Arjay POV
kainis talaga yung ugok na yun arghh bwiset!!
nandito nga pala ako naglalakad sa hallway papunta sa opisina ni pres. kim
"Ria Jang!! yung palda mo oh umaangat"
"palapit na ang kampon ng kadiliman"
bulong ko tss manggugulo na naman ang kampon ng kadiliman tss
"long time no see ah kamusta ka na?"
tss nagtanong pa
"kahit kelan talaga yung mga biro mo nakakairita pa rin"
"naman... kasalanan ko ba kung bakit ayaw bumaba nung mga blinds kanina... pero... aminin mo diba magaling akong tumyming"
timingin mo yang mukha mo bwiset nagpatuloy na lang ako sa paglalakad
"bakit andito ka?"
"meron akong gagawin"
pakelam ba nya kung nandito ako tss
"hindi kaya nabalitaan mong nandito ako kaya hinintay mo kong makita kitang nakahubad"
"huh?!"
kapal ng mukha nito
"ano? ikaw hihintayin ko? palibhasa hindi ka na ganon kasikat kaya tumabingi na yang utak mo"
masyadong feeling
"parang yun lang kasi yung dahilan kaya ka nakahubad eh...... ano pa kayang pwede?... teka wag mong sabihing nagpapabayad ka na para---"
tumigil ako at humarap sa kanya saka nagsalita
"hoy nandito ako para mag-apply bilang manager walang cr o kaya naman dressing room pero kailangan kong magpalit ng damit kasi natapunan ako ng kape hindi ako katulad mo na may sariling cr at dressing room hindi rin ako sikat na singer na pinag-aagawan ng mga studio o company baguhan palang ako at para magkatrabaho ang mga katulad ko kailangan masipag kaming mag-apply kung hindi gutom kami"
paliwanag ko masyado kasing advance kung mag-isip eh
"ahh...... so mag-aapply ka palang manager"
"ahh...... ano?! pwede na ba akong umalis?"
"sige"
argh!! kainis!!
"hmm... wala ka na sa dati nyong agency? bakit?"
kung makapagtanong kala mo naman he cares utot nya pero teka...
tumigil uli ako at hinarap ulit sya
"pano mo nalaman?"
"di kita macontact sa dati mong no. eh kaya ko tinatanong"
"bakit mo inaalam ang contact no. ko?"
"curious lang... gusto kong malaman kung kamusta ka na? di mo ba ako namiss?"
sabi nya sabay pout yuck kadiri
"hahaha(sarcasm) para mamiss kita dapat hindi kita nakikita kaso araw araw oras oras laman ka ng dyaryo,radyo at tv binabalita lagi ang mga karelasyon mong babae hah lahat na ata ng artista sa korea tinuhog mo na meron kang Yoon meron kang Song meron kang Kim meron kang Sin meron kang Hwang grabe pati mga singer nabola mo *clap clap clap* ang galing mo ah"
bwiset!!
"naman...... hanggang ngayon ba galit ka pa rin sakin"
"tss"
"maayos naman yung paghihiwalay natin non ah bat galit ka pa rin?"
"oo... maayos... tama... wala akong reklamo... sabi mo sakin dumating na yung hinihintay mong break kaya pabigat na ako sayo... tinanggap ko yun ng maluwag sa puso ko kaya dapat di mo na ko ginugulo...... bakit naubusan ka na ng pabigat ngayon?"
"hehehe"
tawa pa tong sira ulong to
"isa pa magwawala ang mga fans mo pag-nakipagdate ka sa hindi kilala sa showbiz"
sabi ko saka tumalikod at nagsimulang maglakad papalayo dun sa ugok na yun
"good luck sa pag-aapply mo ah"
humirit pa tss
"maraming salamat(sarcasm) "
"hahahaha"
anong tinatawa tawa nun ugok talaga
†BlackDeath†
BINABASA MO ANG
The Boy Band's Muse Manager
Teen Fictionjust read it to know the story tinatamad kasing mag-explain si author eh sensya na tao lang tinatamad din...