Diksyunaryo ng Pag-ibig (Poem)

50 0 0
                                    

ka-ek ekan lang. :)

Ayun, nakalagay naman sa title na Poem to diba? Trip maging makata ng loka-loka niyong author eh. :D

++++++++

Natutong magmahal, Natutong umibig

Tibok ng puso'y maririnig ang pintig

Natutong umiyak, natutong lumuha

Natutong ngumiti, natutong tumawa

TIWALA, ito ang unang salitang natutunan

noong natutong umibig nang wagas at lubusan

Kapag malayo sa tabi pabaon ay tiwala

Tiwala na hindi ka magloloko at magsasawa

UNAWA, ito naman ang pngalawang salita

pag nawala ito, relasyon ay masasalanta

Pagkat ito ang dahilan kung bakit nagkakabati

pag ang kapareha ay nakagawa ng mali

TAPAT, ang salitang pangatlo sa bokabularyo

ng tinatawag na pag-ibig at pagsuyo

Kasinungalingan ay lamat sa relasyon

Pagiging tapat ang matuwid na direksyon

LIGAYA, pang-apat na mahalagang salita

nararapat itong madama ng bawat magsinta

kung ito'y di na madama sa mangingibig,

tapat na pagsinta ay dagliang lumalamig

Lahat ng ito'y naibigay na sa iyo

Kaya't sa iyong paglisan ay nadurog ang puso

Ako'y umiyak at poot ay nabuo

Paano pa iibig kung ito'y nabura na sa diksyunaryo?

Diksyunaryo ng Pag-ibig  (Poem)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon