Untitled Part 2

1.2K 1 0
                                    

 Paano gumawa ng maikling kwento?

Una, isipin mo muna kung bakit ka gagawa.

Syempre para sa sarili mo di'ba? Yung matutuwa ka. Pang-alis umay o kaya naman hindi mo lang talaga mapigilan ang sarili mong gumawa. (sarcastic tone) Yung klase na may nakita kang kumakain ng kwek-kwek, gusto mo na ding ikut-ikutin ang mundo ko at paniwalaing kulay orange lang ang lahat ng kwek-kwek. And speaking of that, grabe, Brad! Nakulong ako sa paniniwalang lahat ng kwek-kwek, orange! Tapos nung lumabas ako sa kwentong binuo mo sa isip ko, ahhh, marami pa pala. May blue, red, pink, green, ahhh, hindi lahat katulad ng kwento mo! Predictable!

Hmmm. Kalma, kalma... Sa kwentong ito, broken-hearted ako,oo. Pero bitter? Noooo! HINDI AKO BITTER. HINDI talaga.

Isipin pa natin kung bakit ka gumagawa ng kwento. Ahh! Pwede rin namang dahil sa gusto mong makita ng ibang tao. Sabi nga, paniwalaan mo lang, magiging totoo na. Hanep! Masakit aminin pero minsan tayo ito e. Hindi lang ikaw. Yung susulat tayo ng kwento kasi yun yung gusto natin. Na kung pwede lang ibigay mo kay Lord at sabihing,"Lord! This is the role I want to be, cut po tayo. Cut!" From the bottom of our heart, yung mga if i-could-just-wish-for-a-star na kinakanta mo para lang matupad ito, yun talaga yun. Minsan sasabihin mong may family outing kayo kaya ka umabsent. Pero wala ka lang naman talagang baon. Minsan sa kwentong sinulat mo, mayaman yung bida. Nasa kanya na lahat, maganda, mabait, matalino (insert Daniel Padilla's song here). Yung campus sweetheart, campus heart-throb, yung brain and beauty effect. When in reality check, yung bidang binuo mo, yung tauhang ginawa mo, ah pucha! Yun yung gusto mong maging pero hindi magiging ikaw! Sa kwento lang. Sa kwento lang na ginawa mo.

Pangalawa, simulan mo.

Laging sinasabi ito ni Mudrakels, "Paano matatapos e hindi mo naman sinisimulan?" Beng-beng! Kahit saan naman ata applicable ito. Alam kong madaming idea dyan sa utak mo. Mahirap gumawa ng kwento lalo na kung ang alam mo e yung sarili mo lang pero hindi ang kapakanan ng iba. Hugooooot! Lensugas naman kasi ee, alam natin kung ano yung mangyayari pero kung paano simulan? Sus, eseee nemen. Sasabihin mo, "Bahala na si Superman!"

Napakahalaga ng beginning pero minsan naiisip mo pa yung ending. Ganyan ka din di'ba? Dun ka kasi nakatingin kaagad sa malayo. Aminin mo nga, mayabang ka ba at malakas ang tiwala sa sarili? O, isa ka dun sa mga pumapasok sa isang bagay para lang subukan ito? Yung wala lang, yung I would like to taste the piece of cake kasi malalasahan ko na lahat. There's a point to that but hell, noooooo! Anong tingin mo sa lahat ng bagay, unchanging? Life goes on and so the ink of your pen.

Unang-una, hindi ako cake para tikman lang. Sweet ako, oo, pero hindi ako sweet lang. Nagagalit din ako, nasasaktan at nawawalan ng lasa. Nagandahan ka lang kaya mo ko nilapitan. Ano yun, nagwindow shopping ka? Braaad! Gravy naman. Hindi mo ko makukuha kung hindi mo ko liligawan. Ang pag-ibig ay hindi isang free taste that you get to taste the whole thing. Hindi ako pagkain. Yummy lang ako. (Mwehehehe.)

Subukan mong sumulat ng kwento tapos konting minuto, bejing-bejiiiing! Inutusan ka ng nanay mong bumili ng toyo, pustahan, na-loot na ang ideas mo. Pag hahawakan mo na ulit yung ballpen at papel, sorry to say, pero nag-iba na siya----- hep! O mas tamang sabihing nag-iba ka na. Baka habang nasa daan ka, nakakita ka ng bagong idea. Baka, di magtagal, palitan mo na yung sinimulan mo. So ano yung point ng pagddaldal ko dito? I say, pag hinawakan mo na, pag na sa iyo na, isipin mong mabuti bago mo pakawalan. Hindi lahat ng binabalikan, katulad ng dati.

Pangatlo, pangatawanan mo.

Bilang manunulat, isa ka ng munting kutsero. Sumusulat ka ng kwentong may mga simula para lagi kang puntahan ng mga suki mo. Pero, mga kuya at ate, pakatandaan, "Ang mga munting sinungaling, walang karapatang maging makakalimutin". Paano pa kaya kung hindi ka naman little liar? Harharhar. Goodlukers na lang, Mameng Bhez!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paano Gumawa ng Maikling KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon