AKO na LANG SANA... (One Shot)

4 1 0
                                    


Mikaela's POV:

'Tabatchoy! Tabatchoy! Tabatchoy!'

Asar ng mga batang nasa playground gaya ko.

Kumakain ako ng cupcake. Paborito ko kasi 'to, nang bigla silang manukso.

"Ang huk-- bad bad nyo!!! Huk--.. Lagi nyo na lang huk-- ak-huk--ong inaasar. Ano naman kung mataba ako? Mabait naman ako eh!!!" Pagtatanggol ng isang cute na cute na bata sa sarili nya. Sya pala yung inaasar.

"Ang pangit pangit mo kasi! Mataba!! Tabatchoy!! Tabby Tabatchoy!!! Tabby Tabatchoy." Pangungutya pa ng mga bata sa kanya.

'Haay. Wala akong nagawa kung hindi lapitan ang batang tinutukso nila. Wala na kasi itong nagawa kundi ang umiyak sa ilalim ng teddy bear na hawak.

Lumapit ako sa Manong na nagtitinda ng ice cream malapit sa kanila. Patuloy pa rin ang pag-iyak ng batang babae.

"Manong, alam nyo po bang may nangunguha ng bata ngayon? Yung mga batang salbahe, yung mga nang-aasar at laging nagpapaiyak ng kapwa nya bata ang kinukuha. Ang lahat ng nakukuha nilang bata ay binibenta nila at pinaglalako na lang ng kendi sa lansangan. Hindi sila binabalik sa mga magulang nila hangga't hindi nagtitino." Nilakasan ko ang pagsasabi niyon para matakot Sila.

"Oo iha. Narinig ko nga. Aba'y ang usap-usapan pa'y hindi sila pinapakain." Sumakay naman sa trip ko si Manong.

Napatingin ako sa gawi ng mga bata nang tumigil sila sa pangungutya.

Nakatingin lang sila sa batang babae na iyak pa rin ng iyak.

"Aba iha, paniguradong maraming makukuha ang mga mamang iyon dahil may mga bata malapit sa'tin ang nagpapaiyak sa isang cute na bata. Tsk. Tsk." Aniya pa ni Manong. Napangiti ako.

Lumapit ako sa batang babae at bumaling ako sa mga batang nang-aasar.

"Kayo ba ang nagpa-iyak sa kanya?" Tanong ko. Nasa limang lalaki sila.

"Ah-- eh-- hindi po. hindi po kami 'yon. Tara tara." Mabilis na nagsitakbuhan ang mga bata. Ang natira na lang ay ako, si manong at ang batang babae.

"Hey, stop crying na. Wala na sila." Tinaggal ko ang takip sa mukha nung bata which is yung teddy bear.

"Ang ba-Bad nila. Lagi na lang po nila akong inaaway." Humihikbi pa ring sabi nung bata.

"Ssshhhh. Tama na. Wala na sila. Hindi ka na nila aawayin. Gusto mo ba ng ice cream ha?" Tanong ko dito.

Tumango naman sya.

"Manong dalawa pong ice cream" Naksngiti kong sabi. Inabot naman sa'kin ni Manong.

"O ayan na iha, wag ka ng umiyak. Ipinagtanggol ka na ni Ateng maganda oh." Haha. nambola pa si Manong.

"Opo." Isang magandang ngiti ang isinukli sa kanya ng bata. Ngayon ko lsng napansin na wala na ang isang ngipin nya sa unahan. Marahil ay patubo na.

Umupo kami sa may bench.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya. Parehas kaming kumakaen ng Ice cream.

"Tabitha po." Nakangiting sabi nya. Haha..kumayat pa yung ice cream sa ibaba ng labi nya. Agad ko naman iyong pinunasan.

"Ang ganda ng pangalan mo. Kasing ganda mo." Sabi ko sa kanya. "Ilang taon ka na?"

"Four po. At saka ate, hindi naman po ako maganda, ikaw po yung maganda kasi ang sexy sexy mo po, ako naman po Ang taba taba." Malungkot na sabi nya. Malapit na rin nyang maubos yung ice cream.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 19, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AKO na lang SANA...Where stories live. Discover now