"First Move"

11 1 4
                                    

Anthony's POV

Oh punyeta. Panes! Nagka-POV rin ako Wooo! Teka teka. Mamaya na ako magsasaya.

Nandito kami ngayon sa court. As usual andito lang ako sa bleachers nakaupo. Maaga na naman kasi ako pinapasok netong kumag na to sa hindi ko malaman na dahilan. Akala mo mamamatayan kung makapagbanta eh! Sus. Pag eto di importante mapapatay ko to. Tsk.

Kakatapos lang ng practice ng gwapo kong bespren. Yaan niyo na. Minsan lang naman to eh. Hehe. At ayun na nga. 7am ang simula ng pasok namin at 6am palang for pete's sake!! "Bro." simula ng mokong. "Problema mo?" masungit na tanong ko sakanya. Badtrip kasi eh! Fruta. "Oh. Badtrip ah? Chill. Hahahaha. Bakit break na kayo? Sabi sayo walang poreber eh. Hahahahahaha" sabi sakin ng kumag na to with matching hampas hampas pa. Aba. Nagpractice lang nabakla na? Anyare dito? "Ulol hindi no" pagtanggi ko naman sa mapang-asar niyang tawa at ngiti. "Eh anong ikinaba-badtrip mo diyan?" sabi sakin nito. Haays. Di ba obvious?! Guys di ba obvious?! Fruta to. Kahit pala ang mga gwapo natatanga minsan no? "Di ba halata ha?! Papapasukin mo ko ng sobrang aga tapos anong gahawin natin dito tutunganga?!" sabi ko sakanya at bakas na sa mukha ko ang sobrang inis. "Hahahahahahaha" yan lang ang naririnig ko sakanya.

Nasa hallway na kami ngayon at naglalakad. Malamang. Alangang gumapang kami dito diba? Tao po kami tao. At sa ilang minuto pang tawa ay tumigil na din ito sa wakas. Buti mabait ako kaya hindi ko to sinapak. "Magpapatulong sana ako sayo." sabi nito sa mahinahong tono. "Aba! Tigas mo ah?! Pagtapos mo kong tawa-tawanan dito?! Ulul no way!" sabi ko habang akmang aalis na ng bigla akong hinawakan nito ng mahigpit sa braso. "Subukan mong umalis. At bago ka pa makalayo napatay na kita. Siraulo ka ba?! Nanliligaw na ako! Magpapatulong ako sayo tapos tatanggi ka? Dahil tinawanan kita?! Aba! Sorry ha!" sabi niya sakin na ikinalago ng mata ko. Ininalago naman para maiba.

Etong torpe na to?!

May nililigawan?!

Wahahahahahahaa! Nagbibiro lang to diba?! Sabihin niyo nga! Nagbibiro lang to diba?

"Weh?" sabi ko sakanya na natatawa tawa pa. "Oo. Di lang ikaw magkakalove life no. Papatalo ba ako?" sabi niya na may halong yabang. Tss. Kahit kailan talaga to. "Pero pano na si Chel--" bago pa man ako matapos sa pagsasalita ko.. nagsalita na siya. Aba! Putahamnida! Bastusan? Bastusan ba bro? "Siya yung nililigawan ko" dagdag pa nito kaya dumoble -este- kumwadropol (A/N: sensya na baliw eh) ang laki ng mata ko.

"Di nga?"

"Oo nga! Kulit mo naman eh! Ano tutulungan mo ba ako oh ano?"

"Sige sige. Count me in" sabi ko. English yun ah? Sa isip isip ko. Palakpakan niyo naman ako! Haha. De joke lang. Half meant. Haha. Tama na nga!

Pumunta kami sa boy's locker room para makapag shower ng konti at makapagbihis tong tropa kong 'torpe no more'.. pagkalabas namin ng locker room ay dumiretso kami sa parking lot. "San tayo punta?" nagtatakang tanong ko sakanya. 6:15 am palan kaya! Madilim pa nga oh! "Anong tayo? Ako lang. Maiwan ka. Nga pala." inabutan niya ako ng pera. "Para san to?" sabi ko sakanya "Sweldo mo. De joke lang. Pambili ng bulaklak. Bumili ka! Dapat pagbalik ko andito na ah? Sasapakin kita." sabi niya sabay harurot ng kotse niya. Yabang talaga nun. Bat ko nga ba uli kinaibigan yun?! Bwisit eh.

Agad na akong naglakad palabas ng school. Malamang. Bibili nga ng flowers diba? Anong gusto niyo? Mamitas ako ng gumamela diyan sa garden tapos ibalot ko sa diyaryo?

Paglabas ko ay saktong naalala ko ang flower shop ng ate ni Clyde. Oo may kaibigan pa naman ako bukod kay Clarenz no. Classmate ko si Clyde matagal tagal na din kaming magkakilala nun. At medyo close na rin.

Dumiretso na ako sa Flower Shop at bumili ng bulaklak. Alangan namang bumili ako ng ice cream dun diba? Pfft. Bumili ako ng isang bouqet ng rose. Oo isang bouqet para palong-palo. Agad akong bumalik sa school at hinintay sa isang bench si Clarenz walang magawa sa buhay.

---------------------------

Chanelle's POV

Andito ako sa bahay ngayon habang nag-aayos ng sarili ko. Syempre alam niyo na. Magaanuhan pa kami ni Anthony..

Maglalambingan po. Wag ano. Maglalambingan lang okay?! (A/N : AKA LANDIAN TO THE MAX AND KFC! WOOOOO~) kumakain ako sa sala ng biglang may mag-doorbell sa gate namin. Seriously? Ganitong oras? I'm expecting na si Anthony yun pero pagbukas ko ng gate...

Si Clarenz.

"Anong ginagawa mo dito?!" panimulang bulyaw ko sakanya. Oo panimula palang. "Chill!" sabi jiya na nagtaas pa ng dalawang kamay. "Eh ano nga kasing kailangan mo?!" pangalawang bulyaw ko sakanya. "Itatanong ko lang kung mahilig ba si Chelsea sa mga bulaklak! Susme. Wag ka nga OA di kita rereypin. Pfft. Asa ka naman no." sabi niya sakin habang nakapaskil sa mukha niya ang nakakaloko niyang ngisi. Aaaarrrggghhh! Sasabunutan ko to!! "Aba! Eh kung wag ko kayang sabihin sayo?! Kapalmuks ka talaga kahit kailan no?!" bulyaw ko uli. "Edi hindi na. Eh ano nga kasi?" pangugulit pa nito. "Hindi yun mahilig sa bulaklak. Pagkain gusto nun." sabi ko sakanya na ikinagulat niya. "Eh ikaw?" tanong niya sakin. "Oo medyo." sagot ko naman. Maya maya pa nagsink-in na sa utak ko na namamanhid na yung paa ko dahil kanina pa pala kami nagsisigawan dito sa gate. Tss. "Pumasok ka muna." yaya ko sakanya. "Aay! Hindi na. Okay na ako. Salamat sa tulong ah? Bye!" "Teka! Bat mo ba tinat--" bago ko pa matapos yung sinasabi ko eh kumaripas na ng takbo yung kotse niya. Langya yun. Teka. Bat nga ba niya tinatanong?

--------------------------

AUTHOR' NOTE : 2AM NA PALA!! WAAAAAHHHH! GE. BYE.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Meant to Be"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon