Rj POV
Hayss yung babaeng yun! Makikita nya! Makikita nya talaga! Di ba nya ko kilala? Ako lang naman ang may ari ng school nato! Lechugas!
"Pare tama na daydream! Pasok na tayo sa first subject." Si dave habang tatawa tawa dahil sa nangyari.
"Shut your mouth okay?! Tarantado ka kasi!" Iritang sagot ko.
"Boss kunin mo na bag mo. Hahaha tara na!" Dave
Nagsimula nakong maglakad hanggang sa makarating sa classroom namin.
"You're late Mr. Malique!" Masungit na sabi ng prof namin.
Hindi ko nalang pinansin at naghanap ng bakanteng upuan. Buti meron pa,
Umupo nako. Swerte nga naman ng mga babaeng to oo! Biruin mo, kalapit ako? Tsk. Teka! Hmmm hahahahaha! Pag sinuswerte ka nga naman!
Kalapit ko lang naman ang babaeng sumipa sakin"Hoy babaeng panget!" Tawag ko sa kanya
Halatang gulat na gulat sya. Haha
"A-anong ginagawa mo d-dito? Sinusundan mo bako?" Malamang mag-aaral."Nagshoshopping ako dito! Patingin naman ng pinamili mo! Mall kasi to e! Malamang mag-aaral! Duh!" Sarcastic kong sabi. Abay! Inirapan lang ako? Hustisyaa!
"May naaalala kaba?" Ngumiti ako ng pang asar.
"Ano nga palang pangalan ko? Teka.. nasan ako? Sino kayo? Nasan mga magulang ko?" Sarkastiko rin nyang sagot. Calm down rj! Calm down!
Mariin ko syang tiningnan. Nachachallenge talaga ko sa babaeng to.
"Kilala mo ba kung sino ako?" Tanong ko.
"Hindi. Fc ka nga e! Ginugulo mko di naman kita kilala. Pwede bang tigilan mko?" Ugh taray!
"Alam mo bang maswerte kana kasi kinakausap kita? Yung iba nga mamamatay na sa sobrang inggit sayo tapos binabalewala mo lang ako?" Nagpout ako. Pacute kumbaga. Hahaha
"Utang na loob ko pa yun? Edi sila kulitin mo! Bahala ka dyan magsalita ka mag isa mo." Sabi nya tsaka inurong yung upuan nya. Hayys tong babang to! Bigwasan ko kaya to!
"Class dismissed!" Rinig kong sabi nung prof. Wala man lang akong natutunan sayo.
Tumayo nako. Aabangan ko tong babaeng to.
"Hey! Care to eat?" Sabi ko paglabas ng babaeng panget nato sa pinto.
"Break nga diba? Malamang kakain ako. Duhh!"
"Wait! With me?" Nagpuppy eyes pako pero nilagpasan lang ako.
Sinundan ko parin sya.
"Makulit kaba talagang damuho ka?" Sabi nya pagharap sakin. Woah! Ang ganda nya!
"Ah.. eh.. sabay na tayong kumain. Pleasee!" Shete bat nautal ako.
"Bahala ka." Sagot nya.
This girl driving me crazy! Sh*t! Erase erase!
*********************************Hi. Sorry naaa! Sorry kung panget! Haha♡♡♡
BINABASA MO ANG
Power of Love.
RandomIto yung story na kahit nasasaktan na sya, okay lang. Maging masaya lang yung taong mahal nya.. na kahit maging masokista sya, mas pipiliin nyang masaktan kesa hadlangan ang kasiyahan ng mahal nya. ang story na rin nato ang magpapakita ng power ng l...