"It's hard to say that spending 3 years of my life with you is a waste."
Simpleng mag-aaral, masunuring anak at madalas tahimik. Summer noon, walang magawa sa bahay, pasalamat na lang kay inay at nagpakabit siya ng internet. Doon ay nilibang ko ang sarili, naglaro kami ng aking kapatid at sa hindi inaasahang isang araw sa simpleng aksidente ay mababago na ang buhay na nakasanayan. Hindi ko sinasadyang mapindot ang isang ad sa tabi ng aking nilalaro.
"I never liked advertisements especially when it pop outs in the screen then it'll get my attention and distracts my work. But I never thought that it'll be a way to discover a new world in which I will face new people and a special someone."
Nakita ko ang site, sinubukan kong laruin. Inaamin ko, nagustuhan ko ang online game na iyon sapagkat madami ako naging kaibigan at first time ko na makipagusap sa ibang tao na hindi nakikita ang aking mukha at hindi kilala kung sino ako talaga. Simula noon ay inaraw araw ko na ang paglalaro ng online game na iyon. Marami ako naging kaibigan. Masasabi ko na doon na umikot ang summer ko ngunit hindi pa doon nagtatapos ang paglalaro ko ng online game na yun.Madami rin akong natutunan, dun ko unang natutunan ang paggamit ng "xD" at proud akong sabihin ito xD. Nagpatuloy ito hanggang mag 4th year highschool. Araw araw may kachat ako mapalalaki, babae, o bading, lahat sila ay naging bahagi na ng aking buhay. Ako ay mahiyain sa lahat ng bagay kaya kaunti lang ang kaibigan ko irl pero sa online madami sapagkat malakas ang loob ko dahil hindi ko kaharap ang taong kinakausap ko kaya mas nagustuhan ko ang paglalaro ng online games.
Tatlong taon ko inalagaan ang account ko o ang aking pagkatao sa online game na iyon kasama ang aking mga kaibigan. Nagkaroon ako ng bestfriend. Sa kanya ko sinasabi ang lahat. Umaabot kami ng madaling araw sa pag-uusap. Nag-aasaran at nagkukulitan. Masaya ako kapag ang mga binibitawan kong mga jokes ay nagpapatawa sa kanya. Sinusuportahan niya ako sa mga sitwasyon na kaylangan ko ng suporta. Konting banat niya lang ay bentang benta naman sa akin. Siya ay "kengkoy" kaya mabilis na nahulog ang loob ko. At masaya ako dahil parehas kami ng nararamdaman. Yun nga lang nung araw na magtapat siya ay ang nasabi ko lang ay "hahahaha ty" dahil hindi ako sanay sa mga usapang seryoso pag siya ang kausap ko at ako ay nbsb. Takot akong sumuway sa aking magulang, bawal kasi ang magkabf habanag nag-aaral pa. Hindi tumagal ay pinaputol ng aking ina ang internet connection sa bahay. Nawalan na kami ng connection ng aking bestfriend. Ako ang unang hindi nagparamdam at sumunod siya.