sa ikasasaya mo D':

-------------

*BELL*

"Okay, class dismissed" tumayo nako after sabihin yun ng teacher namin. Diretso agad ako sa may parking lot.

Hihintayin ko dito si Nick. Nung seniors pa lang kami, naghihintayon din kami lagi. Kahit alam kong napipilitan lang sya. Mas naging mailap lang naman sya nung nagtapat ako sa kanya eh. At nagalit naman nung i-arrange kami. Akala nya dahil sakin kaya gusto kaming ipakasal ng parents namin. Sa umpisa ayoko din naman, pero mahal ko sya kaya napilitan na din akong pumayag.

Umupo muna ako sa isang bench habang hinihintay sya. Hindi ko kasi makita yung kotse nya. Hello??? Andami kayang kotse dito!

After an hour, paunti-unting nababawasan ng mga kotse. Pero di ko pa din nakikita si Nick.

"Need a ride?"

"Ikaw pala. Ginulat mo naman ako" para talagang kabute tong si Orenz. Biglang nasulpot.

"May hinihintay ka ba?"

"Oo"

"Wala nang kotse dito. Wala nang tao sa school. Sino pang hinhintay mo?"

Dun ko lang napansin na gabi na pala at wala ng ni-isang kotse o student dito.

"P-pero---"

"alam mo bang two hours ka ng naghihintay?"

"H-ha? b-bakit..p-pano---"

"Nakita kita kanina. I got curious so tiningnan ko kung sino yung hinihintay mo. Pero two hours na wala pa din."

Dahil sa sinabi nya, bigla na lang pumatak ang luha ko. At nakita kong nataranta si Orenz nung nakita akong naiyak.

"M-may nasabi ba kong masama???"

"W-wala *fake smile* a-anong oras na?"

"7:18 PM to be exact" habang nakatingin sya sa relo nya, dumudukot sya sa bulsa nya.

Nilapitan nya ko tapos pinunasan nya ang luha ko. Nagulat man ako, I managed to smile pa din sa kanya.

"S-salamat ha" nginitian nya lang ako.

"Tara dali. Sama ka sakin :D" hinila nya ko papunta sa motor nya.

"T-teka lang, g-gabi na baka---"

"Sumama ka na lang. Mawawala lungkot mo. Promise ∩__∩"

Ms.MARTiR 'n Mr.MANHiDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon