Chapter 1 [Edited]

104 8 0
                                    

Update. ©2015

Enjoy!

------------------

Smith's Pov

"Saan mo siya dadalhin, Drei?" 

"Clinic" maikling sagot ni Frost. 

"Ako na ang magbubu----"

"No, it is fine, Kent. I will be the one who will bring her to the clinic" sabi ni Frost

"Frost, alam kong hindi ka ganyang tao. " sabi ni Kent. Tahimik lang ako, si Sofia at Loui.

"Pero iba ang nakikita mo. Dont worry maya-maya makikita mo akong kasama ang isang babae" sabi ni Frost.

Bago pa man makapagsalita si Kent. Tumalikod si Frost at naglakad habang buhat niya ako. Hindi ko alam ang nangyari basta sa sobrang sakit ng paa ko. Parang hindi na ako makakalakad.

"You're so heavy!" Singhal sakin ni Frost nang makalayo kami sa barkada.

"Sino ba kasi ang nagsabi na bubuhatin mo ako?" sagot ko

"I can't believe you are so heavy like this" sabi niya.

"Magaan lang kaya ako buhatin" depensa ko

Hindi na siya kumibo kaya dumiretso na siya sa higaan at nilapag ako. 

"Girlfriend niyo ho sir?" tanong ng nurse.

"Uhhh. No" sabi niya. Napa frown naman ang nurse

"Girl, kita mo si Ash? Ang landi! Si Andrei na ngayon ang tinatamaan" 

" Bakit sila magkilala? Nakita mo ba sa canteen nung binuhat ni Andrei si Ash?"

" Ang landi niya talaga gurl." 

Iyan lamang ang mga salitang narinig ko kanina bago pa kami makapasok dito.

*Ring

"Hi baby! Sandali lang papunta na ko" sagot ni Andrei sa katawag niya. May girlfriend na pala siya? 

Mga lalaki nga naman.

"Uhm. Mauna na muna ako ha? May pupuntahan pa ako" sabi niya. Bago pa siya makaalis hinila ko ang kamay niya palapit sa akin.

"May klase pa tayo diba? Nagcu-cutting ka?" Tanong ko. Tumango siya at saka tinanggal ang pagkahawak ko sa kanya at saka umalis.

Hindi ko alam, pero bakit ang sakit?

Buong araw akong nakatulala at tahimik. Nagtataka nga sina Sofia kung bakit ako tahimik, alam kong nag-iba. Nag-iba ako dahil sa lalaking iyon. Ang pinagtataka ko kung bakit sobrang gaan ko kay Andrei at sa mga barkada niya.

Wala pa akong magawa buong hapon kaya nagpasya ako na pumunta sa library. Saka ako naghanap ng mga librong pwede ko matuunan ng pansin.

Habang naghahanap ako hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot. Sobrang drama ko ngayong araw, at hindi ko alam kung bakit. Kinuha ko ang isang aklat na pinamagatang 'Fudge that Love'. Umupo ako sa pinakadulo at doon nagsimulang magbasa. Dito ako kumukuha ng mga ideas sa library dahil sa pagiging author sa mga librong nagawa ko.

"Love....."

Love for me is where your heart, mind and soul are part of it. 

Pagkatapos ng ilang oras, hindi ko namalayang malapit na pala mag- gabi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Falling in love with a PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon